My Long Lost....... Friend?! (EXO fanfic)

97 3 1
                                    

A/N: eto po ang conversation pattern ng mga cast..

““  yan po pag nag-uusap sila ng tagalog o normal conversation

“__“ eto naman pag nagmamandarin yung ibang members.. :)

“//“ eto naman po pag-korean ang salita nila.. tinranslate ko nlang para di naman kayo manosebleed kakabasa nito.. hehe xD

Yun lang!! Kamsahamnida guys!!! Mwah!!~ :*

Prologue:

*Careless~Careless~....Shoot..  Anonymous~Anonymous* 

Ang ingay naman nitong cp ko, sino ba itong di pa awat mag-call...

Buti na lang maganda yung ringtone.. hehe ^^

Sagutin ko na nga..

“Yoboseyo“ feel na feel ko pa yung pagkokorean.. Lol x)

A/N: Yoboseyo-Hello

“PA-YOBOSEYO KA PANG NALALAMAN DIYAN!!! NASAAN KA NA BA??!!“

Bigla kong naialis sa tenga ko yung  cellphone.. Makasigaw kasi to the maximum level pa.. tsk!

Napalingon pa pati si mamang driver.. Nagtataka kung sino ba yung sumigaw.. Nakafull pa pati yung speaker.. Naman!! Oo..

“Hehe.. sori po“ sabay *peace sign* ko kay manong

Ano naman kaya problema nito..

“Makasigaw naman ito.. Chill lang!! Nakasakay na ko sa taxi, papunta na ako!“ sabi ko sa kausap kong baliw na makatawag wagas.. Sinigawan ko rin nga.. hehe..

“PANO AKO MAG-CHICHILL KUNG MALALATE NA TAYO SA CONCERT!! DALIAN MO NA!! NAGPAPASUKAN NA YUNG MGA TAO!! KAPAG WALA KA PA DITO IN 10 MIN. IIWAN NA TLAGA KITA!! PAPASOK NAKO SA LOOB!!“

talagang ALL CAPS yung sulat kasi nakasigaw na naman siya.. hayys..

“Oo na po.. Papunta na nga!“ sabi ko na parang bored na bored lng sa kanya

“BAKA NAMAN YANG PAPUN-------“

binabaan ko nga.. Ang sakit kaya sa tenga.. Lagi kasing highpitch magsalita...

“manong wla na bang ibibilis ito.. malalate na po kasi ako dun sa pupuntahan ko eh“ sabi ko kay manong with my most sweetest smile.. haha :)

Tumango naman si manong at pinabilis pa ang pagpapatakbo..

5 min. later~

Wooh~ nakrating din.. Nasaan na kaya yung babaitang yun.. masyadong atat eh.. di pa naman nagsisimula.. papasok pa nga lang yung mga tao.. Sakto nga lang yung dating ko eh.. 

Naglakad lakad ako sa may MOA grounds para hanapin si BFF na OA sa pagka-EXOITed!! 

Ayun na nga! Haha.. Nakabusangot na nman ang mukha niya.. xD

“Huy!!“ sabay tulak sa kanya. Ayun napasubsob sa kanto.. haha

Tiningnan nya lang ako ng masama habang nakacross-arms pa..

“Bakit ngayon ka lang ha?? Di ba sabi ko 7:00 pm?? Anong oras na ba?? 8:00 pm na!! At malapit na magsimula ang concert ng hubby ko! Fan ka ba tlaga?? Bakit parang di ka nman excited!!“

Ang medyo kalmado nang sermon sa akin ni bhest.. pero halata pa rin sa kanya ang pagkainis..

“Bhest!! Sorry na!! Ang bagal kasi nung taxi na sinakyan ko eh..“ sabay paawa effect ko with beautiful eyes *.*

“Aish!! Oo na!! Matitiis ba kita? Oh sya!! Tara na at baka mawalan pa tayo ng mauupuan!“ 

Hinatak niya ako papasok kasabay ng maraming tao.. Naghanap agad kami ng mauupuan at niready ang aming gadgets para sa once in a lifetime oppurtunity na makita ang aming fab group na EXO!! woohoo!!

After several hours~

Woooshh~ ANG SAYA!! NAKITA KO RIN SILA SA WAKAS!! HOHOHO!! KAHIT MEDYO DI KO RIN NA ENJOY DAHIL SA MGA FANGIRLS NA NAKAHARANG SA UNAHAN AT DI ALAM NA MAY TAO SA LIKOD NILA... hayyss.. atleast nasulyapan ko ang mga Fafabells na idol kht medyo blurry dahil GenAd lng ang kaya naming iafford.. :((

Parang naubusan ako ng energy dun.. hinang-hina na ako.. Teka.. makapag cr nga muna..

“Bhest, hintayin mo nlang ako sa labasan.. mag ccr lng ako..“ 

Tumakbo ako papasok ng concert hall nang may bigla akong makabangga..

“Sorry!! Sorry po!!“

Sabay takbo ulit.. di ko na nga nakita yung mukha ni kuya.. nagsorry nman ako..

Kahit saang cr nlang ako pumasok since malapit na tlagang sumabog ang pantog ko kapag di ko pa inilabas ito..

Nasa corridor na ako ng hall nang mapansin kong natanggal sa pagkakasintas ang aking sapatos..

Yumuko ako para ayusin ito nang may mapansin akong 12 na taong nakatayo malapit sa akin.. ang gaganda nung sapatos.. branded.. 

Nakaharang nga pala ako sa daanan....tsk!!

Umurong ako ng konti para padaanin sila at nagpatuloy sa pagsisintas nang di sila tinitingnan..

Mukhang nagulat nga sila dahil di sila agad nakakibo.. pero nagpatuloy pa rin sila sa paglalakad..

Paalis na ako ng may biglang tumawag sa akin..

“MISS!“ parang pamilyar yung boses..

Nilingon ko kung sino yung tumawag sa akin..

Oo0!!

Gulat na gulat yung reaksyon ko nang makita kung sino yung tumawag sa akin at sa mga kasamahan niya..

Eh sino ba naman ang di magugulat kung tawagin ka ba nman ng isa sa mga idol mo na ni minsan ay di mo akalain pede pala mangyari!!

“Majoy!!“ tawag nya ulit habang papalapit sa akin.. 

S-Suho??!!

Na-froze ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga nangyayari.. di ata maprocess ng utak ko ang mga happenings.. @_@

Di ko namalayan.. nakatayo n pla sya sa harap ko at may hawak na isang wallet...

Teka?? Wallet ko yun ah!

Ngumiti sya at bigla na lamang akong niyakap ng mahigpit sabay sabing..

“Youre Back!“

-------------------

My Long Lost....... Friend?! (EXO fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon