Paulit-ulit kong naririnig ang awiting "Kay Tagal Kitang Hinintay".
Shocks! Nag-aalarm na pala ang cellphone ko. Kaya pala panay ang tugtog nang kantang iyon.
OMG! It's only a dream. Panaginip lang pala ang lahat. Pero nararamdaman ko pa rin yung saya na nararamdaman ko sa panaginip ko.
It was a perfect dream
It was a perfect illusion.
Hindi pa ako bumangon kaagad kahit na kailangan ko nang kumilos para pumasok dahil Lunes na naman, panibagong araw sa Linggong ito.
I just checked my phone kung nagtext ba si Jasper, pero wala manlang siyang reply sa mga text ko kagabi.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?May problema ba tayo?" Text ko sa kanya dahil nag-aalala na talaga ako. Hindi man lang siya nag-update kung buhay pa ba siya o ano.
Haysss! Makapaghanda na nga para pumasok. Tatawagan ko na lang siya mamaya. Bulong ko sa sarili ko.
Nakarating na ako ng school pero hindi pa rin siya nagrereply. Nagpakaabala ako sa mga gawain.Nagkukunwaring busy pero ang isip ko ay na kay Jasper pa rin.
Bakit kaya? Ano bang problema niya?
Tatayo na sana ako para kumuha ng iinuming tubig sa canteen nang biglang tumunog ang phone ko.
One Message Receive:
"Wala naman sa iyo, nasa side ko ang problema, Hindi ko kasi alam paano sasabihin sa iyo ng maayos, ganito kasi iyon nag-aapply ako dahil ayokong for life na ganito lang ang buhay ko, kumbaga eh may kanya-kanya tayong pangarap, gusto ko munang maging stable ako bago pumasok sa next stage of life, ayoko sanang umalis nang may inaalala, nang may pressure, Hayaan mo munang maayos ko buhay ko, pang-unawa lang sana at maunawaan mo."
Mahaba niyang text at paliwanag. Nawindang ako sa mga sinabi niya at nagulat. Yung mga tanong ko noon pa ay nasagot na niya sa isang text lang.
"What do you mean na walang inaalala? Saan ka mag-aapply? Sa ibang bansa ba?Payag naman na ako kung yun ang gusto mo at napag-usapan naman na natin iyan before. Pero parang gusto mo makipaghiwalay.Iyon kasi intindi ko sa sinabi mo." Reply ko agad sa kanya at kabado ako, na sana mali ang nasa isip ko.
Hindi siya nagreply at nagsimula na ako sa klase ko.
Ano pang aasahan mo sa akin? Gaganahan pa ba akong magturo kung ganoon ang mga sinabi niya? Malamang lutang ako. Mabuti na lang at Item Analysis lang ang activity ko that day.
Vacant ko na after first period kaya nagtext na ulit ako sa kanya.
"Pakiexplain naman yung sinabi mo. Gusto mo bang makipaghiwalay?Pwede ba tayong magkita para mas mapag-usapan ito ng maayos?"
"Oo yun na nga, napipressure kasi ako sa iyo. WALA pa akong karapatang mag-asawa sa kalagayan ko ngayon. Huwag na tayo magkita dahil hindi naman na magbabago pa ang desisiyon ko.Huwag mo na lang sana akong kulitin.Dahil mahirap rin ang kalagayan ko ngayon. Pang-unawa lang hiling ko sa iyo."
"Bakit kailangan pa nating maghiwalay?Hindi ko makakaya na aalis ka at mawawalan tayo ng communication. Maghihintay ako sa iyo, hindi iyan pangako dahil gagawin ko talaga iyan-ang maghintay. Tanong lang Paghihintayin mo ba ako?" Naluluha na ako habang nagtetext sa kanya. Mabuti na lang mag-isa lang ako sa room dahil nasa MAPEH room ang mga estudyante ko.
"Huwag na, dahil kung sino naman talaga ang nakatadhana ay iyon na yun hindi na magbabago iyon." Pagmamatigas pa rin niya.
"Sige nauunawaan kita sa gusto mong mangyari. UUNAWAIN kita kahit masakit at mahirap. Mahal kita alam mo iyan. Nakakatawa lang kasi Nov. 14 ngayon, araw ng Monthsary natin pero araw rin ng pakikipaghiwalay mo. Ingatan mo sarili mo doon. Makakayanan mo ang hirap at lungkot doon."
Nauunawaan ko siya sa gusto niyang gawin sa buhay niya. Ang hindi ko lang maunawaan talaga ay bakit kailangan pa naming maghiwalay.
Hindi na siya nagreply sa mga text ko.
Maghapon akong walang gana, malungkot, pinipilit isinisiksik sa utak ko ang nangyayari.
Hindi ko na siya macontact o matawagan, kutob ko na naiblock na niya ako sa CP niya.
Nagmessage ako sa Fb at after few hours ay hindi na ako makapag message, malamang naiblock na rin niya ako.
Nang araw na iyon mismo ay pinutol na niya ang ugnayan namin.
Pagkauwi ko ng bahay ay nagkulong lang ako sa kuwarto at umiyak nang umiyak.
Mahal na mahal ko siya pero heto ako ngayon, binabalewala niya.
Gumamit ako ng ibang simcard para maitext siya.
"Sige na Jasper, mag-usap naman tayo. Mag-usap tayo ng personal, pag-usapan natin ito.''
''Usap naman tayo Jasper.Please,"
"Hindi ko ito kakayanin, ang iwan mo lang ako nang basta sa ere."
"Mahal na mahal kita Daddy!"
"SANA NOON MO PA SINABI PARA NAKAMOVE ON AGAD AKO!'
Sunod-sunod kong text sa kanya pero hindi na siya nagreply. Malamang naiblock na rin niya ang bagong number na ginamit ko.
...................................................................................................................
Author's Note: Hindi lahat ng relasyon ay perpekto..nyahahahaha.. walang poreber!
Choss lang.Maniwala lang sa goodness .
"God makes everything happen at the right time. Yet none of us can ever fully understand all He has done, and He puts questions in our minds about the past and the future."-
Ecclesiastes 3:11
Ang daming satsat ni Author, gusto lang magpa VOTE po niyan. (salamat mga bhe sa mga magbibigay ng kanilang votes.)
#EverythingHappensHasAPurpose
#MommyNiDaddy :(
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kitang Hinintay
No Ficción"NO BOYFRIEND POLICY!" Ang pinaninindigang policy ni Cassey Laroza, isang masipag na mag-aaral at transferee mula sa Maynila kaya nang mag-aral sa probinsya ay marami ang humahanga sa kanya. Marami rin ang nais na manligaw pero pambabasted lang ang...