Hindi ko alam kung paano natapos ang pinapagawa ni Mr. Quisay. Basta ang alam ko ay wala pang ten minutes ay natapos na agad namin ni Demarcus ang pinapasagutan.
"You're so quiet.." mahinang sabi ng lalaki sa gilid ko. Hindi ko pinansin dahil baka hindi naman ako ang kausap niya. Masabihan pa niya akong feeler. Pero nang kinalabit niya ang balikat ko ay tumingin ako.
"What?" Tamad na tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung halata ba sa boses kong kinakabahan ako o ano.
"Why are you so quiet?" Natatawang tanong niya sa akin. Am I going to answer that worthless question? Wala naman akong maisasagot doon.
"Cause I'm quiet.." Sabi ko. Humalakhak siya sa gilid ko. Naramdaman ko ang pagtingin ng iba kong kaklase sa amin. That fast? Kaonting galaw lang niya ay napapansin na siya?
"Oh, prim and proper?" Tumaas ang kilay niya sa akin. Ano ba'ng sinasabi ng isang ito at ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ba nakikipagusap ako sa taong ito.
"You're so nosy," I said. He smiled. This time, talagang nakakainis na ang ngiti niya!
Hindi na siya sumagot at kinuha na lang niya ang notebook galing sa bag niya. Miss Ciudad asked us to copy our assignments. So, ibig sabihin, gagawa siya ng assignment? Pero hindi ko naman masasabi. Baka kokopyahin niya lang pero hindi niya sasagutan.
"You like Science?" Tanong ni Demarcus sa isang matigas na ingles. Tumango ako.
"Ikaw?" I asked back. Kahit na naiinis ako sa presensya n'ya ay hindi naman ako bastos.
"Lahat gusto ko..." Iniisip ko tuloy kung bakit parang napakalalim ng boses niya kahit Grade 8 palang kami. And wait, lahat gusto niya?
Hindi na ako sumagot. Wala naman akong isasagot sa tanong niya. Maybe he's just being pasikat or what. I don't care.
Nang tumunog ang bell at hudyat na uwian na ay inayos ko kaagad ang mga gamit ko. Tinignan ko sa kabilang row si Marie at nakatunganga lang siya habang nakaupo. I wonder why?
"Are you going home?" Nagsalita ulit si Demarcus sa gilid ko. Tumango ako sa kaniya bilang sagot. Hindi naman na siya nagsalita ulit.
Nilapitan ko si Marie at bumalik siya sa kaniyang ulirat. What's wrong with her? Parang may problema siya pero hindi ko alam kung ano. But that's her life. Hihintayin ko nalang na sabihin niya sa akin o kung talagang hindi niya sasabihin ay itatanong ko nalang.
"I'll just go to the bathroom, Samore. Hintayin mo nalang ako muna rito," paalam sa akin ni Marie. Tumango ako at naupo na lang muna sa isang bakanteng upuan dito sa classroom.
Kakaonti nalang ang mga estudyante rito sa aming room. Ang iba ay nag-aayos pa ng kani-kanilang gamit at ang iba naman ay nagpapalamig pa yata.
"Akala ko uuwi ka na?" Nagulat ako nang may biglang nagsalita. Malamig ang tono ng boses n'ya kung kaya't kinilabutan ako.
"Uh.. I'm just waiting for my friend," totoong sabi ko. Demarcus looked at me. Para bang hindi siya naniniwala sa akin. And I hate that look. Wala pang taong tumingin sa akin ng ganyan. Kapag nagsasabi ako o nagkukuwento, pinapakita ng mga kausap ko na naniniwala sila sa akin. I wonder what's up with him...
"Boyfriend?" Tinaas nanaman niya ang kilay niya sa akin. I can't help it. He's really, really handsome. And I hate that I'm kind of attracted to his face. And why is he asking me these questions? Nakakainis naman ang isang ito.
"No." Tanging sagot ko na lamang. Tumango siya at lumabas na ng classroom. Napabuntong hininga ako.
Mabilis ang panahon at ngayon ay summer vacation na. Sa pasukan ay Grade 9 na ako. Ang mga pinsan ko naman ay Grade 10 na.
BINABASA MO ANG
Fireside Playlist
General FictionSamore Munich Villareal is a simple but rich young girl from Tuñate. A place where you can find peace and serenity. Despite of being rich, she's taught by her parents to be meek and low-key. She's the definition of perfect. But what if one day, lif...