Chapter Fourteen: Second time

125 2 1
                                    

Hi gais! At dahil masyado na kayong kinikilig sa love story ni Jiro at Alyssa ( sa mga hindi, kunwari kinikilig na lang kayo. Feeler ako eh. :P ) pagtuunan naman ng ating pansin ang love story ni Jane Marie Veronico. Hahaha :D

Keep supporting guys. :*

_____________________________________________________________________________

Jane's POV

MOVING ON.

Parang ang hirap gawin, lalo na kung nakikita mo siya araw-araw.

           Pero kailangang kayanin. Ngayon ko lang naranasan tong feeling na to. Minsan kasi, kailangan kong magpanggap na masaya, kahit ang totoo ay gusto ko ng umiyak kasi sobrang nasasaktan na ko. Para naman kahit minsan, hindi ako yung mukhang talo. Kahit ang totoo, ako pa din.

      Yung gusto mong ipagsigawan sa buong mundo na gusto mo siya, pero hindi mo magawa kasi madaming masasaktan. Kaya mas mabuti nang manahimik ka na lang, mas mabuti ng ikaw na lang yung masaktan. Di naman ako isang malaking kawalan eh. Ako na lang yung masaktan, ayos lang naman eh. Sanay na ako.

     At ngayon, masakit man na hindi ko nasabi sa kanya, ni hindi ko man naipadama. Walang nakakaalam kundi ako lang. Masakit. Alam ng Diyos na nagmahal ako, pero siguro para yun sa ikabubuti ko. May plano si Lord, kaya kong maghintay.

   Time heals almost everything. I wish na sana yung puso ko din. We can never turn back the pages of time, though we may wish to relive a happy moment, or say goodbye just one last time, we never can, because the sands of time continue to fall, and we can’t turn the hourglass over.

Ngek. Panira naman ng araw tong Miguel na to. Kung kelan naman nagdadrama ako dito tsaka niya pa ako tatawagin para makipagmeeting. Palibhasa kasi....Okay ganito kasi yan. Rumored kasi na may gusto daw siya sakin. Pero anong meron dun? Kung hindi naman siya ang gusto ko. Nahulog nga ako kay Jiro, nahulog naman siya sa iba. Yung pinapangarap mo, may pinapangarap na iba. Saklap.

^One of the frustrating moments in my life.

Nagpractice na kami kasama ang baklang palaka. Bwiset! Ang dami pa kasing kaechusang nalalaman nitong palaka na to. Si Miguel pa pinartner sakin! Tadhana nga naman oh!

Bakit si Miguel pa yung nakapartner ko? Bakit sa lahat ng tao sa buong mundo siya pa?

*flashback*

"I'm breaking up with you."

"Then go. Umalis ka na sa harapan ko. Ayan oh, pintuan! Lumabas ka na at kahit kailan hinding hindi na ako magbubukas ng pintuan para sayo."

"I'ts not you, it's me."

"ANO BA YAN MIGUEL! GASGAS NA YANG LINYA NA YAN EH! BAGUHIN MO NAMAN!"

"I mean. I-i'm.. I ju- I just have to...because..."

"Ano? NAKAHANAP KA NA NG BAGONG PALUSOT? SA SUSUNOD KASI NA MAGSISINUNGALING KA, GALINGAN MO!"

"Gusto ko lang kasing mag---..."

"Miguel. Tama na. Pagod na pagod na ko. Umalis ka na. Please. Im begging you to leave."

*end of flashback*

That day I told him to leave, and it hurts as he walks away and I cannot do anything about it because we're over. Minahal mo siya ng ganun kabilis, pero ganun kahirap kalimutan. Wala akong mapagsabihan nito, kasi hindi ko alam kung paano. Tinago namin ang relasyon, nagsinungaling kami sa lahat. Tumagal kami ng 3 months, pero nagtapos yun dahil sa isang mali. One mistake makes every moments go away. One mistake can ruin anything. It all ended in one mistake...

The Lost Relationship --- Ch.24Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon