Chapter [8] New Home
Ravie's POV
Tignan mo 'tong lalaking to. Nauna ako dito 'Tas siya wala pa? Eh ano bang pake mo Ravie?! Ha?! Ano pake mo sa lalaking 'yon?
8 o'clock padin pero wala pa siya!, eh sa ano ngang pake ko Ravie! Do I care?! Hindi diba?! Asdfghjkl! Ano bang nangyayari sakin kainis naman!
Naiinip na ako. Ano ba kasi ang naisipan ng magulang ko at pinagsama pa kami sa iisang bahay.
"Yung Rules" bigla kong bulong saaking sarili.
Baka lumabag siya sa Rules na naanduon! Pero napapaisip din ako. Hindi naman mukhang rules ang pinagsusulat niya sa Papel na yun! No Erasures daw kasi kaya di ko napabago sakanya!
Alam niya kaya yung Condominium?! Baka Hindi kaya wala pa siya? Aba bahala siya!
Kinuha ko yung phone ko at susubukan Sanang itext sakanya yung address.
Pero binalik ko ulit. Ano?! Chix siya?! Maghanap siya magisa!
Pero kinuha ko ulit. Pero pano pag may nangyaring masama? Konsensya ko pa?!
Pero binalik ko ulit. Diba Campus Badboy siya? Sigurado kaya niya buto niya!
Pero kinuha ko ulit. Pero kahit na! Sabihin si Mr.Stefan sinosolo ko yung Bahay!
Pero binalik ko din ulit. Eh sa ako yung nauna dito ah? Manigas siya!
Naglalaban na yung utak ko. Ponyeta!
******
Sa huli nagpagisipan kong itext nadin siya.
To : Cliff
Perceus Condominium Room 204
Hays! Nareceive niya kaya?! Kasi yung isa kong text Hindi siya nagreply e! Ano ba talagang pake ko?! Urgh.
"Late ka nang nagtext"
Muntik na akong mahulog sa Couch. Bat bigla bigla nalang siya nasulpot Jan?! Teka?! Alam niya yung passcode?! Di ko man lang narinig na nag bukas yung pintuan.
"T-teka?! Baka ikaw Late mo nang Nareceive! K-kanina pa ako nagtext e" sabi ko. Hindi padin ako makarecover sa Gulat. Ponyeta ka Cliff.
Ang baho niya. Amoy Alak! Pero Hindi naman gumegewang pag naglalakad. Alien 'to?!
"Tigilan mo ko"
"Huh?! Anong tigilan?! Wala naman akong ginagawa ah!"
"Tigilan mo ko jan sa Titig mo"
"Ah. Di mo naman agad sinabi. Pabitin pa e"
"Slow ka lang talaga"
"Neh?! What Ever By the way. Wala kang gamit dito"
"Meron"
"Teka?! Papaano?"
"Masnauna ako sayo dito e" sabi niya sabay kumuha ng Bottled water sa Fridge.
Nakangusong binuksan ko yung T.V. neh?! Ang dayaaaaa!
********
Teka?! May naamoy ako. Parang.....parang.....
.
.
.
.
NASUSUNOG?!dali-dali akong pumunta sa Kusina
"A-ano bang *cough* ginagawa mo *cough* " pilit ko salita. Nagluluha nadin ang mata ko sa hapdi dahil sa Usok.
Hindi ko siya mahanap. Pinatay ko muna yung kalan. Asaan na ba yung lalaking yun?! Tinignan ko sa Kwarto. Wala? Sa Sala. Wala? Hays! Nasaang lumapalop ba yun!
"Tu-tulongggggggggg" isang ungol ang narinig ko mula sa C.R.
Naanduon siya?!
Dali-dali akong pumunta. Nakalimutan kong sabihin! Sira yung doornob! Pwede siya malock sa Loob pag tuluyan siya sinara 'yon! Kasalanan ko to e!
Buti nalang nabubuksan sa Labas. Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang nakahiga sa Sahig.
"Jusko po" sabi ko at nilapitan ko si Cliff. Nakadamit naman siya pero nakahandusay nga kasi!
Nagkaramdam ako ng paga-alala. Pwede namang Hindi magpanic!
Hihilahin ko sana siya pataas pero ako pa ang hinila niya papalapit sa kanya.
Dig
Dug
Dug
Dug
Dug
Nagpa-party na naman ako! Bat kasi siya nakayakap sakin! Nakakagreen pa yun pwesto ko!
Nakapatong lang naman ako sakanya! At nakakahiya yun! Nang subukan kong kumalas ay mas hinigpitan niya pa ang pagyakap.
Ilang minuto din ang lumipas na naka ganun kaming pwesto pero nang naramdaman kong lumuwag na ang pagkakayakap niya ay agad na akong tumayo.
Geez. Nahihiya ako sa Sarili ko! Nakita ko naman siya parang tulog lang ang peg. Pero?! Pano ko siya ia-alis diyan?! Ang bigat ata ng taong 'to. Hayaan ko na lang kaya?!
"Hoy! Pano kaya kita itatayo?! Ha?" Tanong ko sa natutulog na Cliff.
Mukha siyang si Sleeping Beauty. Male version lang ganern. Kailangan din ba ng Kiss? Ay?! Ano ba yung iniisip ko jusko. Padalos-dalos ako Maghad!
Ilang beses kong pinipindot ang mukha niya pero Walang epekto
"Hoy lalaking sumpungin.. Kelan ka ba gigising? Hindi naman kita kayang iwanan sa C.R."
Pagkatapos kong sabihin yun ay bigla naman nagmulat ang kanyang mga Mata. Napahinga ako ng malalim.
"Buti naman naisipan mong gumising"
Inirapan niya lang ako. Hinampas ko naman siya "Aray!"
"Tch! Bat ka naligo Tas may niluluto ka pala ha?!"
"Alam ko bang masusunog?"
"Alangan! Syempre masusunog yun! Matagal ka na nga dito Tas di mo pala alam na sira yung Doornob!"
"Ngayon lang nasira yan. Loose trend na kasi"
"Edi dapat pinaayos na diba!"
"Tch!"
Hinampas ko ulit siya. "Nakakadalawa ka na ah! Pag naka tatlo ka! H-Halikan kita!"sabi niya na may kasama ng tawa.
Totoo ba 'to?! Ngumingiti ang loko? Hindi lang basta ngiti! Tumatawa pa siya?!
Hahampasin ko naman sana siya kaso pinigil ko ang sarili ko. Ayokong makuha niya ang first kiss ko aba.
"T-Tumayo ka na! Aish!" Sabi ko sabay Walkout sa C.R.
Yung lalaki yun talaga Laging sumpungin o kaya meron siya Claustrophobia (fear or Small Spaces) o dika Exaggerated lang ang loko?
YOU ARE READING
Engaged with the Campus Badboy || On-Going
FanfictionMeet Ravie (Raybie yung pronunciation) San Agustin Isang Ordinaryong babae. Matalino,Maganda at Mayaman. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay ie-engaged siya ng kanyang ama. At ang malala ay it-transfer pa siya ng Paaralan na kung nasaan ang Fianc...