20th.

101 3 5
                                    

Buti nalang..

Ang ganda ni mama.

Hahaha. Buti nalang ready si mama. I texted her last night na naimbita nga akong sumama sa pagpuntang beach nila boss.

Kaya bago sya umuwi ay ibinili nya akong mga gamit at sets ng swimming bras and shorts. Alam naman daw nyang hindi ako magtu-two piece swimwear kaya kahit daw yun ang gustong bilhin nya sayang lang. Pero hindi naman yun masasayang edi gagawin kong undies. Hehehe.

"You ready? Wala kanang nakalimutan?" Tanong ni mama.

Bitbit ko na ang backpack ko.

"Wala na siguro, Ma."

"Good. Osige na, take care ha? Enjoy." Ngiti sakin ni mama.

"Thanks Ma. Alis na po ako." Paalam ko.


"You're here! Goodmorning!" Bungad ni Neil ng makita ang pagbaba ko ng shuttle.

"Goodmorning. Ako nalang ba iniintay?" Tanong ko.

"Hinde. Si manager wala pa." Sagot nya.

Pero ilang saglit lang din ay may tumigil na taxi at iniluwa si Ms Ja. Hehehehe

"Aloha!" Kaway ni Ms Ja. Napangisi naman kami.

Sumakay na kami lahat sa sasakyan.

"Ready?" Tanong ni Ms Ja mula sa passenger's seat.

"Lezzgaw!" Sagot namin.

- -
Bandang 9am nang marating namin ang isang port. Dito kailangang iwan ang sasakyan namin dahil mini boat naman ang sasakyan namin para makarating ng isla.


"Woooow!"

"Cooool"

"Ang gandaaa!"

"Summer iz real!"

Mga puna namin nang makadaong na sa isang isla.

Sa klaro nitong tubig dagat, sa mapuputing mga buhangin, at sa  nagtataasang mga puno na hindi ka masyadong maiinitan sa mga lilim nila.

Kaunting mga tindahan lang ang mga nandito. Mukhang hindi pa nga kilala ang lugar na ito. Sinundan namin si Ms Ja na dumire-diretso sa isang establishemento.

Oh, isa palang hotel. Kinausap ni Ms Ja ang babaeng receptionist at may ibinigay sa kanyang card.

"Let's go." Sabay ikinaway nya ang card na  hawak nya.

Sinundan namin sya, sa elevator pinindot nya ang 7.

Pagdating ng 7th floor, lumakad kami't huminto sa Room 704. Isinwipe nya ang card na hawak nya sa embedded steel sa may pinto. Tumunog ng click at tinulak na nya ang pinto. Yun pala yon. Matinde.

Pagpasok ay sala set ang bubungad. Pagpasok mo ng lubusan doon makikita sa leftside ang dalawang king-sized beds. Woah. Sa rightside ay ang kitchen at wooden table na kainan. Banda doon pa ay dalawang pinto. Mukhang bathrooms.

Gusto kong maramdaman ang lambot ng kama pero nakita kong balak din pumunta don nila Tristan at Neil kaya nag-unahan kami.

"Kyaaaaaah! Hahahaha!" Patakbo naming tinungo ang kama at pabagsak na humiga pero nakalapat parin ang mga paa namin sa sahig kaya nasa bandang baba lang kami ng kama. Si Neil sa isa at kaming dalawa ni Tristan sa isa.

Halos magkatabi kami kahit anlaki pa ng space. Inihaba nya ang mga kamay nya kaya nakapatong sa mukha ko ang braso nya.

"Ihhhhhh!" Reklamo ko pero ipinatong ko din ang braso ko sa tyan nya. Napalakas ata ang bagsak ko ng braso,

"Oww!" Kuyumos ng mukha nya at hawak nya sa tyan.

"Ayy! Hahaha sorry! Hahahaha!" Tawa ko.

Gumanti naman sya sa paglapat ng buong palad nya sa mukha ko. Sakop e.

"Argh! Bahoooo!" Asar ko.

"Aba, may lotion pa kaya 'yan!" Sigaw nya.

"Ew bading lotion! Hahahaha! Hindi naaa! Jokelaaaaang!"

Nakaupo naman sina Ms Ja, Joao, Russell at Ford sa sofa.

Ilang saglit ay umupo si Tristan sa pagkakahiga.

"Hey, ano? Tara na agad! Bahala kayo dyan, una na 'ko." Sabay tayo nya at may kinuha sa bag saka dumiretso dun sa bathroom nga.

"Ay uu ngaaa!" Excite na sabi din ni Neil nang tumayo narin, may kinuha sa bag at dumiretso narin sa bathroom.. pero..

"Oy! Langya may isang cr naman!" Medyo rinig namin na sigaw ni Tristan mula sa loob. Hahahaha.

"Hahahaha! Ba't bakla ka ba pre? Hahaha!" Sagot ni Neil.

"Kingina ikaw bakla e!" Sagot ni Tris.

Hahahahahaha mga baluga. :D

"So babies, wanna go with me too?" Asar ni Joao kay Ford at Russell na may pang-asar na lipbite pa.

Ay hala, ako nalang bebe. Chicharowt! Hahaha

"Hahaha, mauna kana!" Tawa ni Ford kay Joao.

Sya namang may kinuha narin sa bag si Joao at dumiretso sa isang bathroom.

Nauna nang lumabas si Tristan.

Na kunyaring ..

"Binaboy nya ako. Huhu. Wala syang awa. Huhuhu." Paawa nya na may pagtakip pa sa dibdib nya.

Sya namang sunod na paglabas din ni Neil.

"Oy! Siraulo! Hahahaha!" Sabay ang batok nya kay Tristan. Gumanti naman din si Tristan. At nagbatukan sila. Wehehe -.-

Mga naka khaki shorts sila at sando. May mga hawak ding shades. Kepopogi naman hayz!

"Ey manager! Una na kami tagal nyo e. Hahaha." Saka ay lumabas na silang dalawa.

Pumasok narin sa bathroom si Ford.

Paglabas naman ni Joao sumunod naman si Russell.

"Manager, I'll go ahead." Sabi din nya at tumingin sa akin. Nginitian ko naman sya.

Same with Tristan and Neil naka-khaki shorts, sando at shades din si Joao.
Damn! ❤

Kinuha ko na ang pamalit ko sa bag. Undies, shorts, at isang manipis na medyo oversized shirt.

Sumunod narin ako nang lumabas na sa bathroom si Ford. Ginulo nya ang buhok ko. Aysh!

Anlaki pala neto. May bathtub at shower na tinatakpan ng curtain. Katabi naman ay tila blurry-crystalized room kung nasaan ang toiletbowl.

Eto naman ang isang medium-sized mirror. Tabi ang isang shelf ng shampoos and soaps. Sa baba ay shelf naman ng mga nakatuping towels.

Ipinatong ko ang mga damit ko sa ibabaw. At nagsimulang magpalit.

Laki ng shirt ko, onti nalang matatakpan na shorts ko. Hehe.

Ini-bun ko ang buhok. Saka ay lumabas na.


"You go ahead too, Aein. Bumaba kana din." Bungad ni Ms Ja paglabas ko.

"Oh, okay."

---

The Personal AssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon