Our Unspoken Love - One shot

28 1 0
                                    


Nagsimula ito nang makilala ni Baekhyun si Chanyeol.

Si Baekhyun ay isa lang namang consistent honor student mula sa mataas na unibersidad sa kanilang lungsod. Nakilala nya si Chanyeol na isang transferee, adik sa music instruments at isang tahimik, matangkad at oo, syempre over sa gwapo. Hindi tulad ni Baekhyun, madaldal, puro aral, gwapo naman pero di ganun katangkad, "pwede na", "okay naman" kung ilalarawan sya ng karamihan.

"Hoy Baekhyun!" Nilapitan ni Chanyeol si Baekhyun at ginulo gulo ang buhok nito. Di naman maistorbo si Mr. Nerd aka Baekhyun na nagpapakadalubhasa masyado sa pag-aaral. Kaya't tinawag ito muli ni Chanyeol at tinabihan nya. "Hoy Baekhyun, bat di mo ko pinapansin?!" Kinulit kulit nya pa ito lalo dahil di talaga sya pinapansin nito, kasi nga acads is lyfer lol.

"Ganyan ka ba sakin? Ikaw na nga lang tong bestfriend ko dito eh." Napalingon si Baekhyun kay Chanyeol nang mariin nyang marinig ang katagang "bestfriend". Eh kasi naman di bestfriend ang tingin nito kay Chanyeol, pero ano nga ba?

"Oh bat parang nakakita ka ng multo? Atsaka bat di mo ba ko pinapansin?" Sa tono ng pananalita ni Chanyeol, mukang nagtatampo na ito. Syempre, di naman matiis ni Baekhyun ang isang gwapong katulad nya diba? Kaya't hinampas nya ito ng libro at tumayo. "Aray!" Sigaw ni Chanyeol sabay himas sa ulo nya.

"Ang gulo gulo mo Chanyeol! Di mo ba nakikitang nag-rereview ako? May quiz kami mamaya no!" Kinuha nya ang mga gamit nya at nagmadaling umalis. Susundan na sana sya ni Chanyeol kaso lang nag-ring na ang school bell, kaya't isinigaw nya na lang ang sasabihin nya sa bestfriend nya, "Sunduin kita mamaya, Baekhyunie!" Di namang mapigilang mapangiti ni Baekhyun, harot eh! Agad na ring umalis si Chanyeol at pumasok na sa klase nila.

___





Sabado ng umaga, dinaanan ni Chanyeol si Baekhyun sa kanilang bahay. Narinig pa lang nito ang boses ng best friend kuno, nagising agad ito sa malalim na pagkatulog nito. "Baekhyun! Andito si Chanyeol!" Malakas na sigaw ng ate nya habang naligo agad ito.

Sa sobrang pagmamadali ni Baekhyun, di nya na napansin na may mga bula pang natira sa ilang parte ng katawan nya. Mabilis itong nagbihis, nagsuklay at halos maligo na sa pabango.

Pagkabukas nya sa pinto ng kwarto nya, bumungad si Chanyeol na sobrang liwanag ng ngiti. Mas maliwanag pa sa sinag ng araw, shems ang fafa talaga ni Chanyeol. Kaya kilig to the bones si Baekhyun, sino bang di kikiligin na sinusundo ka ng best friend mo ang aga aga. Oo, best friend lang daw sila.

Habang naglalakad sila papuntang bus station, napansin ni Baekhyun na tahimik si Chanyeol, kahit lagi naman talaga tong tahimik, parang kakaiba ang pagkatahimik nito. Kaya't tinanong nya ito, "Oh bakit sobrang tahimik mo naman ata? Ang aga aga eh. Parang nung nakaraang araw lang kinukulit mo ko." Sabay suntok sa braso nito. Ngumisi naman si Chanyeol at pinisil ang pisngi nyang mala-marshmallow. "Wala lang, mami-miss kasi kita."

Para bang gustong lumipad ni Baekhyun hanggang jupiter ng marinig nya ang sinabi ni Chanyeol, "mami-miss" daw. Pero bakit nga ba?

"H-huh? Bakit? Ano nanaman yan Park Chanyeol?" Umiling-iling naman si Chanyeol at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nauuna na sa paglalakad si Chanyeol, sobrang lalim ng iniisip nito. "Hoy Chanyeol!" Sigaw ni Baekhyun, hihilahin nya sana ang buhok nito pero agad na hinawakan ni Chanyeol ang kamay nito.

"Walang pasok ngayon, jinoke lang kita kagabi."

"A-ano?! Eh san tayo pupunta?! Siraulo ka talaga Park Chanyeol!"

"Sasamahan mo ko buong araw."

"B-bakit naman?!"

"Pag di mo ko sinamahan, di na tayo mag-best friends."

Our Unspoken LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon