Chapter 37

486 101 28
                                    

Author's Note: Hi sa mga makukulit at maiingay na estudyante ni  Bb.L :-) Kayo lang daw mga supporters niya hahaha. Kaya huwag niyo daw irereveal ang kanyang identity  baka dumugin ng mga fans. Hahaha.

Salamat sa mga nagbabasa at patuloy na sinusubaybayan ang buhay pag-ibig ni Ms. Cassey Laroza

God bless.

(Babala: Bawal po umiyak  ha! :-D )

~*~

Nagtext ako sa kapatid niya because I need someone to talk to, someone to lean on.

"Hi sis good eve." Reply agad ni Meryl,

"Tama ka sa sinabi mo before, gagawa nga ng paraan ang Kuya mo, kaya ayun kaya pala hindi pa siya diyan nakakauwe ay dahil nag-aapply siya ng work abroad."

"Haha. Sabi na po sa iyo eh!Gagawa ng paraan yan si Kuya. Saan daw siyang bansa? Reply ni Meryl.

"Hindi ko lang alam kung saang bansa.Kaso gusto niyang umalis na walang pressure at inaalala kaya nakipaghiwalay siya."

"Ha? Si Kuya nakikipaghiwalay sa iyo? Napakaimposible naman ng ganun."

"Ayaw niyang may inaalala raw habang wala siya dito.Pumayag ako para ipakitang nauunawaan ko siya"

"Halatang may trauma pa si Kuya sa past niya."

"Ganoon na nga rin ang iniisip ko." Pero ang unfair lang ni Jasper. Hindi niya dapat ako ikinukumpara kay Liza na ex niya. Hindi ko gagawin ang iwan siya habang nasa ibang bansa.

"Natatakot siyang mangyari ang nangyari noon sa nakaraan niya." Paliwanang ni Meryl na halatang dinadamayan niya rin ako.

"Kaya nga pero iba naman ako sa past niya. Hindi ko naman gagawin iyon. Sadyang wala lang siyang tiwala sa akin."

"Nag-mumuni-muni lang yun si kuya, wag lang niyang tagalan at hindi na kayo mga bata."

"Sana nga marealize niya na unfair ang ginawa niya sa akin.

"Unfair talaga, at sana maisip niya na mukha siyang tanga sa ginagawa niya."

"Haysss. Kakapit lang ako kay Lord at ipagdarasal lagi ang Kuya mo at bigyan ng guidance ni Lord. Sige sis tulog na ako." Paalam ko na sa kanya kahit alam ko naman na hindi ako makakatulog kaagad.

Hindi talaga ako nakatulog at nilamon lang ng insomnia ang buong sistema ko.

Nakita kong online si Liza, ang ex ni Jasper na nasa Israel na ngayon.

"Hi, good evening. Kamusta?" Pambungad na message ko sa kanya.

Oonga pala, friends kami ni Liza. Awkward ba? Si Past at si Present sa buhay ni Jasper ay friends sa fb at nagkakausap.Malamang masasabihan mo rin ako na "I am a weirdo".

Well, ako lang kasi yung taong hindi nagpapakulong sa nakaraan, Let's forget the past and continue to move on. Unlike ni Jasper na nalaman kong may galit siya kay Liza dahil nga sa panloloko ni Liza noon.

Kaya heto ako, hinanap ko siya last August sa Facebook para makausap na rin. Nagpapaka-good Samaritan na gusto ko magkaayos silang dalawa, I mean, mawala na yung galit ni Jasper kay Liza, ayoko kasi maging bitter si Jasper eh!

Mula noon madalas na kami nagkakamustahan ni Liza, sinabi ko rin sa kanya yung pag-iwas-iwas sa akin ni Jasper.

Nakablock si Jasper sa fb ni Liza dahil utos daw ng boyfriend niya para makamove on daw agad siya dati ,pero noong nagsabi ako na umiiwas na si Jasper sa akin ay nai-unblock niya para makapag message siya, at humingi ng sorry.

Kay Tagal Kitang HinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon