"I don't believe you." Nilagok ko ang coke sa harap ko habang si Luther naman ay nasa gilid ko. Nasa loob kasi kami ng cafeteria dahil lunch na. I'm looking for Simon but instead na siya ang makita ko ay ang haliparot na si Luther. Inaya pa nga ako nila Camille na sa labas na kami kumain pero tinanggihan ko sila. Tinatamad kasi akong lumabas and besides hinahanap ko si Simon at sinasabi ni Luther na mahal niya.As of now? Wala pa din akong nakikita. Masyado kasing malihim at tahimik si Simon. Eto naman kasing si Luther ayaw pa sabihin.
"Then, don't." Ngumiti si Luther kay Divina na dumaan. Namula bigla ang pisngi nito at halos mapatid pa dahil sa pagtingin kay Luther. Napahalakhak pa nga ako ng mahina.
"You're mean.." natatawang nilagok ni Luther ang Coke sa harap niya. Umirap ako pero di ko pa din mapigilan ang matawa. Kahit hindi kami close talaga ni Luther ay natutuwa ako sa kanya. Nakikita ko kasi ang sarili ko sa mga ginagawa niya. There's nothing wrong kung mapalapit ako sa kanya diba?
It's pretty safe for sure. Kasi, alam niya ang laro ko at alam ko ang laro niya. Kaso, kahit ako ay sinusubukan niyang laruin minsan. Gumunaw man ang mundo. Pumuti man ang uwak. Hinding hindi ako maiinlove kay Luther. Asshole will always be asshole.
"Mean?" Tumaas ang kilay ko. "Hindi ba pwedeng malandi ka lang?"
Ngumiti si Luther at hinarap ako. Wait----- natigilan ako bigla. Yung ngiti niya kasi.. hays!!! Ginagamitan ka lang ng charms niyan Sasha!
" landi talaga? Di ba pwede charming lang talaga ako?"
"Hindi eh." Ngumiti ako at hinawakan ang baba niya at pinihit pakaliwa at kanan. "What are you doing?" Kunot noong tanong niya.
Tinapat ko pa ang hintuturo ko sa bibig ko para patahimikin siya. "Shhh.. hinahanap ko kasi kung nasan yung charm na sinasabi mo, parang wala naman.." natatawa kong sabi sa kanya. Ngumuso si Luther at nilaro ang labi gaya ng ginagawa ni Simon.
"If I know kinilig ka nung hinawakan mo ako.." ngumiti ulit siya at kumindat kaya bahagyang nanlaki ang mata ko. Gago na to! Malandi na, feelingero pa.
"Wag kang assuming! Kinilabutan ako.." masungit na sagot ko sabay subo ng pasta na nakaikot sa tinidor sa harap ko. Ngumisi si Luther at inakbayan ako kaya pakiramdam ko ay sumabit ang pasta sa lalamunan ko.
"Yeah.. eto tubig para mawala ang bara sa lalamunan mo.." inabot niya ang baso ng tubig sabay tayo at humagalpak ng tawa. Urrgh! Nakakainis ang pag kakapal ng mukha niya.
Napatitig ako sa kanya na habang naglalakad sa gawi nila Divina. Umupo siya doon at ngumiti para ipakita ang pang close up smile niya. Unlike Simon napaka light ng awra ni Luther. Para bang ligayang ligaya siya sa mga ginagawa niya.
Masaya siyang kasama, no doubt.. carefree siya, masayahin, and no dead air kapag kasama mo siya. Yung nga lang. Dapat kontrolado mo ang feelings mo dahil talagang mahuhulog ka sa kanya. Gwapo, mayaman, mabango, may sense of humor. Yung nga lang, gago!
Iritable akong nagpunas ng bibig at uminom ng tubig. Naiinis ako dahil palagi niya akong naiisahan! Palagi nalang niya akong tinatalikuran na talunan! Magagantihim ko din yan malandi na yan.
"Hey, cuz.." napatingin ako kay Darton na nakangiti habang may nakasabit na filer sa kaliwang kili kili. Kasunod niya naman ang isang chinitang babae na maganda naman pero hindi katangkaran. Nanliit ang mata ko sa kanya kaya pinanlakihan niya ako ng mata.
"She's Joyce Co." Tipid na salita ni Darton sabay upo sa harap ko katabi si Joyce. I see.. kaya pala singkit at maputi siya dahil sa chinese siya.
"Hi.." salita ni Joyce kaya napatawa ako ng bahagya. Ramdam na ramdam ko ang pagsipa ni Darton sa binti ko kaya naman hindi ko lalo napigilan ang pagtawa. Ang ganda kasi ni Joyce pero ang liit ng boses niya. Kasing liit ng height niya ang boses niya. Mabuti nalang at maganda siya.
BINABASA MO ANG
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..