Benj's Pov
Ayokong malaman ni Samantha ang lahat ng nagyari kahapon. Tutal, ibubuhos ko na lang ang lahat ng sama ng loob ko ngayong Sunday. Bukas may pasok na kasi eh.
Nagkulong ako ng kwarto. Ang sama ko noh. Iniwan ko si Mama sa ospital. Mga Yaya lang yung nagbabantay sa kanya instead sa sarili nyang anak.
Ngayon lang ako nasaktan ng sobra- sobra. Ang sakit sobra. Ikaw ba naman mawalan ng tatay pati nanay?
Okay nang mamatay na ko eh. Kesa si Mama. Ay oo nga pala. Pag namatay ako, magpapakamatay si Mama. Wala nang natira samin.
*Knock! Knock!*
"Master Benjamin, ito na po ang almusal nyo. Sa baba na lang po ang..."
"LET ME GO!!! GO AWAY!!!"
Grabe pala ako makasigaw. Yung lakas ng boses ko, nag- uumapaw yung boses ko sa buong Mansion.
Mabuti pa at itulog ko na lang ang lahat ng nangyari ngayon at kahapon.
*****
*Riiing!*
"Benj, gising na!!! Pasok ka na!!!"
Napaupo ako sa kama ko at nagtanggal ng muta sa mata. Bwiset na Yaya Janine yan o. Umagang umaga eh. At wala ako sa mood na pumasok.
"I TOLD YOU YESTERDAY!!! LET ME GO AT WALA PA AKO SA MOOD NA PUMASOK!!! GO AWAY!!!"
"Ganun mo na pala kausapin ang nanay mo ngayon ng good morning advise."
Shaks! Si Mama pala yun! Maling mali ang sinabi ko!
"Mama, sorry po."
Napaupo na talaga ako sa kama ko ng tuwid. Nag- stretching ng kamay at mga braso. At humikab.
"Galit ka ba, Bestfriend?"
That voice... It sounds... SAMANTHA!!!
"Ikaw ba...si...??" nauutal ako.
"Oo ako si Samantha." sagot nya.
Fast Forward...
"Nandito na tayo sa University. Teka, hintayin mo akong makababa ng kotse, Samantha ha."
At nakapasok na nga kami sa classroom namin, Science Class.
Tinititigan ko si Samantha. Talagang nakikinig sya. Ang amo ng mukha nya. Kita mo naman sa mukha nya na mabait at inosente sya.
Hindi ko na rin namalayan na hindi ako nakikinig sa prof namin.
Hinawakan ko ang kanang kamay ni Samantha na sobrang init. Maya- maya,
Anong nangyayari...? Okay lang ba si Samantha...? Bakit sya ganyan...?
Nang mahawakan ko ang kamay ni Samantha, mainit ang palad nya. Nang mga 17 seconds ko nang nahawakan ang kamay ni Samantha, may naramdaman akong parang kuryente na nagpatanggal ng kamay ko kay Samantha.
Nabitawan ko ang kamay ni Samantha. Hindi ko alam pero nahulog sya sa sahig. Nang mahulog sya, napatayo ako sa kinauupuan ko at nanginginig ng sobra. Nakita nang lahat ng classmates ko ang nagyari.
Habang nanginginig si Samantha sa lapag, may lumalabas na dugo sa mga mata nya. Sa sobrang sakit na, tumawag ang ibang classmate ko ng guards at dinala si Samantha sa clinic.
Bakit may lumabas na dugo sa mata nya? Bakit nanginginig sya? Anong nangyayari?
Nakapag- paalam ako kay sa Prof namin na ako ang mag- babantay kay Samantha. Nakatulog ako sa waiting area. Maya- maya, may lumabas na nurse na tinanong ako.
"Mr. Andrews, sa ngayon ang bestfriend nyo po ay may Eye Cancer. Sa katunayan, ay bago ito sa lahat ng mga sakit. I suggest na sa tunay na Medical Hospital kayo pumunta dahil isang normal na clinic lang ito. Alam nating lahat na bulag si Ms. Hulleza pero infection yan. Maaaring ikawala ng mata nya yan. At pag lalong lumala ang sakit nyang yan, baka pwedeng hindi na sya makakita kahit kailan. I suggest na magkaroon ng Eye Transplant sa kung sino man ang pwedeng mag- donate ng pair of eyes." sabi ng nurse.
Pumasok ako sa loob. Sa bedside chair. Wandering if Samantha could ever see me again. Makikita mo pa kayo ako? Ngayon na mahal kita?
BINABASA MO ANG
Heartbeats
RandomMaaalala kita kahit na bulag ako. Ano mang mangyari, walang makakapag-hiwalay satin. Darating din ang araw na makikita ko ang tunay mong anyo.