Irish's POV
"Kaye baby..."
Napalingon ako sa nagsalita.
OMO?Si Lance nandito?
Naghahanap ba talaga to ng away eh,oh my gurii!
Nakatitig lang ako kay Lance, nashock pa rin ako na nandito siya.
Ian's POV
"Kaye baby..."
Puta bakit nandito yang lalaking yan?
Masaya kaming nagkukwentuhan dito tapos dadating siya bigla.
Napalingon si Irish sa kanya.
Badtrip men!Hindi pa rin ni Irish inaalis ang pagkakatingin sa kanya. Kahit nababadtrip na ako hindi naman ako pwedeng magpakita nang kabastusan."Pare,join us."niyaya ko nalang siya kahit medyo labag sa loob ko.Puro yung totoo,gustong-gusto ko na pilipitin yung buto niya hanggang sa mawala na siya sa mundong ibabaw.
Nagulat naman si Irish sa sinabi ko kaya napatingin na siya sa akin.Yung tingin niya parang nagtatanong.Ayaw kong maging bastos sa kanya, and after all din naman eh dapat magpasalamat ako sa kanya kasi sa seven months na wala ako,he took care of my children and sad to say pati asawa ko inalagaan na niya.
Lumapit siya sa amin sa dinning area.Hinila niya yung isang upuan at umupo siya. Sa posisyon niya katapat niya si Irish, na katabi ko.Si Mamita naman nasa dulo, kanina pa nga busy sa pagpapakain sa mga apo niya. Hawak nito si Yani at hawak naman ni Yaya si Geoff.As always nilagang patatas ang kinakain nila.
Dahil busy si Yaya, si Irish na ang nagbigay ng plate kay Lance.
"Thanks." sabi nito pagkabigay ng plate ni Irish. Alam ko yung ganyang ngiti at tingin.Kaya sa inis ko nagmamadali akong sumubo.Habang nakatingin kay Lance nang sobrang talas.
"Honey..." ni hindi ko tiningnan si Irish. Gusto kong matapos na akong kumain at makaalis.
Nakita kong ngumiti si Lance na nakakapanggago.Buti nalang nasa hapag kainan kami, nakakapagtimpi pa ako.
Nakatingin lang si Irish sa akin. Binilisan ko na at matapos akong kumain tumayo na ako agad.Di ko kayang mag-stay pa sa harap ng hayop na ito.
Lumabas ako ng dinning area at nagtungo sa kwarto namin ni Irish.
Ini-lock ko ang pinto.Sobrang selos ang nararamdaman ko ngayon.
Nagdiretso ako sa kama at humiga.Sa ceiling lang ako nakatingin.Ang daming pumapasok sa isip ko ngayon.
Natatakot ako na baka ma-fall in love sa kanya si Irish. Na baka nung nawala ako ay may na-build up silang love pero hindi lang natuloy dahil dumating din ako at ngayon baka gusto nang ituloy ni Lance yung naudlot niyang panliligaw kay Irish. Lalaki ako at nararamdaman ko ang pagpapa-impress niya sa asawa ko. Natatakot akong mawala siya sa akin at maagaw ng iba.
Pero I know in time mawawala na rin naman ako at maiiwan ko rin siya. Masasaktan ko siya ng sobra-sobra.Dapat lang bang ipaubaya ko si Irish sa kanya? Aaminin kong selos na selos na ako, kaso di ko maiwasang isipin na mas maganda na atang nasa tabi niya si Lance para kung sakaling mawala man ako ay may mag-aalaga agad sa kanya.Atsaka close na rin sila simula nung umalis ako.
Mula sa ceiling napako ang mata ko sa side table. Nakita ko yung album namin.
Inabot ko iyon at binuklat.Limang malalaking albums yun. Maybe 2 or 3 of that albums ay sa kanya lang.Mahilig akong kuhanan siya ng mga stolen shots nung nanliligaw at nangungulet pa ako sa kanya noon.Yung ngiti niya at simangot ang pinakagusto ko sa lahat.Simula pa man noon puro na sakit na nang ulo ang dala ko sa kanya.Iniwan ko siya nung mga bata pa kami, bumalik din ako para lang kulitin at umasang mahalin niya ako.Iniwan ko ulet siya nung minahal na niya ako.Nakita ko ang sakit na dinulot ko sa pag-iwan ko sa kanya. Ito nga bumalik ako kung kelan may Lance na nag-aalaga sa kanya.At heto na naman akong muli, iiwan siya dahil sa sakit na ito. Alam kong mas magiging mahirap na ito para sa kanya ngayon. Dahil sa pagkakataong ito, hindi ko na kayang bumalik pa.
BINABASA MO ANG
I RAPED HER (HE RAPED ME) by: MaxiemaeBread6
General FictionKaya kayang mahalin ni Irish si Ian, ang lalaking gumahasa sa kanya? Kaya niya kayang masikmurang makasama ang taong bumaboy sa pagkatao niya?? Let's find out ..