My Pro Brothers

12 1 2
                                    

Jared POV.

Nagleave ako ng isang linggo sa ospital dahil masiyado na akong napagod sa nakaraang araw dala narin siguro sa mga seminar at duty ko sa ospital. Kailangan ko ring irelaxe yung sarili ko dahil stress na stress na ako nitong nakaraang araw. Mabuti nalang at nabisita ko kahapon ang mag-ina ko.

Kasalukuyan naman na nagdridrive ako papunta sa tagaytay.. Gusto ko munang magbakasyon. Yung walang stress. Isasama ko sana ang mag-ina ko pero naisipan kong huwag na lang muna sa ngayon lalo nat lumalaki na ang tiyan ni mica. Ayoko naman na mapagod siya. Mas gusto kong nasa bahay na lang muna siya para sa ikakabuti ng bata at para narin sakanya.

Isang linggo narin ang nakakalipas simula noong nakasama ko si crizhel. Hindi ko alam kong anong meron sa babaeng yun dahil napapasunod ako ng tatay niya. I dont know! maybe i do love my work! Pero hindi ko rin maikakaila na masaya akong kasama siya. Basta ewan ko! Abnormal siya! Erase Erase! Hindi siya yung tipo ng type ko!

Out of knowhere Tumunog naman bigla yung cellphone ko kaya agad ko naman itong kinuha.

Calling.....siarah

Ilang araw ng hindi ko siya nakakausap dahil busy rin siya sa trabaho niya. Miss ko na rin ang babaeng to!

Pinindot ko ang answer buton at agad naman na nagsalita si siarah.

"Jared nasan ka?? Pahiram muna ng condo mo, kahit ngayong gabi lang"

"Papunta ako sa tagaytay ngayon. At bakit anong nangyari sa condo unit mo?" nag aalalang tanongko.

"Ayokong matulog doon. Nakakainis yung nasa kabilang unit ginugulo niya ako! Sasama nalang ako sayo sa tagaytay please" sabi nito saakin.

"Ayoko! Kaya nga aalis ako para lumayo sayo tapos sasama ka?" pabirong sagotko sakanya. Ang totoo gusto ko lang munang mapag isa. Kahit na miss ko siya, ayoko namang magtake advantage sakanya.
"Bakit sino ba yun? kilala mo ba? inaano ka ba niya?" inihinto ko muna ang sasakyan sa tapat ng convinient store para bumili ng pagkain at mga kakailanganin ko sa tagaytay.

"Jared naman eh!! nakakainis na kase!!parati nalang niya akong iniiwanan ng mga bulaklak tsaka tsokolate at kung ano ano pa doon sa tapat mismo ng condo unitko. At ang nakakainis pa nito, inaabangan niya ako kapag papasok na ako. Nakakainis yun! kapag naman natutulog na ako may bigla bigla nalang magdodoorbell na isa sa ma staff ng condo na may dalang pagkain eh hindi naman ako nag oorder ng pagkain doon!! tapos malalaman ko nalang na yung unknown guy ang nagpadala! nakakainis ha!" dirediretso niyang sabi

"Ano namang nakakainis don?? ayaw mo non may taga bigay ka ng pagkain mo? Baka naman gusto lang niyang makipag kaibigan. Praning ka na naman eh!" Sagot ko habang papasok sa convinient store

"Basta akin muna yang condo mo ha!!" Sigaw niya sa kabilang linya.

"Oo na! Basta magbaon ka ng damit mo at huwag na huwag kang kukuha ng mga tshirtko. Gagawin mo na namang halo-halo yung cabinetko!"

"Wala akong baon! tsaka pag mag babaon pa ako, kukuha pa ako doon sa condo ko eh ayaw ko ngang pumunta don! pahiram nalang ng damit mo!"

"Baka pati brief hiramin mo??" Sarkastikong tanong ko sakanya

"Yuck!! ang baho kaya ng brief mo!! Ang ewww mo tlaga!! Sige na nga bye!!"

"Hoy paano mo naman nalaman na mabaho yung briefko? inamoy mo siguro! hahaha" natawa na ako sa sinabi ko! siarah tlaga!

"Hoy jared huwag....."

Hindi na niya natuloy yung sasabihin niya dahil agad ko ng pinatay ang cellphoneko at nagmadaling namili ng mga pagkain.

-------------------
Crizhel POV.

"Nay Fely hindi pa po ba umuuwi sina mommy at daddy??" Tanong ko

"Ay naku iha hindi pa eh. May pupuntahan ka ba? " tanong nito saakin.

"Mag papaalam lang sana nay.Mag lalakad lakad lang sana ako doon sa labas ng hacienda." sagot ko.

"Naku sige lumabas kana iha, ako ng bahala sa nanay mong magsabi. Alam kong kailangan mo ng sariwang hangin. Sige mag-ingat ka crizhel." nakangiting saad ni nay fely.

"Thank you po nay. Sige po alis na ako" tsaka ako nagmadaling lumabas ng mansiyon.

Hindi pa ako nakakalayo ng lakad mula sa hacienda ng mapansin ko ang ilang binatang kasing edad ko siguro na masayang naglalaro ng basketball.

Naalala ko ulit noong elementary ako, sport ko kase ang basketball noon kaya lang sa kasamaang palad hindi ako nakukuha kapag pumipili noon ang coach namin.

Hindi naman kase ako magaling maglaro pero paborito ko lang talaga ang sport na ito. Minsan nga noong grade schooler ako, pinagalitan pa ako ni daddy dahil babae daw ako at hindi dapat ako naglalaro ng basketball. Simula noon hindi na ako humawak pa ng bola.

Lumapit ako sa court kung saan naglalaro ang mga kalalakihan at umupo ako sa isang bleachers upang panoorin sila.

Hindi ko maikakaila sa sarili ko ang pagkasabik na hawakan ang bola at maglaro ulit ng basketball.

Nagniningning ang aking mga mata sa bawat talbog ng bola at sa bawat shoot na pinapako ng mga naglalaro nito.

Tila may sariling buhay ang aking mga paa at ng mapansinko ay nasa gitna na ako ng court. Napatigil naman ang mga kalalakihang naglalaro na kita sa ekspresiyon ng kanilang mga mata ang tanong na kung bakit anong ginagawa ko sa harap nila, sa gitna ng court. Sa gitna ng kanilang laro.

"Bola!" Bigla nalang lumabas sa bibig ko ang katagang yan, Hindi ko naman agad inaasahan ang sumunod na nangyari dahil ipinasa naman ito saakin ng isa sa mga manlalaro na hawak ang bola.

Nabuhay at mas lalong nagning ning ang aking mga mata ng naramdaman kong hawak ko na ang bola. Puno ng saya at tila nagtatatalon ang aking puso ng ishoot ko ito sa ring.

SHOOT!

Ilang oras akong nakipaglaro sa mga kasama ko bago kami huminto at nagpahina. Nakilala ko sina Aian, Marvin, Zenas. Jayson, Ben Mark, Jassel, Kurt at Ransy. Matagal na rin pala silang taga rito saamin kaya lang hindi ko sila nakikita dahil hindi naman ako lumalabas ng hacienda at tanging sa condo lang ako nakatira.

"Pagod ka na ba?" Tanong saakin ni aian habang hawak hawak niya ang isang bote ng mineral water upang alokin akong inumin iyon.

"Salamat." tipid kung sagot sakanya tsaka ko ito nginitian.

"Welcome to the Family! Pro Brothers nga pala!" sagot ni aian at sabay sabay silang nag abot ng kamay tsaka kami nagkuwentuhan.

Ang saya ko nakilala ko sila. ang saya ko nageng parte ako ng buhay nila sa hindi inaakalang oras at pagkakataon.

Pro Brothers :)!

---------------
Abangan po ntin muli ang susunod na kabanata :) ano nga ba ang magiging parte ng pro brothers sa mundo ni crizhel?? ako hindi ko din po alam haha!!

A/n: PRO BROTHERS I LOVE YOUUUUU :)

Dedicate this part to pro brothers!!

A thousand years for usWhere stories live. Discover now