Chapter 38

420 103 21
                                    

Tumuloy pa rin ako.

Bahala na talaga si Batman! Haharapin ko ang galit ni Jasper, ang mahalaga ay makausap ko siya!

Sinunod ko ang instruction ni Liza kung paano ako makakarating sa Pasig, kung ano ang sasakyan ko, kung saan ako bababa at kung ano ang mga palatandaan na malapit na ako kina Ate Flor.

Pagkadating ko ng Pasig, medyo nalito na ako sa daan kaya tinawagan ko si Ate Ericka para magtanong kaso naka off ang cellphone niya.

Tinatawagan ko rin si Ate Flor kaso hindi naman sinasagot ang tawag ko.

Hindi rin online si Liza para magtanong ulit ng direction dahil baka maligaw ako.

Last chance ko na makausap ay si Mama. Ipapaalam ko na pupunta ako sa Pasig at nasa Pasig na ako.

"Hello po. Ma. Itatanong ko lang po kung saan banda ang bahay ni Ate Flor. Andito na po kasi ako sa Pasig"

"Nandiyan ka pala sa Pasig. Alam ni Ate Flor mo na pupunta ka?"

"Opo, alam niya po pero si Jasper po ay hindi alam.Hindi ko po ipinaalam."

"Pagkababa mo ng tricycle may makikita kang Tambunting, yung hagdan pababa doon magtanong tanong ka lang kung saan ang bahay ni ate mo. Madali mo na mahahanap iyon."

Sumakay ako ng tricycle na nakapila sa malapit sa ilog Pasig.

Tumawag na ulit ako kay Mama.

"Hello p Ma!Nasa tapat na po ako ngayon ng Tambunting Pawnshop, mamaya-maya ay lalakad na ako.Gusto ko lang po kasi makausap si Jasper Ma. Nakikipaghiwalay na po kasi siya at ayaw niya na pumunta pa ako dito o makipagkita pa."

Wala na akong choice kundi sabihin sa Mama ni Jasper ang totoo.

"Ano?At bakit daw? Hindi naman maari ang gusto niyang mangyari, hindi naman ganoon kadali nawawala ang feelings."

"Gusto raw po kasi niya munang maging maayos ang buhay niya. Ayaw niyang may maiiwan o isipin dito sa Pinas kung sakaling matutuloy na siya mag-abroad."

"Hay siya na. Halatang hindi pa rin nga siya nakakalimot sa nangyari sa kanya noon. Na wala pang isang taon ay ipinagpalit siya." Sapantaha ni Mama kung bakit ganoon si :Jasper, pare-pareho kami ng nakikitang dahilan.

"Pero nahhihiya rin siguro kasi siya sa pamilya mo Cassey, ano nga naman siya. Ano siya? Wala nga naman siyang trabaho, sana nauunawaan mo rin si Jasper." Dagdag pa ni Mama.

"Opo. Sobra ko po siyang nauunawaan, naiintindihan ko po kung bakit siya ganoon. Nilalawakan ko po ang pag-unawa ko. Alam ko naman po kasi ang lahat ng nakaraan niya at pangit na karanasan." Sagot ko kay mama habang naglalakad malapit sa Tambunting Pawnshop

"Kausapin mo siya para magkaayos kayo."

"Opo Ma kaso natatakot po ako sa kanya, natatakot po ako na magalit siya kapag nakita niya ako ngayon." Totoo naman natatakot ako at kabado na baka magalit siya at ipagtabuyan ako.

"Ay hindi naman ganyan yang si Jasper, hindi naman sira ang ulo nun para gawin sa iyo yan." Nagpalakas ng loob ko ang sinabi ni Mama.

"Sige po ipagtatanong ko na po ang bahay ni Ate Flor."

"O sige, ikaw na bahala diyan."

LUMAPIT ako sa nagtitinda ng dalandan na nasa tapat ng hagdan pababa sa lugar na pupuntahan ko.

"Derecho ka lang diyan at kumaliwa, may tindahan kang makikita at katabi na noon ang bahay ni Flor." Pagbibigay instruction ni Manong nang magtanong ako ng daan.

Bumaba na ako ng hagdan at binaybay ang eskinita. Dikit-dikit ang mga bahay na nadadaanan ko. May mga kabataan akong nakita at nagtanong.

"Magtatanong lang po,saan po dito ang bahay ni Ate Flor?"

"Ay doon po ate yung nasa dulong bahay."

"Salamat po." Naglakad na ako at napansin ko na nakasunod ang mga bata at ang binatilyong pinagtanungan ko.

"Dito ba?" Tanong ko sa binatilyo.

May batang nakatambay sa labas ng bahay.

"Ayan ate, anak ni Ate Flor iyan."

"Ah sgie. Ikaw ba ang anak ni Ate Flor?"

"Opo" Sagot ng batang may katabaan na tila naguguluhan.

"Nasaan ang tito Jasper mo?" Tanong ko kaagad dahil malamang ay pamangkin siya ni Jasper.

"Ha? Sino pong Tito Jasper? Hindi ko po siya kilala.

Ako naman ang naguluhan. "Anak ka diba ni Ate Flor, Flor Pizarra yung asawa ni Kuya Barrie."

"Ahh, si Ate Cheche. Yung asawa ni Kuya Barrie. Dito po ang bahay nila." Sagot ng binatilyo na nasa likod pa rin. Sinundan ko na siya at itinuro ang bahay ni Ate.

ANg epic lang nang pagtatanong ko.Maling tao pala ang nilapitan ko. 

"Ate Cheche may naghahanap po sa inyo." Tawag ng binatilyo at umalis na.

Nasa tapat ako ng bintana na may manipis na kurtina kaya nakikita ko ang loob at nakita ko si Jasper na nakaupo at nanunuod.

Kinabahan ako bigla pero andito na ako uurong pa ba ako. Tapusin ang sinimulan ko.

Lumabas ng bahay si Ate che. Nakita ko sa mukha niya ang pagtataka at alam ko na nagtatanong siya sa isip niya kung sino ako.

"Ate Flor,." Tawag ko sa kanya at hinawakan ang kamay para makalabas siya ng tuluyan sa pinto.

"Ako po ito ate, si Cassey po." Tumingin ako kay Jasper na tanaw namin sa loob. "Yung GF po ni Jasper."

"Ah ikaw pala iyan, akala ko kung sino eh." Natatawang sabi ni Ate. "Akala ko may maniningil na sa akin hahaha." Dagdag pa niya at napagkamalan pala akong naniningil ng kung anuman.

"Halika pasok ka." Inaya na niya ako sa loob at nauna siyang pumasok. "Jasper may bisita ka."

Hindi pa muna ako agad nakapasok pagkarinig ko sa boses ni Jasper.

"At sino naman ang bisita ko?" Narinig ko ang boses ni Jasper.

Nadagdagan ang nararamdaman kong kaba nang marinig ko ang boses niya.



Kay Tagal Kitang HinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon