Sampung Buwan

14 1 0
                                    


Isang taon... Actually hindi nga isang taon eh

Sampung buwan lang..

Sampung buwang napakabilis na nagdaan

Sampung buwan na hindi nating napapansin na magtatapos na..

Sampung buwang makabuluhan

Sampung buwan ng lessons.. sermon..

Ingay... tawa... laro... gala.. at pagod!

Pagod ang katawan, pagod din ang utak..

Pero sa sampung buwan na yan maraming nanyari..

Hindi lang marami.. as in napakarami..

Saway! Saway na araw-araw naming ginagawa sa inyo.

Saway na minsan ikinagagalit niyo..

Saway na minsan umaabot pa sa office dahil nagrereklamo kayo.

Saway na kahit paulit –ulit na lang pero hindi pa rin tumatatak sa isip niyo.

Sigaw! Sigaw na halos araw – araw din naming ginagawa.

Sigaw na kinagugulat ng iba..

Sigaw na binabalewala lang ng iba..

Sigaw na tatak sa isip ng bawat isa sa inyo...

Away! Hindi maubos na away!

Kakakausap lang kahapon ngayon away na naman...

Away na naiipon. Na halos hindi na maresolba...

Pero sino ang tumutulong sa inyo kapag may ganun?

Naaayos niyo ba ng kayo kayo lang ang nag uusap?

Suntukan! Sintukan na hindi mawawala sa mga bata...

Suntukan na kahit may ST na nagagawa pa rin.

Suntukan na umaabot sa iyakan...

Pero mamaya bati naman na sila.

ID! ID na araw araw na lang tinitignan..

ID na halos araw araw na nakakalimutan..

ID na hindi ko maintidihan kung bakit hindi makasanayang suotin.

ID na... nagiging sanhi ng pagtataguan niyo at ni teacher Jane..

Basketball! Araw araw na may naglalaro...

Pero minsan lang naman may nasasaktan!

Injure hindi lang ang estudyante pati na rin ang teacher...

Basketball na hindi ko alam kung bakit hindi nila maiwan.

Haircut! Haircut na lagi na lang buwan buwan.

Haircut na kinatatamaran..

Haircut rule na panira para sa mga lalaking may inaachieve na hairstyle...

Pero wala eh... may kailangang sundin na batas.

Late! Mga taong lagi na lang late.

Mga taong umaabot na sa suspension pero back to basics pa rin...

Isang linggong suspension di pa ata sapat..

Di ko alam kung bakit hindi magawang pumasok ng maaga.

Absent! Palagi na lang absent..

Kung titignan ang attendance sheet parang ngipin ni spongebob... bungi bungi..

Kulang kulang na quizzes... di napasang projrct... hindi nagawang activity...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sampung BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon