Chapter 2

104 9 0
                                    

Chapter 2

-----

Mi Rae

"You may have your lunch now." Sabi ni teacher kaya agad kaming pumunta sa cafeteria.

Naunang umuwi si Baek Hee dahil masakit daw tyan niya kaya loner ako ngayon.

Sana uwian na.

"Anong sayo?" Tanong ng tindera.

"Annyeong haseyo," sabi ko at tumawa ako ng mahina, "Joke lang po. Gusto ko po ng Chicken Curry. Then yung drinks po ay Royal nalang."

Inabot niya saakin ang aking inorder at binayaran ko na, "Kamsahamnida." Sabi ko at naghanap na ng mauupuan.

Umupo ako doon sa malapit ang view ng garden. Nang makaupo ako, nagdasal muna ako at nagsimula ng kumain.

Nagulat ako nang may umupo sa tabi ko.

"Hi yeodongsaeng~" Bati saakin ni Kuya Hansol at niyakap ako. Ganun din sila Kuya Minghao, Seungkwan at Chan.

"Na-miss niyo ata ako ng sobra?" Biro ko.

Tumawa sila at kumain na din sila. Tinignan ko kung ano yung ulam nila.

Kay Kuya Minghao, Teriyaki Chicken. Kay Kuya Seungkwan naman, steak. Parehas sila ni Kuya Hansol. At kay Kuya Chan naman is Fried Chicken.

"Kamusta klase mo?" Tanong saakin ni Kuya Minghao habang ngumunguya.

"Mings naman. Where is are mannerism?" Tanong sakaniya ni Kuya Seungkwan.

"Gaga. Next time huwag ka ng mag-English, Kwan. Where's your manners yun eh!" Sabi ni Kuya Hansol at siniko niya si Kuya Seungkwan.

Napa-iling ako dahil sa mga inaakto nila.

"Terrible," sagot ko sa tanong ni Kuya Minghao, "Unang-una, nakalimutan ko na may assignment pala. Second, may test kami kanina sa Mathematics at hindi ako nakapasa---"

"Hala ka, Mi Rae! Mapapagalitan ka mamaya kay Kuya Seungcheol!" Sabi ni Kuya Chan.

"Third, loner ako. Nauna kasing umuwi si Baek Hee dahil masakit ang tyan niya." Tuloy ko.

"Kawawa naman ang prinsesa namin!" Sabi ni Kuya Minghao at ginulo ang buhok ko. Bilang ganti, ginulo ko rin ang buhok niya.

Nagpatuloy kami sa pagkain ng tanghalian namin habang nagkwe-kwentuhan hanggang sa matapos kami.

"Mauuna na ako sainyo ha?" Paalam ko sakanila at tumayo na ako.

"Okay! Basta huwag mong kalimutan na may Dinner Date tayong lahat mamaya ha? Susunduin ka namin sa classroom ko. Babay!" Sabi ni Kuya Chan at kinawayan ko sila.

Naglakad na ako pabalik sa classroom at maya-maya'y dumating na ang next teacher namin.

Madugong labanan nanaman ng utak ito!

-----

"Class dismissed." Sabi ni teacher at lumabas na. Mabilis kaming nag-ayos ng mga gamit namin.

Sibling ComplexWhere stories live. Discover now