"Mahal Salamat"

3 0 0
                                    

Spoken Word Poetry(SWP)

"Mahal Salamat"
By: Jovilyn Marzan Estioco

Mahal naaalala mo paba kaya,
Nong una tayong nagkita,
Kasi mahal para sakin yung ang
pinakamagandang ala ala nating dalawa,

nagtawanan pa nga tayo nong una,
dahil sinabi mong di tayo bagay,
maganda ako at pangit ka,
pero ang sagot ko sayo,
walang pangit sa totoong nagmamahal,

Una nating tagpuhan sa aming bahay,
Una palang ako'y napahangga muna sa kakaiba mong taglay,
Unang kita mo palang sakin anak
iyong niyakap at kinulong sa iyong mga bisig,
Pinadama mo sa kanya kung pano magkaroon ng isang Ama,
mahal,Alam kung una palang kayong nagkita
di maitanggi na malapit kayo sa isa't isa,

lumipas ang araw,linggo,buwan at taon,
sabay tayong nangarap at nagplano sa bubuuin nating pamilya,
isang gabing punong puno ng pangarap
at sabik na tayo'y magkasama hangang sa ating pagtanda,

isang araw bigla kang hindi nagparamdam,
inaabangan ko ng text at tawag mo,
ilang oras akung nag-antay,
hangang patapos ang duty ko saking trabaho,
Ako'y tuwang tuwa nong makita ko pangalan mo sa aking cellphone na ika'y tumatawag,

ako'y biglang nanlumo,
ibang boses ang narinig ko,
Isang balita ang aking natanggap
at sinabing ika'y lumisan na,
para akung  baliw sa panahon yun,
umiiyak,humahagolgol,kahit pinagtitignan na ako ng mga tao,
tumigil ang oras at pag-ikot ng mundo ko,
kala ko biro lang ang lahat ng yun,
hanggang ako na mismo makakita
na ika'y nakahiga sa kabaong yun,
sabi ko masamang panaginip lang ito,
at hindi ito totoo,

Mahal bakit? ang daya daya mo,
Mahal, paano na ako?
mahal,paano na mga pangarap natin?
diba mahal sabi mo bubuo pa tayo ng isang masayang pamilya,
Mahal, Diba mahal mo ako?
pero bakit mo ako iniwan?
mahal ang daya daya mo,

sobrang sakit,parang diko kaya ito,
ngunit saking pagtulog, ika'y nagparamdam
at sinabi mong patawad,dahil dimo na ako masasamahan tuparin ang mga binuo nating pangarap,
alam kung mahirap mag umpisa mahal,
pero patuloy akung lalaban para tuparin
ang ating pangarap,

Mahal kahit wala kana dito sa mUndo,
ika'y mananatili parin lage saking puso't isipan.

Mahal Salamat..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Mahal Salamat"Where stories live. Discover now