Wonwoo
"Nabalitaan ko kay Jun dumating na daw si Mingyu." napayuko ako nung sinabi sakin yan ni Doctor Makafuno. Kinakabahan ako sa dapat mangyayari. Kinakabahan ako sa susunod na sasabihin niya.
"Totoo ba?" tumango nalang ako habang nakayuko.
"Alam mo naman siguro ang kapalit kung nanatili ka sa tabi niya diba?" tumango nalang ulit ako.
Putangina.
Oo alam ko. Di na kailangan ulit ulitin kasi mas nasasaktan pa ako. Mas nahihirapan pa ako.
"Wonwoo tanga ka ba? Ay oo nga. Tanga ka nga talaga. Diba sabi ko lumayo layo ka kay Mingyu?! Buhay mo ang kapalit—"
"Alam ko at wala akong pakialam! Mahal na mahal ko si Mingyu kahit pa na buhay ko na ang kapalit, wala akong pakialam." huminga ako ng malalim dahil nahihirapan nanaman akong makakuha ng hangin.
"Wonwoo malala ka na."
"Doc. Alam ko..." nanahimik siya at umiling.
"Mas iba ngayon. Pwede ka ng makalimot pag nasobrahan ka sa saya o sa lungkot... Panandaliang kalimot lang naman. Pero kakayanin mo pa ba kung ang taong mahal mo ay makakalimutan mo na rin?" para akong nanlumo sa sinabi niya. Putanginang sakit kasi to.
"Doc yan lang ba ang sasabihin mo?" tumango siya habang tinitignan ako ng maigi sa mata.
"Salamat po." tumayo na ako at lalabas na sana pero may sinabi siyang nag patigil saakin
"Kung ako sayo sabihin mo na kay Mingyu habang maaga pa. Lumalala ka na... Possibleng iwan ka nalang ulit niya sa ere."
BINABASA MO ANG
Nostalgia •Meanie•
Fanfiction[HALF EPISTOLARY] "Wonwoo, bumalik ako kasi mahal parin kita..." Book 2 of Seen