ONE LAST TEXT (chapter-11)

133 9 2
                                    

Recess time na at habang lumalakad ako sa coridor, may mga tao nanaman na nagtitinginan sakin. Habang kumakain ako ng hot cake at soft drinks, yung mga lalaking nasa kabilang lamesa ay nag titinginan sakin. Kadiri daw ako, pumatol daw si mark sa baklan. At sa sobrang inis ko sa kanila pinuntahan ko sila habang dala dala ko yung pagkain ko.

"Hoy! Kayo, kung makasabi kayo sakin parang ang perpekto nyo na ah. Tignan mo nga yung istura mo, mayaman kanga mukha kanamang tae!" -Me

Tinuro ko si kent yung lider lideran sa kanila.

"Bakit ano ba yung pinag mamalaki mo salot ka?" -kent

"Ah. Salot pala ha."-me

Nginus-ngus ko sa mukha nya yung hot cake ko at binuhos ko sa kanya yung soft drinks ko.

"Ayan, yan yung salot"-me

"Walang hiya kang bakla ka" -kent

Susuntukin na nya ako ng biglang may humawak sa kamay nya at pinilipit hanggang sumigaw sya sa sakit. dyoooosskooo, si mark.

"Wag muna yung ulitin ha?"-mark

Napatimpi nalang yung mga lalaki at umalis.

"Sa susunod jam mag iingat ka! Wag mo silang pansinin. Pano kung may nangyari sayo?"-mark

" kaya ko yung sarili ko mark"-me

"Sa tatlong yun makakaya mo? Jam ayoko lang masaktan ka. Kaya sana pakinggan mo ako." -mark

"Pasensya kana, di ko na kasi kaya yung pinangsasasabi nila sakin."-me

"Hayaan mo sila basta mahal kita."-mark

Syempre kinilig tong betlog ko. Haha. Kumain na ulit kami ni mark kasi wala akong nakain sa binili ko.

Pagkatapos ng klase dumiretso na kaagad kami sa bakery para kumain. Pag si mark talaga yung kasama ko si ka talaga makakaranas ng gutom. Kaya tataba talaga ako pag kasama ko sya.Bumili sya ng donut para pasalubong ko kay mama.
Hinatid na ako ni mark sa bahay, di talaga umaalis yung sasakyan nya pag hindi ako nakapasok sa loob. Sa labas ng bahay nag aabang si mama. Inabot kuna kaagad yung donut ko kay mama, pero si mama doon nakatingin kay mark.
Nung umalis na si mark kinausap ako ni mama.

"Anak, ano ba kayo ni mark nayon bakit kailagan inahatid ka nya dito sa bahay?" -mama

"Ah wala kaibigan ko lang ma."-me

Napangiti nalang ako sa tanong ni mama. Alam naman ni mama na may pagka bakla ako. Minsan kasi yung gusto ng mga babae ginagaya ko

"Kilala kita anak. Yang mga ngiti mo? Di moko mapapalusutan."-mama

"Basta ma special sya sakin."-me

"Basta, wag kang magpakatanga ha. Kung sasaktan ka nya sabihin mo sakin. Kung sakanyanka talaga masaya sige bahala ka, basta mag tira ka ng pagmamahal sa pamilya mo at sa sarili mo."-mama

"Salamat ma, hehe hayaan mo mabait yang si mark."-me

"Siguraduhin mo yan, ahh sige na magbihis kana tulungan moko dito."-mama

"Sige ma akyat muna ako."-me

Kinagabihan binuksan ko yung facebook ko may nag message na naman. Nag chat sakin si camille kinakabahan ako na baka magagalit sya pag nalaman nyang kami ni mark.

" jam, bukas pumunta ka ng canteen mag uusap tayo."-cml

"Bakit camille para saan?-me

" basta exactly 9:30 nandon kana dapat"-cml

"Aah. Sige"-me

Nasaisip kuna na baka tungkol nanaman to samin ni mark. Pero wala nanaman sila diba? In first place di ko naman inagaw si mark. At kasalan ko ba kung mas maganda ako sa kanya. Haha. Charoot.
Di ko nalang halos inisip yung mga negatibong bagay kase wala naman akong ginawang masama sakanya. Tumulog nalang ako ng mahimbing.

