TAMANG PANAHON👦👧

9 0 0
                                    

Sa panahon ngayon, tatlong uri na lang ng lalake ang natitira.
1. Gwapo, mayaman, may girlfriend.
2. Gwapo, may kaya, may ka-MU.(mutual understanding)
3. Gwapo, medyo may kaya, walang ka-forever.
Hi, ako nga pala si Junmel Makatangi. Sabi ng nanay ko, gwapo daw ako. Syempre, maniniwala ako sa nanay ko. Nanay ko yun eh, mother's knows best nga diba! Hahahah :D Sa sobrang swerte ko sa mukha ko yun naman ang ikinamalas ko sa love life, lagi na lang akong sawi sa pag-ibig!
Bakit ba ang malas ko sa pag -ibig? Tulog ba ako noong nagpana si kupido ng mga mag-iibigan?
Hayyy! At alam niyo yung masakit? Yung makita yung taong mahal mo na may kasamang iba -_- Ouchh !!>_< Lagi na lang bang ganito? Lagi na lang akong nasasak~~~

"Mr. Makatangi! Kung yang pagiging tulala mo sa klase ko ang aatupagin mo sa, pwede ka ng lumabas at doon mo ipagpatuloy yang pag-dadaydream mo!" Sigaw sa akin ng teacher kong sobrang sungit, dahilan ng pagtingin sa akin ng mga kaklase ko, na-expose tuloy yung kagwapuhan ko!
Jusko naman oh! Kaaga-aga ako ang nagalitan! Malas talaga.
"Ma'am ang ganda mo sana kaso pumapanget ka pag masungit ka" pabulong na sabi ko
Biglang natigil si Ma'am Sungit. Uh-oh, narinig ata ako. Patay!
"May sinasabi ka Mr. Makatangi?" Saway sa akin ni ma'am. Patay ka talaga junmel pogi!
"Wala po ma'am, sabi ko ANG GANDA MO
kaso bingi ka lang." bulong ko sabay layas.

Hay jusko! Makatambay na nga lang!
Habang naglalakad ako natanaw ko sila, sobrang sakit talaga. Sobrang sakit na makita mo yung mahal mo na kasama yung mahal niya. Sana ako na lang siya, sana ako na lang yung lalaking mahal niya. Pero okay lang, masaya naman siyang kasama yung mahal niya.
Matagal ko ng crush si Athena, simula elementary pa kami. Lagi ko siyang sinusundan at pag malungkot siya lagi akong nasa tabi niya at dinadamayan siya. At habang tumatagal, narealize ko na mahal ko na pala siya pero hindi ko masabi yung nararamdaman. At simula nung manligaw yung John na iyon, di ko na nakakasama si Athena. Badtrip kasi yung John na yun, inagaw na sa akin si Athena. Bakit kasi ang Torpe ko!? -_- Bakit ganun? Ginawa ko na lahat ayaw parin kuminis! Hahaha joke lang! Pampa-Goodvibes lang ^___^
Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako? T_T
Mahaba-habang oras to, makatulog nga muna!
-
"Hoy Junmelaaaa! Lunch na, tara na! Nagugutom na ako. Kain na tayo!"
Ugh! Sino ba to? Ang kai ngay-ingay! Natutulog yung tao e!
"Hoy bestfriend! Gising naaa!"
Pag mulat ko ng mata ay nakita ko ang Girl Bestfriend kong si Nica Lamasa.
"Tara na! Kain na tayo, nqgugutom na ako!" Aissh! Ang kulit talaga nitong babaeng to! Makakain na nga, nakakagutom na din e
*Nica's POV*
Kanina ko pa napapansin na lumilipad ang utak nitong bestfriend ko.
"Iniisip mo na naman yung ultimate crush mo no?" pang-aasar ko sa kanya.
Tiningnan niya ako ng masama. "Alam mo naman pala matanung ka pa!" -_- Grabe. Ang sungit ni boss :D
"Nica diba close naman kayo ni Athena? Tulongan mo namam ako sa kanya. Please?" Pagmamakaawa niya. Grabe na to, nagmamaka-awa si bestfriend dahil sa isang babae. Ang swerte niya :(
Ang totoo kasi niyan, may lihim akong pagtingin sa bestfriend ko. Mga bata pa lang kami may gusto na ako sa kanya at habang tumatagal, lumalalim din yung nararamdaman ko para sa kanya. Kaso hindi niya ako mahal. Sobrang sakit. Pero ayos lang, tanggap ko na magbestfriend lang kami :(
"Sorry pero hindi kita matutulongan busy yun sa John niya!"
"Nandito naman kasi akong nagmamahal sayonpero bakit hindi mo ako napapansin? Sana ako na lang." Dugtong ko pa pero mahina lang para hindi niya marinig.
"Huh?"
"Wala! Sabi ko huwag ka ng umasa na mapapansin ka niya!" Pang-aasar ko tapos nilayasan ko siya.
Naiwang tulala ang BOYBESTFRIEND ko. Dumiretso ako sa paboritong tambayan naming dalawa. Nasasaktan talaga akp dahil kahit anong gawin ko wala pa din akong puwang sa puso ng niya :(

Totoo na close kami ni Athena, pero simula nung malaman ko na mahal siya ni Junmel, hindi ko na siya nilalapitan. Siguro dahil na-iinggit ako sa kanya :( Sana ako na lang siya. Sana ako na lang ang mahal ng Bestfriend ko :(
-
Pauwi na ako ng makita ko si Athena na umiiyak at may kasamang lalaki. Si John ata, hindi ko masyadong makilala kasi malayo ako. Pero nung malapit na ako ay nakilala ko na kung sino yung lalaki. Si Junmel, ang bestfriend ko. Medyo nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Bakit sila magkasama? Bakit umiiyak si Athena sa harap ni Junmel?

