Araw ng Biyernes, alas-siyete ng umaga, ay nakarating si Claire sa Whiterock Beach Resort & Waterpark sa Subic para sa on-location photo shoot ng bagong Cover ng Bachelor Magazine sa susunod na buwan. Nataon kasi na nanganak na ang Misis ng kaniyang Supervisor na siyang naka-assign para sa photoshoot na iyon, at nataon ring may kani-kaniya pang hinahawakang projects at meetings ang iba pa niyang kasama sa trabaho kaya naman siya ang pinakiusapan ni Amanda na kung maaari ay umattend sa photoshoot na iyon.
Hindi naman siya nagdalawang-isip dahil minsan lang makiusap sa kaniya si Amanda, bukod pa roon ay wala naman din siyang naka-set na meeting or client presentation kaya't saktong-sakto na bakante siya. Isa pa'y gusto rin niyang maging familiar sa mga ganitong bagay lalo pa't kapag naglaon at ma-promote siya sa trabaho ay magiging parte na rin ng kaniyang responsibilidad ang umattend sa mga photo shoot, Magazine Launch, at kung ano-ano pang Media Ploy na kalakip ng kanilang trabaho.
Agad na tumungo si Claire sa beach side kung saan ay kasalukuyang nagseset-up ang mga tauhan nila sa Production and Creatives Department para sa gaganaping photo shoot. "Good Morning Guys!" masiglang bati niya sa mga kasama sa trabaho at saka nakipagbeso sa mga babae at nakipagkamay naman sa mga lalake.
"Good Morning din po Ma'am!" masayang bati rin ng mga ito sa kaniya.
"Ma'am Claire ito nga po pala si Miss Rina, siya po ang naka-assign na photographer natin para sa photo shoot ngayon." pakilala ng isa sa mga production staff na si Jelly ng lapitan siya nito.
"Good Morning Miss Rina, Its a pleasure meeting you." Magiliw na pagbati ni Claire saka nakigpagkamay sa may katandaan ng photographer.
"Good Morning to you too young lady." magalang na tugon naman ng matandang photographer ng makipagkamay sa kaniya, "I wasn't informed na isang magandang binibini naman pala ang project consultant para sa shoot na ito." papuri pa nito, bagay na nagdulot ng ngiti sa labi ni Claire.
"Actually, substitute lang po ako." pagtatama naman niya sa sinabi ni Miss Rina, "Si Sir Jimmy po talaga ang Head Coordinator para sa mga shoot ng magazine namin, nagkataon lang po na nanganak yung asawa niya kaya ako lang po yung pumalit." dagdag paliwanag pa niya upang bigyang imporma ang matandang photographer sa mga pangyayari kung bakit siya naroroon.
"Well then, please extend my congratulations to Jimmy." masayang pagbati pa ni Miss Rina, "And it's good to see a young pretty lady like you around, tiyak na mas lalong mai-inspire ang model namin habang nagpi-pictorial lalo na ngayon at may magandang babae pala rito sa location." natatawang biro pa ng matanda, "O siya sige, please excuse me at may mga aayusin lang ako para sa photo shoot ha. Nice meeting you again Claire."
At dahil busy pa naman ang lahat sa pagseset-up ay naisipan ni Claire na maupo muna sa isa sa mga bakanteng umbrella cottage at mag-check ng kaniyang mga e-mails sa trabaho mula sa dala niyang laptop. Natawagan na rin niya ang boss na si Amanda upang ipagbigay alam rito na nakarating na siya sa location ng shoot at kasalukuyan ng nag-aayos ang kanilang team.
"Ma'am Claire ito pong breakfast para po sa inyo." alok ni Roselyn ng ilapag nito ang tray ng clubhouse sandwich, pancake, coffee and creamer.
"Ito naman po mga prutas." alok naman ni Jelly ng ihatag nito ang tray na naglalaman ng fresh fruits gaya ng Melon, Pakwan, Grapes, Saging, at Orange.
"Naku, sana di na kayo nag-abala, nakakahiya naman sa inyo naiistorbo pa kayo dahil sa akin. Pero salamat ha." nahihiyang pasasalamat niya sa ginawa ng mga itong pagsisilbi sa kaniya.
"Ganyan po talaga kami sa production Ma'am Claire, siyempre po isa pa rin kayo sa mga boss namin kaya dapat alagaan namin kayo lalo pa at kayo sa Sales & Marketing department ang nagpapasok ng malalaking clients natin." Magiliw at sinserong papuri pa ng bibong si Jelly na halatang enjoy sa trabaho nito.
BINABASA MO ANG
Pain in My Heart (Playboy Series #3)
Ficción General(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga buhay. Vince lost his eye sight in a car accident; while Elizabeth was pronounced dead --- or at l...