Xiandra's POV
"Happy friday class!" bati saamin ng music teacher namin.
"Happy friday Ma'am!" bati ng buong klase pabalik.
"Since it's your music subject today, I want you to group yourselves into 8. You will create your own festivals. You need to do the whole setting, the dance steps, and the costumes."
Marami akong narinig na reklamo sa mga kaklase namin. Meron rin namang natuwa. Sila yung mga medyo matino sa pagaaral.
"Oh? Bakit nagrereklamo kayo? This is your first big task in my subject, guys! Gusto nyo ako na mag-grupo sainyo?"
Pagkasabi nun ni Ma'am Farie, biglang naggrupo yung buong klase, kasama na kami nila Brelia, Sanjay, Cryst, Jack, at Elysa. Kaso, anim lang kami.
"Oy! Ano ngang pangalan nung kambal na yon?" sabay turo ni Sanjay doon sa kaklase naming kambal na sobrang tahimik at wala pang grupo.
"Th-thal..ia? Yun ba yon? At Prilien?" sabi ni Elyza.
Binatukan ko naman siya at sabing, "gagi, Delia yun. Delia. Hindi Thalia okay?"
"Ay? Delia! Prilien! Dito nalang kayo samin oh." lumingon naman yung kambal samin. Lahat kami nakangiti habang nakatitig silang dalawa samin. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na tumayo at naglakad palapit samin.
Nung makumpleto na kami, nagcircle kami at nagstart ng magsuggest kung anong festival ang gagawin namin.
"Ocean festival?" suggest ni Jack.
"Too common!" pagtutol ko sakaniya. Totoo naman kasi, marami na sa mga kaklase namin ang makakaisip non.
"Hearts and Love Festival?" suggest naman ni Cryst.
"Ewww!"
"Yuckk! Bitter here."
"That's a big no no."
"Magtino ka nga Cryst!"
Reactions naming lahat sa suggestion ni Cryst. Ang dami talaga niyang alam jusko.
"Philippine Festival?"
"Korean Festival?"
"Japanese Festival?"
"Mount Mayon Festival?"
"Kung Mount Everest kaya?"
Napa-bored look naman kaming mga babae sa lahat ng pinagsasabi nila. Wala na ba talaga silang maisip na matino? Or kahit medyo matino man lang?
"Ah! Jejemon festival!" omyghad what kind of groupmates do I have! Kayanin ko kaya 'to?
Natahimik silang lahat ng makita nilang sila lang ang tumatawa. Buti at nakapansin din. Sakit nila sa ulo!
"May sira na ba kayo sa utak?"
"Masama na yan guys, tara clinic."
"Wag. Mental na agad!"
"Aysh! Magtitino na ako. Dinamay lang ako ng dalawang yan." sabay turo ni Jack kay Cryst at Sanjay.
After ng ilang minutong nasayang pa sa pagsisihan nila at pagsigaw ko sakanila, finally nakaisip na kami-- more like Brelia, Elyza, ako at yung kambal ng matinong festival.
Glow in the Dark Festival.
Oh diba. So nag-assign lang kami ng magdadala ng lightsticks, at glow in the dark na mga bagay, pati narin designs. At yung gagawa ng dance steps, which is assigned to Brelia and me. At yung flow ng program. Meron ring foods.
BINABASA MO ANG
Wrong Place, Wrong Time, Right Person (on-hold)
Novela JuvenilOn-hold Kajejehan namin huwahahahahaha KSQUAD1922