C h a p t e r N i n e t e e n
It's a matter of pride
~ * * ~
"I'm glad ako ang pinili mo over Zico," masayang sabi ni Rem.
The show is over. At tapos na rin silang mag-wrestling-an ng mga ka-grupo niya. Nagulo nga ang pagkakasuot niya ng dance costume niya eh. But still, hindi nagbago ang hitsura niya. Ilang beses ko pa ba dapat ulit na ang gwapo gwapo niya ngayon? Sobrang gwapo ni Rem ngayon that I can't help but to stare at his handsome face. Well, hindi ko lang masyadong pinapahalata. Hindi nga ba?
Nasa stage pa din kami, nakaupo. Habang ang mga staffs pabalik pabalik sa pag-aayos ng buong studio. Magkatapat kaming nakaupo ni Rem. Nakaupo pa rin ako sa couch kung saan kami pinaupo kanina habang siya sa pwesto ng host. Kaming dalawa nagchichikahan habang ang mga tao, busy. Yung mga kagrupo niya ay nasa dressing room na.
Si Rem ang may pakana nito, eh. Since wala na naman daw kaming gagawin, dito daw muna kami. Wala ang 1hundred Days team. Kaya may choice akong tumanggi. Ngunit pinili kong sundin ang gusto niya. Dahil gusto ko rin. Gusto kong malapit siya sa akin. Gusto kong kausap ko siya. I love to kill time by talking with him gibberishly. I love spending time staring at him. I love him, I know. And I know matagal na. Ayoko lang tanggapin at aminin sa sarili ko because of Zico.
"Why won't I choose you?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. And I gave him a look na pinapaalala ang ginawa niyang eksena kanina─ yung hindi sila magpe-perform without me.
"Ahh." Tumawa siya ng malakas.
Ngumiti ako. Mabuti naman at nag-gets niya agad.
"Because you love me just like I love you. That's your reason, I see."
I frowned at him. "Baliw ka talaga, alam mo yun?" Deep inside, I'm smilling. Yes, I love you, Rem. I just don't know how to tell it to you.
Ngumiti siya ng malapad at tumayo. "Tara," anyaya niya habang nakalahad ang isang kamay sa harap ko.
"Saan?"
"Naiihi ako. Sama ka sa CR."
Hinampas ko nga ang kamay niya. "Ang bastos mo!"
Tumawa siya. "Sa labas ka lang naman!"
"Kailangan kasama pa ako?"
"Oo. Baka mamaya nawala lang ako saglit kasama mo na si Zico."
"Di pa tapos concert niya."
"Ayaw mo talaga?"
"Of course!"
"OK. Hintayin mo ako dyan. Saglit lang ako." Naglakad na siya. Ngunit matapos ang ilang hakbang, nilingon niya ako at binilinan, "Wag kang manlalalake!"
Natawa nalang ako sa sinabi niya at sumaludo sa kanya.
"Good." At tuluyan na siyang umalis.
Nakayuko lang ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko the whole time na hinihintay ko si Rem. Nahihiya kasi akong tumingin sa mga staffs na mga busy. Gustuhin ko mang tumulong ngunit di ko alam kung paano nila nililigpit ang mga equipments. Baka mamaya makasira pa ako.
"Ah, Miss Kangji, wag mo sanang mamasamain."
Napaangat ako ng tingin sa lalaking bigla nalang nagsalita sa gilid ko. "Po?"
"Wala po ba kayong balak na umalis?"
"Ah... ano..." Tumingin ako sa pinto papuntang backstage. Ang tagal naman ni Rem! "Sige po."
"Pasensya na po, Miss Kangji."
"No, no. It's OK. Sige po, mauna na po ako."
Dapat pala sumama na ako kay Rem at hinintay siya sa dressing room. Nakakahiya!
Nasalubong ko sila Lindo at Toshi sa hallway. Tinanong ko kung nakita nila yung leader nila.
"Pumuntang dressing room. Nagpalit ng damit," sagot ni Lindo.
"May kasamang babae," dagdag ni Toshi.
Nginitian ko lang siya at nagpasalamat sa kanila.
Dalawa ang dressing room sa backstage ng studio. Hindi naman ako nagkamali ng pinuntahan dahil nagtanong ako sa isang staff na nasalubong ko kung nakita ba si Rem. Sinamahan niya ako hanggang labas. Pag-alis niya, saka ko binuksan ang pinto.
Akala ko nagbibiro lang si Toshi na may kasamang babae si Rem. Totoo pala. At hindi lang basta babae at hindi niya lang basta kasama. Naghahalikan pa sila.
Nakaharap sa akin ang likod ni Rem at ang mga kamay niya ay nakahawak sa magkabilang pisngi ni Lisa.
Nang maglayo sila, saka lang dumilat ang mga mata ni Lisa. Nagtitigan pa silang dalawa. Kung paano titigan ni Lisa si Rem mahahalata mo ang malalim na pagtingin niya rito. Si Rem naman, hindi ko alam dahil nakatalikod siya sa akin. But then the kissed they shared is just a proof na tama ang sinasabi ni Lisa at ni Dars na hindi ko pinaniwalaan noon.
Nang pumihit si Rem paharap sa direksyon ko, nanlaki ang mga mata niya na animo'y isa akong multo.
"Kangji, it's.. it's not like what you think." Agad siyang lumapit sa akin.
Nanatili akong walang emosyong ipinapakita. But deep inside, para akong pinapatay. Ang sakit. Naninikip ang dibdib ko. Gusto kong sampalin si Rem. Gusto kong sabunutan si Lisa. Gusto kong sumigaw. Ngunit kinokontrol ko ang temper ko.
"Kung maglalandian kayo wag sa lugar ng mga media, pwede? Paano nalang kung iba ang nakakita? Maswerte kayo dahil ako lang. But anyway, wag kayong mag-alala. Your secret is safe with me. Hindi naman ako madaldal." I tried my very best not to look angry. But I think I failed. Tunog na tunog kasi ang bitterness sa boses ko.
I looked Lisa passed Rem. Nag-iwas lang siya ng tingin.
"Amea, makinig ka muna. I will explain everything─"
"Chill. You don't have to explain, you know?"
"I have to. Ayokong pagdudahan mo ang nararamdaman ko para sa'yo."
Natawa ako ng pagak sa sinabi niya. "Nararamdaman mo para sa akin? Come on! I never believe in those lies of yours."
Natigilan si Rem. Naglaho ang pagmamakaawa sa mukha niya kanina na pakinggan ko siya. "Right," mariing sabi niya. "Why would I explain when you don't believe me at all? Kahit anong gawin ko hindi ka naman maniniwala sa akin." Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago siya umalis.
I glared at Lisa, who can't look straight into my eyes. Nakatingin lang siya sa mga make-up na nasa counter. It's a matter of pride. Ayoko namang magmukha akong kawawa sa harapan nilang dalawa. Naloko na nga ako, magmumukha pa ba akong tanga? No. Hindi ako naghirap sa training ng ilang taon para lang ibaba ng dalawang tao na 'yan ang tingin ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Be Mine Or Make Me Yours
Short Story"Sa isang kondisyon." "Sige sige. Ano yan." "Well, I'm giving you two options." "Spill." "Be mine. You don't want? Make me yours, then. Pili ka ng isa. Pagkasagot mo, lilipad agad ako pabalik dyan. Magugulat ka nalang katabi mo na ako."