Alliane's POV
"hoy pakidala naman tong bag ko ang bigat eh" sabi ko kay Kris na ubod ng lamig.I mean ang cold nya kasi. mas cold pa sa iniisip mo.
"tss dadala ka pa kasi ng bag =___=" tapos binitbit na nya yung bag ko. poker face nanaman.
"well what do you expect from me? masipag ako mag-aral kesa sayo na kahit na isang ballpen walang dala" sabi ko sa kanya at tinaasan ko pa sya ng kilay at dirediretso ng naglakad kasabay pa rin sya (laki kasi ng hakbang eh). hay! wala na talaga tong pinagbago, parang hindi ko bestfriend eh.
yeah, Kris Wu is my bestfriend, 2 years na kaming magkaibigan. siguro nagtataka kayo kung bakit kami naging mag-bestfriend no? or rather pano ko sya natitiis sa ugali nya? ganto kasi yan.
1st year H.S ako nun at pauwi na ko galing school ng biglang may humaltak sakin papasok sa makitid na iskinita. Laking gulat ko na lang ng may tumutok sa akin na kutsilyo.
ng makita ko kung sino, aba ka-schoolmate ko to ah (nalaman ko dahil sa uniform)
"ahhhh ikaw pala yun"sabi nya sabay ngiti ng nakakaloko
hanudaw? ako ang alin?
sasabihin ko na sana yan ng akmang sasaksakin na nya ko kaya naman napapikit ako.
Medyo matagal na rin akong nakapikit pero wala pa rin akong nararamdamang sakit kaya naman napadilat na ako
at dun ko nakita ang isang lalaking GWAPO na schoolmate din namin na binubugbog ang isa pa naming schoolmate na muntik na kong patayin in short niligtas nya ko.
after nyang bugbugin si schoolmate1 (na tumakbo na dahil bugbog sarado na sya) lumapit sa ken si SM2, akala ko itatayo nya ko (kase kanina pa ko nakasalampak dito sa lapag at pinapanood silang magbubugan) pero hindi pala kasi. .
"ano? hindi ka ba tatayo jan? o gusto mong magpasaksak uli? =___=" -sya na nakatitig lang saken at nakapoker face na kala mo eh walang nangyari and take note: HINDI.NYA.MAN.LANG.AKO.TINATAYO.
kaya tumayo na ko mag-isa naalala ko kasing may paa ako. At sumabay sa kanyang maglakad, nauna kasi sya eh
"Thank you nga pala Schoolmate ah :)" sabi ko and yep may smile pa talaga yan
"ge =__=" sabi nya ng hindi man lang tumitingin sakin
ok Alliane kalma lang niligtas ka nya wag kang mainit ang ulo.
"ano nga palang pangalan mo?" di pa rin nawawala ang smile ko
"Kris =___=" lintek na mukha yan ang gwapo. oops hehe. LANDI ALERT
"ahh ba't parang bihira lang kita makita sa school? anong year mo na? :)"
"2nd =___=" aish! konti na lang talaga maiinis na ko dito kahit pa ang gwapo neto.
"pwede ba kitang maging bestfriend?" tanong ko
ewan ko ba kung ba't ko sinabi yan. baka dahil na-trauma na ko kanina (kahit hindi halata) at gusto ko ng magkaroon ng kasama kasi wala akong kaibigan eh.
"ge=___="-Kris. yun na yun? ok sabi nya eh
"ok sabi mo yan ah. btw, ako nga pala si Alliane :)" sabi ko at nilahad ko pa ang kamay ko pero wala syang ginawa deretso lang yung tingin nya. PUTEK! pahiya konti.