Natell's POV
Pinikit ko ang mga mata ko nagbabaka sakali na magising ako sa katotohanan pag nagbukas ako ng mga mata.
Ibinukas ko ang mga mata ko ngunit gaya ng inaasahan isang katotohanan ang sumampal sa akin, isang bangkay parin na nakasabit sa flagpole ang tumambad sa akin- sa amin.
Gustuhin ko mang umiyak ngunit hindi ko magawa, tinignan ko ang paligid maraming mga usisero ang nakatingin din.
"Hindi...." naaawa ako sa kanila, si Chrissie, Nelfa at Farra iyak lang sila ng iyak kanina pa ang sakit na kaibigan nila ang makikitang nakasabit sa pole, ang sama ng taong gumawa nito.
"Tumigil na nga kayo! Patay na si Krisian wala na tayong magagawa, kaya pwede 'wag na kayong umiyak." naiiinis na sabi ni Rhea pero kita naman sa mukha niya na gusto niya 'ring umiyak.
"Paano nangyari ito? Kahapon lang siya nawala at ngayon patay na siya." sabi ni Megan, nakapagtataka. Kung nahanap namin siya kahapon sana hindi ito nangyari.
"Mga bata bumalik na kayo sa inyong mga room kami nang bahala dito!" sigaw ni mamang pulis pero hindi parin kami nagsialisan, dahan dahang tinatanggal ng mga taga soco ang bangkay.
"Sinong may gawa nito?"
"Grabe, nakakatakot naman parang killer in a section." naghihisterical kong sabi."Guys, bumalik na tayo sa dorm." malumay na sabi ni Chrizelle, ang president namin sumunod naman kami.
"Grabe, sobrang brutal ng killer!" pahayag ni Coleen.
"Yeah." parang pang-wattpad lang 'yung killer in a section.
"Hai, maligo nalang nga tayo." sabi ni Megan, pumasok na kami sa kani-kanilang dorm.
Sana naman wala nang sumunod sa pagkamatay ni Krisian.
**********
Chrizelle's POV
Pumunta ako sa harapan upang magsabi ng updates sa class, hindi parin ako makapaniwala sa mga nakita ko kanina, kahapon lang kasama namin si Krisian at biglang nawala ngayong umaga patay na.
"Guys tahimik muna." mahinahon kong sabi, tinignan ko sila ang mga boys wala lang parang wala lang silang nakita kanona nagbabatuhan sila ng mga papel na parang mga kinder. Ang ibang babae naman nag-iiyakan at mas marami sa kanila nagchi-chismisan lamang.
Paano nila nagagawa ito? Na parang mag inarte na walang nanyari?
"HOY! PWEDENG TUMAHIMIK KAYO?!" sigaw ko sa lahat, natahimik naman sila at napatingin sa akin ang iba nakataas ang kilay ang iba nagroll ng eyes.
"May announcement lang ako guys sandali lang naman ito," huminto ako sandali saka nagpatuloy.
" Si Sir Trumatizes--" hindi pa ako natatapos sa pagsasalita ng may sumabat."Patay narin ba? Kung patay na wala na kaming paki."
Sabi ni Amir, tumawa naman ang karamihan, nagrolled akong eyes."Hindi siya patay, nagleave siya ng 5 months kaya wala muna tayong klase sa ngayon."
"Wooohhhh!!! Yesss!!" nagtatalon talon sila sa tuwa.
"At sinabi ng principal na walang klase ngayong buong week dahil may seminars ang mga teachers."

BINABASA MO ANG
Bloody Treat
Gizem / GerilimPaalala lang po sa lahat ng nakabasa na ng Bloody Treat written by:bunkey997 This is my new account dahil sa pagkakatanda ko nakalimutan ko ang password kaya huwag kayong mag-comment ng 'hala plagiarism ako' ok? NEW ACCOUNT po!!!