"Ms. Alexa Javier?" binasa ko ang nakalagay na pangalan sa package at tumingin sa babaeng nagbukas ng pinto. nabigla ako na makita ang kanyang mukha na kanina lang ay di ko mawari ang reaksyon.
Ang babaeng iyon.
Tulala at wala akong masabi. Malaki ang bahay kung san siya lumabas. Nakakahiya, sino ba naman ako para makipagkaibigan sa gaya niya. Mayaman siya at ako, ito taga deliver ng packages.
"Ano po yun?" sabi niya sa akin na puno ng otoridad. Hanggang dito ba naman ay susungitan mo pa rin ako
"Ah-eh. Hinahanap ko po si Ms. Alexa Javier. Kayo po ba yun?" Nauutal kong sabi.
Kinuha niya ang ballpen at papel sa kamay ko at pinirmahan. Tulala pa rin ako. Ang ganda ng mga mata niya na para kang nakakita ng anghel. Ang labi niya na mapula.. napakaganda niya. Ngumiti siya at tiningnan ang tulala kong mga mata.
"Maraming salamat. Pwede ko na bang kunin yung kahon na bitbit mo?" Muntik na akong mapatalon nung siya ay nagsalita. Nagising ako sa katotohanan na nagttrabaho ako sa oras na ito tiningnan ko ang pinirmahan niya bago ko ibigay ang kahon.
"Kayo po ba si Alexa Javier?"
Hindi siya nagsalita.
"Ka-ano ano niyo po siya?" nakatingin pa rin ako sa papel dahil baka matulala nanaman ako kung siya ang titingnan ko.
Bigla siyang nagsalita, "Oo. Ako si Alexa." Napatingin ako muli sa kanya. "Thank you po ma'am. Ito na po yung package niyo."
Pasakay na ako muli sa aking motorsiklo nang tumawag siyang muli mula sa pinto ng bahay niya.
"Kuya! Kamusta nga pala ang pakiramdam mo?" Muntik na akong matumba sa motor ko nung tinanong niya yun.
"Ah okay na po. Malakas na agad. Maraming salamat po." Pinaandar ko ang motor ko at sinabi kong aalis na ako at marami pa kong gagawin.
"Magingat ka, kuya!" sigaw niya nung nakaalis na ang aking motor. Rinig ko ang mga sinabi niya hanggang sa makalagpas ako sa San Pedro at naibigay na ang iba pang package na kailangang ideliver.
Napapaisip ako, bakit. Bakit kaya niya ako tinulungan noong nagkaron ng aksidente sa jeep ni Mang Kanor? Nakapunta na kaya siya sa burol ni Mang Kanor?
*Beep beep*
"Hijo! kung gusto mong magpakamatay ay ikaw na lang wag mo kong idamay" *beep beep*
Napahinto ako bigla nung may makasalubong akong jeep. Masyado na ata akong nagiisip, nawala na sa utak kong nagmamaneho nga pala ako. Tiningnan ko ang Jeepney driver at humingi ng tawad.
Natapos ang mga deliveries namin ngayon at nagpapahinga na lang ako bago ako umuwi. Naisip ko nanaman siya. Alexa. Alexa pala ang pangalan niya. Alam ko na rin kung san siya nakatira at estado ng buhay niya. Akala ko naman ay simple lang siya tulad ko. Yun pala kabaliktaran ito ng aking inakala. Dapat ay mabayaran ko siya sa pagbabayad ng aking pagkakaospital.
Nagbukas ako ng aking wallet at ang aking nakita ay nakakaiyak.... Tatlong daang piso.
Paano ko siya babayaran nito? Sa isip kong sinabi. Bpaka tawanan pa ako pag nagbigay ako ng gantong kaliit na halaga.
Napailing na lang ako at sinuksok sa bulsa ko ang wallet ko. Nagpaalam na ako sa boss ko at nag-out sa opisina. Pumara ako ng jeep at sumakay.
Kung tutuusin ay parang ordinaryong araw lang naman ang nangyari sa akin pero ang kaibahan lang ay ang unti unti kong pagkilala sa babaeng iyon. Si Alexa. Napapikit na lamang ako at unti unti ay hinila na ako ng antok.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Kuya, babaan ka na po." Sabi ng babaeng kumakalabit sakin sa aking pagtulog."Kuya lalagpas ka po gumising ka na." ulit niya.
Dumilat ang aking mga mata ngunit malabo ang aking nakikita. Pero alam kong si Alexa ang babaeng nagsasabi na lalagpas na ako. Malabo. Malabo ang aking nakikita, katabi ko siya ngunit di ko makita ang kanyang mukha. Gusto kong magsalita ngunit walang boses na lumalabas sakin. Iniaabot ko ang kamay ko sa mukha niya ngunit wala akong maramdaman.
"Para po." Sigaw nang isang bata ang narinig ko at nabangga niya ang aking tuhod habang bumababa siya ng jeep.
Napadilat ako at nang makita ko ang nasa paligid ko ay napamura ako sa isip ko dahil lagpas na ako sa bababaan ko.
"Para po! Para! Para!" biglang pumreno ang jeep na dahilan na yung katabi kong tulog ay napahiga sa bag ko na nasa harap ko noon.
Napakatanga ko naman. Naglakad na lang ako pabalik kaysa magjeep pa. Naiisip ko rin si Alexa. Ang babaeng iyon. Napadaan na ako sa kanto ng bahay ni Mang Kanor, walang bakas na may burol o ano sa lugar nila. Nagdalawang isip pa ako kung pupunta ba ako sa bahay nila para mangamusta at magbigay kahit abuloy man lang, pero binitbit ako ng paa ko papuntang terminal ng Tricycle para makauwi na.
"Sandico po" sabi ko sa tricycle driver. Laking gulat ko nung pagsakay ko ay nakita ko sa highway ang jeep ni Mang Kanor na dumaan.
Napa-sign of the cross ako sa nakita ko. Mang Kanor minumulto mo ba ako? Promise dadaan ako sa burol mo bukas.
Maya maya pa ay nakarating na ako sa bahay. Nagbayad ako sa tricycle at naabutan kong nasa labas si nanay at bumibili ito ng balut.
"Buhay daw pala si Kanor" Sabi ng magba-balut na si Ka Gorio habang nagmamano ako sa nanay ko.
"Ano po? Buhay si Mang Kanor?" Nanlalako ang mga mata ko at inulit ko pa baka mali ako ng narinig.
"Oo hijo. Kami rin ay nagulat, sabi daw ay binigyan siya ng pangalawang buhay kaya dapat magbagong buhay na ang loko." Natawa naman ako sa sinabi ni Ka Gorio, babaero kasi si Mang Kanor eh.
"Pano ba nangyari yun? Mapagmilagro talaga ang nasa taas." sabi naman ng nanay ko. Relihiyosa kasi siya.
"Ay may babae daw na sumagot ng pampaospital ni Kanor, pati nga ang pampalibing ay binigay na. Kaya siguro nabuhay yun eh dahil doon." Wala nang paligoy ligoy ang unang pumasok sa isip ko ay siya lang. Ang babaeng iyon. Alexa Javier.