Chapter 13

8 0 0
                                    

"Bebs! Ano ba yan? Kanina pa kita kinakausap. Pero hindi ka naman nakikinig." Nawala ako sa pagkatulala ko nang mahina akong hampasin ni Miles.

"Ah.. Eh.. Ano na nga ulit yun?" Tanong ko sakanya.

"Sabi ko binigay ni Three yung number niya sakin at sinabihan pa ako na ang ganda ko daw, kyaaaah!" Kilig na kilig na sabi ni Miles.

Binigay ni Three ang number niya kay Miles?

"Binigay niya ang number niya? Baka mamaya may girlfriend na yan ha. Tinanong mo ba kung may girlfriend?" Tanong ko kay Miles.

"Hindi Bebs eh. Binigay niya ang number niya so it means na single siya."

Biglang kumirot ang puso ko. Parang may kumakagat na langgam, isama mo na ang surot at kuto. Alam ko namang mahal ako ni Three. Ako lang ang mahal niya. Alam ko yun. Kahit sandaling panahon palang kami nagkakilala. Sa tingin ko naman kahit na pangit ako, hindi magloloko yun.

"Bebang? Ano ba nangyayari sayo? May sakit kaba? May problema ka? Bakit ang tamlay mo?" Tanong sakin ni Miles na may bahid na pag-aalala sa mukha.

"Tara libre kita!" Aya niya na agad ikinatuwa ko.

"TARA." Masaya kong sabi.

"Kita mo 'tong babaeng ito. Sabi na eh, pagkain lang katapat mo. Basta talaga pagkain. Hahaha." Natatawa niyang sabi.

Habang papunta kami ng canteen. Biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Hoy Bebang!" Maangas na tawag sakin ng isang boses.

Hinarap ko siya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Hindi kaba magpapasalamat sakin dahil binili ko lahat ng tinda mong banana cue nung isang araw?" Ang siga talaga ng lalaking 'to. Di naman kagwapuhan.

Teka!

"Ikaw? Teka! Bakit.. bakit parang iba ang istura mo nun? Ang inosente ng mukha nung lalaki na bumili ng banana cue ko eh." Nagtatakang tanong ko kay Kevin. Oo si Kevin, yung leader ng Black Wood Gang.

Ibang iba ang istura niya nung mga oras na 'yun. Kaya hindi ko agad siya namukhaan. Lagi kasing naka-eyeliner kapag nandito sa school ang lalaking 'to. Akala mo adik na unggoy.

"Natutulala kana naman sa kagwapuhan ko." Sabay kindat ni Kevin sakin.

"Wow ha! Ako? Matutulala sa kagwapuhan mo? As if! Wag kangang feeling. Sira na nga ang araw ko. Mas lalo mo pang sinisira." Pagmamataray ko sakanya.

"Ang taray mo naman. Hoy! Hindi bagay sayo ang magtaray." Aba't nanlalait pa.

"Ehem." Rinig ko na may umubo sa gilid ko. Muntik ko ng makalimutan na kasama ko nga pala si Miles.

"Alam mo mister, kung gusto mo si Bebang, sabihin mo na. Hindi yung dinadaan mo pa sa paganyan ganyan mo." Natatawang sabi ni Miles.

"Ano? Ako? Gusto ko si Bebang? Hindi ko type ang mga uri niya noh." Nag-iba bigla ang itsura niya na parang naasiwa.

"Pwe. Makaalis na nga. Btw miss ngayon lang kita nakita dito. Kevin nga pala." Sabay lahad nito ng kamay habang nakangiti kay Miles.

"Hep! Hep! Tigil tigilan mo ang kaibigan ko ha. Tsupi kana nga. Umalis kanang tukmol ka." Sabay mahinang tulak ko sakanya palayo. Sinadya ko na mahina lang. Hello, leader yan ng sikat na gang dito. Baka matagpuan nalang akong duguan at nakasabit ang pwet sa gate namin kapag sinaktan ko 'to. Mahirap na.

"Ang bilis mo namang magselos Bebang." Pang-aasar pa nito sakin. At agad na umalis. Ang kapal din talaga ng mukha. Ang sarap imudmod sa tae ng kalabaw. Pasintabi sa kumakain.

"Sino 'yon?" Agad na tanong sakin ni Miles.

"Si Kevin. Leader ng Black Wood Gang. Nako! Umiwas ka sa lalaking 'yun. Puro gulo ang gusto nun." Paliwanag ko sakanya.

"Ang cute niyo tingnan kanina habang nagbabangayan." Natutuwa niyang sabi. Muntik ko na tuloy mabuga ang iniinom kong juice.

"Parang sinasabi mo nadin na bagay kami." Ako.

"Parang ganun na nga." Natatawa pa niyang sabi.

"Infairness, gwapo siya bebs." Dagdag pa niya.

"Siya? Gwapo? Malabo! Mayabang, oo." Naiinis kong sabi.

"Nagdedeny pa eh. By the way bebs, sabay naman tayong umuwi mamaya oh. Please. Ihahatid kita sa inyo." Nag-pout pa ito. Ang ganda talaga ni Miles kahit anong face expression ang gawin niya.

Oo nga pala. Patay! May usapan kami ni Three na ihahatid din niya ako mamaya. Pano ba 'to? Hindi naman pwedeng magtagpo ang landas nila. Ayokong magalit si Miles sakin pag nalaman niyang boyfriend ko na ang pinapangarap niyang lalaki.

"Sorry Miles. Ah.. Eh.. May pupuntahan pa kami ni mamang mamaya eh. Susunduin niya ako dito sa school. Yun nga." Palusot ko at agad naman siyang naniwala. Mabuti naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE REVENGE OF BEBANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon