CHAPTER 22

6.5K 84 0
                                    

Chapter 22

Umalis siya sa pagkaka-upo sa hita ng binata at naglakad siya patungo sa kwarto niya pero bago pa siya tuluyang maka labas ng kusina at naramdaman niya ang braso ni Nick na naka pulupot sa bewang niya.

" Hindi mo ba ipapaliwanag sakin kung bakit ka naging sinungaling? " Tanong nito sa kanya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag dito kung bakit siya naging sinungalin. Natatakot siyang sabihin dito ang totoo. Natatakot siya na baka masaktan lang ulit siya pag hinayaan niya itong makapasok sa puso niya.

Hindi niya pinansin king ano ang tanong nito. Marahas niyang tinanggal ang pagkakayakap nito sa bewang niya at akmang maglalakad na siya ng hawakan nito ang kamay niya.

" Madison? " Nakikiusap na sabi nito at mahigpit ang hawak sa mga kamay niya. " Hindi kita maintindihan. " Dagdag nito.

Umikot siya para harapin ang binata. Matiim niya itong tinitigan sa mga mata na pinipilit na wala itong emosyon na makikita.

" Umalis k----- "

" Bullshit! Lagi mo nalang ba akong ipagtatabuyan? Hindi ka ba nag sasawa? Are you not tired for pushing me away? Madison?can you just please? Let me show you how much i loved you! How much i need you! How much I miss yo---- "

" Makapag salita ka parang may pinagsamahan tayo? Makapag salita ka parang nagkaroon tayo ng relasyon. Nick move on! I'm not coming back to you. Burried that in your mind! Fuck! " Sigaw niya. Sawang sawa na siya. Hindi niya na kaya dahil hindi pa siya handa.

Lumambot ang mukha nito at sinalubong siya ng tingin. Please. Nick. Don't fucking believe me this time.

" So. Nag assumed lang pala ako na magkakaroon ng tayo? Nag aasummed lang pala ako? Siguro na tama ka, na sex lang talaga yun at wala ng iba! Ganun ba yun Madison? Okay! Is that what you wanted then okay. Lalayo na ako sayo. Hindi na kita guguluhin. Suko na ako sayo! I'm done with you. " Walang emesyon na sabi nito. Parang nadudurog ang puso niya dahil parang ang bilis naman nitong sumuko.

" Nakuha mo naman pala ang ibig kong sabihin. You can now leave, lock the door and please, totohanin mo yung sinabi mo. I'm tired. " Tanging yun lang ang lumabas sa bibig niya at pumihit siya ng paatras at tumakbo patungo sa kwarto niya. Nang maisara niya ang pinto ay pasalampak siyang napa upo at niyakap ang tuhod. Binuhas niya ang lahat ng emesyon na gustong lumabas kanina habang nasa harap niya ang binata. Humagulgol siya sa pag iyak na halos nahihirapan na siyang huminga.

" Bakit ang sakit? " Tanong niya sa sarili habang yakap parin ang mga tuhod. Patuloy lang ang pag patak ng mga luha niya. Wala siyang karapatan na masaktan dahil walang namamagitan sa kanila.

Gusto niyang sabihin dito ang totoo. Gusto niyang ipagsigawan sa harap nito na minahal niya na ito. Na natatakot lang siya na baka masaktan lang ulit siya.

Umalis siya sa pagkakaupo at nagtungo sa banyo para makapag ayos at makahanap ng trabaho. Isinantabi niya muna ang nangyari kanina sa kanila ni Nick. Kailangan niyang makahanap ng trabho. She need it. Pagkatapos niyang maligo ay nagsuot lang siya ng simpleng high waist maroon skirt and black off shoulder at pinarisan ng itim na sapatos na may mataas na takong. Naglagay lang siya ng kaunting make up at itinali ng mataas ang buhok.

Kinuha niya ang brown envelope at ang susi ng sasakyan. Kahit namumugto ang mga mata niya ay pursigido parin siyang mag hanap ng trabaho. Lumabas siya ng kwarto at akmang lalabas na siya ng bahay ng biglang tumunog ang telepono sa sala. Mabilis niya itong tinunguhan at singot ang tawag.

" Good Morning, Madison Catalona speaking. " Sagot niya.

" Wow! Ang pormal naman naman ng babe ko! " Sabi ng lalaki sa kabilang linya. Hindi na siya umangal sa pag tawag nitong babe sa kanya dahil kilala niya naman ang boses nito.

Wet The Bed 1: Nicholas HeochlinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon