Chapter 1
3:00 - 3:30 wake-up and exercise
3:30 - 4:00 tapos na kumain/maligo/magbihis
4:00 - 4:30 travel time to work
4:30 - 8:00 Janitor sa school
8:00 - 12:00 dishwasher/waiter sa cafeteria
12:00 - 12:30 lunch break
12:30 - 1:00 assignments, projects, read and study
1:00 - 5:00 class hours
5:00 - 5:30 uwi sa bahay
5:30 - 6:00 early dinner
6:00 - 10:00 sleep
10:00 - 1:00 bartender
1:00 - 3:00 sleep uli
Haaay... Ano pa kaya ang nakalimutan kong isulat? Anong oras na ba? Mamaya nalang ako matutulog sa klase ko... hehehe...
"Ano bang sinusulat mo diyan ha?"
Hindi ko napansin na dumating na pala si Mrs. Dean... Hala! alas otso na pala...
"Bye po Maam Dean..." sabi ko sa kanya habang itinatago ang pinagsusulat ko. Naaliw ako sa ginagawa ko kaya nakalimutan kong meron pa pala akong gagawin sa cafeteria...
"Hoy Carlos... huwag mo masyadong papagurin ang sarili mo ha!" sigaw pa niya.
"Yes maam..." at tumakbo na ako papuntang cafeteria. Ang dami ko palang ginagawa sa isang araw noh? tsss...
Mamaya isusulat ko naman ang schedule ko para sa TTH at ang schedule ko rin kapag weekends... Haaay...
"Late ka na naman!" bungad ni Aling Maria pagpasok ko sa likod ng kitchen. Grabe naman siya kung makatingin parang ang sama-sama ko na. Hindi naman ako late kahapon ah...
"Tumatanda na kasi," bulong ni Adi. Siya nga pala ang palagi kong kasama sa kusina.
"May sinasabi kayo? Tigil-tigilan nyo na nga ang pagbubulungan dyan at marami na tayong customers..."
Umalis na rin si Aling Maria... Eh dalwang minuto lang naman akong late ah! Mabuti nalang at nandito na si Adi na nagpapagaan ng umaga ko. Haaaaaaayyyy... Ang ganda niya at ang bait pa.
"Halatang puyat ka na naman ah! Saan ka ba pumupunta tuwing Linggo?"
Bakit sasama ka? Hehehe... pero hindi ko naman kayang sabihin iyon. T__T may boyfriend na kasi si Adi eh... at bawal siya sa Bar dahil minor pa siya...
"Ha? Eh nagtatrabaho ako."
"Ang sipag mo naman. Ang swerte siguro nang mapapangasawa mo..."
Grabe naman si Adi kung makangiti... huhuhuhu... ang hina ko kasi sa mga babae kaya ayon nauhan tuloy ako ng iba... pero ayos lang kasi kasama ko siya sa buong umaga ko.
"Hoy!" sweet na pambabatok ni Adi.
"Ha?"
"Nag-iimagine ka na naman eh! Ano ba iniisip mo? Babae? baka matulungan kita... Sige na bes... ang dami-dami kayang gustong hingin ang number mo sa akin... kaya lang hindi ko binibigay sa kanila."
BINABASA MO ANG
Cupid's Heart [Major Revisions]
HumorWhat if one day malaman mong totoo pala ang mga anghel at nandito lang sila sa lupa? What if you realized you have fallen to an angel? Pero bigla mong malaman na hindi pala kayo pwede... Hindi pwede dahil Anghel siya samantalang ikaw naman ay anak n...