Kinabukasan sinundo nanaman ako ni mark sa bahay. Kinuwento ko sa kanya yung chinat sakin ni camille.

" mark may sinabi sakin si camille kagabi."-me

"Bakit? Ano daw.?"-marm

"Ewan ko basta mag uusap daw kami mayang recess time sa canteen. Natatakot ako na baka galit sya satin."-me

"Wag mo nalang syang pansinin ang mahalaga mahal kita at wala tayong ginagawang masama."-mark

"Salamat mark ha, kasi nandyan ka palagi para sakin."-me

" Basta kung may kailangan ka nandito lang ako para sayo."-mark

"Mark mahal mo ba akong talaga?"-me

"Ano bang klaseng tanong yan oo naman siyempre."-mark

"Kasi hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na boyfriend na kita. Si Mark Reyes na mayaman, gwapo, mapagmahal matalino almost perfect na tapos minamahal ako? Ako na si Jam Alfaro na hindi mayaman hindi matalino, ganda lang. Hehe. Joke pogi pala."-me

"Pantay-pantay lang tayo jam. Marami nga kaming pera pero wala namang atensyon si daddy sakin. Palagi nalang syang busy, mayor kasi sya sa kabilang probinsya kaya wala kaming oras mag bonding."-mark

"oh? Mayor yung tatay mo? Pero bakit dito ka nag-aaral sa pulubing skwelahan.? Bakit di ka don sa mga mamahalin yunv de aircon.?"- me

"Gusto mo palang umalis ako? Hmmm. Ganito kasi yon gusto ng daddy ko na maranasan kong mag hirap. Yung maranasan ko yung pinag daanan nila dati nung bata pa sila. Gusto ni daddy na maging matapang ako sa buhay na dapat tatayo ako sa sarili kong mga paa."-mark

"Ah ganon. Mabuti ngayan para sa huli di kana mahirapan harapin yung mga struggles mo sa buhay. Ambait naman ng daddy mo."-me

Nakarating na kami sa skwelahan at katulad ng inaasahan namin halos lahat ng estudyante pati teacher ay nag aabang sa pagdating namin. Parang artista lang ampeg may mga dalang banner yung iba at may nakasut na jamark. Natutuwa naman ako na maraming nasisiyahan at kinikilig samin ni mark pero nakakarinig parin kami sa gilid-gilig ng masasamang salita.

Pumasok kami ng skwelahan at sa sobrang tulakan ng mga studyante yinakap ako ni mark ng biglang nagkatinginan kami at biglang may tumulak sakanya hanggang sa nagkahalikan na kami sa labi.
Parang huminto yung mundo ko ng mga oras nayon. Nagalisan yung mga studyante sa gilid namin at hanggang pinanood nila kaming nag hahalikan.

May umiiyak sa tabi di ko alam kung bakit. Merong umiiyak sa sobrang kilig may mga galit at may mga nagpalakpakan. Di ko maexplain kung ano ang reaksyon ng mga tao.

After we kiss, hinalikan nya ulit ako sa noo at yinakap.

" i love you jam."-mark

"Mahal din kita mark."-me

Umalis na kami at pumasok na kami sa room namin. Panay tili parin ng mga tao at biglang sinigawan sila ng prinsipal na pumasok na sa kanikanilang mga silid.

Recess time na at pupunta na ako sa canteen para makipag usap kay camille.

****
Ano kaya ang pag uusapan ni camille at jam?
Magagalit ba si camille kay jam na magiging dahilan sa pagputol mg friendship nila?
Abangan sa next chapter ng ONE LAST TEXT.

****

Thanks for reading guix.
Don't forget to hit vote kase nag effort naman ako eh. Salamat ulit. Mwaaaaah.

ONE LAST TEXT   (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon