Kabanata 20

373K 10.9K 4.2K
                                    

Kabanata 20

"SIGE, Thallia, mauuna na ako," paalam sa akin ni Mary Jane habang sumisilip sa cubicle ko at bitbit ang bag niya.

"Bye! Ingat!" I smiled at her pero ngumuso lang siya sa akin at inginuso ang phone ko.

"Hindi ka pa rin kino-contact?" tanong niya. Nawala naman ang ngiti ko at napabaling sa phone na kanina ko pa pala sinisilip.

"Uh, hindi pa e," sagot ko. I flashed a small, fake smile again before looking at her. "Siguro busy lang," sabi ko bago kumaway sa kanya. She doesn't seem convinced at first pero kalaunan ay tumango na lang at nagpaalam paalis.

Nang umalis si Mary Jane ay ako nalang mag-isa ang naiwan sa pwesto namin. Well, sa banda ko lang dahil sa medyo kalayuan sa akin ay may nago-overtime pa at ang iba nama'y mga intern kaya kahit papano ay may tao pa rin. Nakatulala lang ako sa phone ko at sa computer na nasa harapan ko, hoping to get a call or email from Iñigo but still none. He's been out for two weeks already, dahil sa conference niya sa Europe. He's with some of his clients and colleagues at hindi niya ako isinama dahil sa maiiwang gawain dito sa opisina habang wala siya.

Sa ngayon ay bumibisita rito minsan ang dalawang kapatid niya para kumustahin kami sa firm at minsa'y nag-aasikaso rin pero hindi ganoon masyado. This isn't their line of work, anyway. Zeijan loves bar and noisy places while Dash is a businessman and a pilot. Tanging si Iñigo lang at ang Dad niya ang abogado sa kanilang magkakapatid.

For the first few days since Iñigo left ay nakakatawag pa siya sa akin. We even manage to at least Facetime with each other every night kapag may bakanteng oras siya. But lately, I didn't hear anything from him. I can't contact him and he never called me. Wala rin naman siyang iniuutos o ine-email sa akin, malalaman ko na lang na may mensahe tungkol sa trabaho mula sa kanya sa mga kaopisina ko samantalang ako'y wala namang naririnig mula sa kanya.

What is he up to these days? Is he really that busy to even call me?

I stared at my phone and dialed his number again pero out of coverage pa rin katulad kanina. Naiinis na ibinagsak ko ito sa lamesa at naihilamos ang mukha ko. I hate this kind of feeling!

Umuwi ako ng unit ko na tahimik at wala sa sarili. I ate a cup noodles and juice dahil ito lang ang kaya kong gawin beside sa pagluluto ng itlog at hotdog at kahit subukan kong magluto para sa sarili ko, malaki ang posibilidad na ma-food poison ako!

Pagkatapos magbabad sa tub ay pumunta akong kwarto para kunin ang mga dokumento tungkol sa kaso ng Dad ko na nakalap ko kasama si Attorney Velgas. We went to my father's office to look for some evidences or clues about the real situation at may napansin kaming kahina-hinala. We tried comparing the signatures from his cheques and his signature for the bank's money transfer and it's kinda weird.

I mean, parehas ang pirma ng dalawang dokumento pero pakiramdam ko ay may mali. Some strokes doesn't seem well written. Parang ginaya na hindi ko mawari kung paano. Sa police records din na nagcheck sa pirma ay confirmed na match pero pakiramdam talaga namin ay may iba.

May mali. I have seen how he signs documents and if the match was legit or fabricated, I'm not sure. I have to know.

Dad went back to the jail when he finally recovered and I visited him from time to time, hindi nga lang ako nagpapakita dahil ayokong ma-stress siya dahil sa akin. He also refused to say anything kapag nagtatanong si Attorney at 'yon ang nagpapahirap sa kaso niya. He was jailed because he refused to say anything at ayaw niyang itanggi ang malakas na ebidensya against sa kanya! I also stopped my plan kaya mas mahihirapan kami.

How can I solve this? And Iñigo isn't answering his phone! Tumayo ako at inilapag ang mga papel sa kama bago dumiretso sa veranda ng kwarto ko. I sipped on my wine while staring at the lights igniting the city.

Tempting The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon