[Channel's POV]
Alam niyo ba kung ano ang pinakamahirap intindihin?
Hindi tao, hindi hayop, hindi bagay... o sige magbugtungan tayo dito! Di joke lang. :P
Pero seryoso... do you have any idea what it is? It's TIME.
Siya ang pinakamahirap intindihin because sometimes, we're running after it; other times, we want to keep it slow; but most of the time, marami siyang inaagaw na chances sa atin.
But then again, it makes me think. Siguro, time management ang pinakamahirap intindihin?? =)))) Ewan! Bahala na! Mamamatay rin naman tayong lahat eh! Hahahahaha. Naguguluhan na ako!!
Kasalanan 'to ni Migo e, e dito ba naman matulog?! =\
Ayan siya o! Nasa foam sa sahig. Pahamak!
Kung kayo ba, magkasama kayo sa isang kwarto, ano gagawin niyo? Irerape? 'Wag kang bastos ah! Bad 'yan!! HAHA. pero seryoso... hindi naman sa hindi pa ako sanay na magkasama kami ni Migo dito pero... sa sobrang napagkasanayan ko na, mas tumitindi lalo 'yung nararamdaman ko sa kanya. </3
This is not something new to me - having him here. But what's new is the feeling - it's always like it's the first time he's here with me, in my special place.
Idedescribe ko sa inyo 'tong kaanyuan ni Migo ha? HAHAHA. Grabe kung makapagsalita naman ako akala mo kung anong specie ni Migo. HAHA. =))
Gora! Idedescribe ko na. Siya! HAHAH.
Si Migo... may mga mata, ilong, mga labi, may dila, may mga tenga (tatlo pa nga) tapos may dalawang butas sa ilong (minsan nagdodoble) tapos may mga makakapal na kilay at may third eye. JOKE LANG! HAHA. Kawawa naman ang irog ko. HAHAHA. Ginawang laughtrip.
Eto na, totoo na talaga 'to... Si Migo, pag mahaba ang buhok niya medyo nagiging kulot. Oi. Totoo 'yan ah! 'Di na 'yan joke! Tapos... light brown 'yung kulay ng mga mata niya. He smells like downy! TRUE! E 'yun 'yung ginagamit sa mga tshirt niya't pantalon eh! Kulang nalang gamitin niya 'yun panligo sa katawan! HAHA.
Matangos ang ilong ni Migo, mana sa Nanay niyang namatay na. Hehehe. Ang bad ko. Pero dapat maging malungkot kasi patay na eh. Hehe.
Anyway, off topic tayo. Back to Migo. Singkit ang kanyang mga mata, minsan nga, sa sobrang singkit, feeling ko wala nang nakikita 'yan e. Kundi si Jessica nalang. Kainin nalang kaya niya si Jessica? >.< Matangkad si Migo, siyempre Yap kaya middle name niyan, kalahi ni James Yap! HAHA.
Pssh. Talented siya, sa sobrang talented niya hindi na niya alam kung saan talaga siya lulugar. Ako sa kanya biniyayaan na lang niya ako ng kahit konting talento niya para 'di na siya mahirapan. HAHA. Matalino din siya, alam niyo kahit tinutulugan niya 'yung Chem namin nung highschool e perfect pa din tuwing may quiz!
Jusme, ikumpara mo naman ang utak niya sa utak ko na parang utak ng sisiw?? >.< HAHA. Pwede ba ako nalang ang utak? HAHA. Chos. Ayan, lumalala ako dahil sa kakatitig sa kanya!
Matutulog na sana ako eh, kaso, alam niyo... pag may opportunity, 'wag nang sayangin! Sabi ko nga kanina, mahirap intindihin ang time. Ngayon, napatunayan ko na. Alam niyo kung bakit? E kasi, hindi ko maintindihan e sa dinami-dami ng mga araw na pwede siyang bumisita dito, ngayon pa? At sa ganitong oras pa? E di na 'ko nakapanuod ng Walang Hanggan!! Tssssk.
Pero nagpapasalamat ako sa Time... kundi dahil sa kanya, siguro... hindi ko makakasama si Migo ngayon. Alam niyo, pinapataba niya ang puso ko... di lang 'yun, binubusog pa niya ang mga mata ko. Chos! HAHA. =))
"Kung bakit kasi hindi ka marunong pumili ng babae?" Pabulong kong sinabi habang niyayakap ko ang spongebob ko na pillow. I changed my position, I rolled on my bed and then I looked at the ceiling with my back against the foam tapos inangat ko si Spongebob.