"Junmel, sorry. Hindi talaga kita mahal. Sorry kung nasaktan kita. Sorry!" Umiiyak na sabi ni Athena.
"Okay lang, wag ka ng umiyak. Naiintindihan ko."
"Bakit kasi ako pa? Hindi kita kayang mahalin. Andyan naman si Nica." Hala. Bat nasali ako sa usapan nila?
"Ha? Bakit si Nica? Mag-bestfriend kami." Nagtatakang tanong ni Junmel.
"Hindi mo ba napapansin? Mahal ka niya!" Sabi ni Athena na

Aalis na sana ako pero may pusa pala sa tabi, jusko lord! Takot po ako sa pusa. Bakit ngayon ka pa lumapit? Hindi tuloy ako makagalaw dito sa kinatatayuan ko.
"Meow Meow Meow"
"Aaaaahhh!
"NICA!?" Paktay! Nahuli na ako.
"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ni Athena.
Hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumungo na lang ako.
"Narinig mo ba pinag-uusapan namin? Totoo ba Nica? Mahal mo ako?" Sunod sunod na tanong ni Junmel.
Hindi ko talaga alam isasagot ko. Aamin ba ako? Lord, help me out of this mess please?

"Sagutin mo ako Nica! Totoo bang mahal mo ako!?" Pasigaw na tanong niya. Galit ba siya? :(
"Oo Junmel! Mahal kita! Matagal na kitang mahal!" Sigaw ko. Hala! Bakit ko yun sinabi? May sarili bang utak ang bunganga ko? Pahamak na maigi!
"Bakit di mo sa akin sinabi?"
"Pano ko sasabihin e hindi mo nga ako napapansin dahil puro ka Athena! Wala kang ibang napapansin kundi si Athena! Balewala lang sayo yung mga ginagawa kong effort para mapansin mo ako!"
"I'm sorry. Ang gago ko, ang gago kong bestfriend mo."
"It's okay. Sanay na ako." Sabi ko at iniwan sila.

Pano na to? Alam niyang mahal ko siya. Bestfriendship over na ba kami? :(

Wala na akong ibang nagawa kundi umiyak. Ang sakit. Ayaw kong mawala ang bestfriend ko, ang mahal ko :(
-
"Anak, nag-hihintay si Junmel sa baba." Sabi ni mama, kilala niya si Junmel, kasi nga diba bestfriends kami simula pagkabata.
"'Nak? Papapuntahin ko ba siya dito sa kwarto mo?"
"Wag na po ma, palabas nako." Inayos ko ang sarili ko at lumabas na ng kwarto ko.

Pagkalabas ko, nakita ko si Junmel na nakaupo sa sofa.
"Hi." Naiilang na sabi ko.
"Hello." Nakangiting bati niya. Buti pa siya, hindi apektado sa nangyari sa amin.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Sige. Sa tambayan tayo." Sabi ko at pumunta na kami sa park na laging tinatambayan namin. Kinakabahan ako sa pag-uusapan namin.

"Uhm. Sorry nga pala ha? Sorry sa mga nangyari." Sabi niya ng makarating kami sa park.
"Okay lang yun." Yun na lang ang nasabi ko dahil hindi ako komportable sa sitwasyon namin ngayon.
"Uhm? About nga pala dun, totoo bang mahal mo ako?" Diretsong tanong niya sa akin.
Hays. Sasabihin ko na sa kanya lahat. Lahat ng tinatago at nararamdaman ko.
"Oo. Matagal na, simula nung mga bata pa tayo may gusto na ako sayo at habang tumatagal lumalalim din yung nararamdaman ko para sayo." Paliwanag ko
"Bakit hindi mo sinabi? Bakit nilihim mo sa akin?"
"Kasi ayaw kong mawala ka sa akin. Natakot akong sabihin kasi baka pag nalaman mo ay layuan mo ako."
"Hayyy! Sorry. Sorry kung hindi ko napapansim yung mga effort mo at hindi ko man lang napansin na mahal mo ako. Sorry." Paghihingi niya ng paumanhin.
"Ayos lang yun, wala namang may gusto e."
"Gusto man kitang mahalin pabalik pero hindi ko magawa. Kung pwede lang sanang turuan ang puso."
"Hayaan mo na! Marami pang magbabago, pwedeng mawala tong nararamdaman ko at pwede ring mahalin mo ako diba? Hindi natin alam ang mga mangyayari."
"Oo nga! Pero bestfriend pa din tayo ha? Kahit anong mangyari, ikaw pa rin ang bestfriend ko."
"Oo naman! Bestfriends forever!"
"Salamat Nica, salamat sa lahat. Wag kang mag-alala, nararamdaman ko na mamahalin din kita sa tamang panahon." Biro niya. Loko talaga tong bestfrieng kong ito!
"Oo. Nararamdaman ko din na makakalimutan din kita sa tamang panahon." Biro ko din.

Ayos lang sa akin na bestfriends lang kami. Basta masaya kami pareho. Maghihintay na lang ako na mawala tong nararamdaman ko para sa kanya, okaya naman kung mahalin niya ako at mahal ko pa din siya, mas magiging masaya kami :) Basta maghihintay ako. Alam kong may tamang panahon para sa lahat :) Maghihintay ako ng tamang panahon.

*WAKAS*

-THE END😁

Kauna -unahang Short story na pinost ko  sa wattpad sana magustuhan ninyo😊😊😘

Ps.Tnx rofe😘😘tinulungan mo ako😊😊😊

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TAMANG PANAHONWhere stories live. Discover now