Chapter 11

70 4 0
                                    

Shar's POV

Nandito kami ngayon sa classroom nakikinig lang sa teacher namin.

*ringgggg*

Yes! Recess na! Lumapit na ang barkada.

"Shar hindi kami sasabay nila Jai at Kobi ha. May gagawin kasi kami eh." Mika

"Okay." Lumabas na silang tatlo.

"Nako Shar, kami rin nila Andre at Nash hindi makakasabay kasi may gagawin din kami." Alexa

"Okay." Umalis na din silang tatlo.

"Oh kayong 8 baka may gagawin din kayo?" Tanong ko kila Joaquin.

"Hehehe.. Shar.. hindi din kami makakasabay kasi may gagawin din kami eh." Raine.

"Okay." Nauna na akong lumabas ng room. Ano bayan. Ako lang mag isa. Pumunta nalang ako sa Canteen para bumili ng makakain ko. Pagkatapos kong bumili ay pumunta nalang ako sa Garden. Bihira lang naman ang pumupunta dito. Umupo nalang ako sa isa sa mga bench dun.

3rd Person's POV

Habang nakaupo mag isa si Sharlene sa bench ay napansin sya ng grupo nila Francis. Si Francis ay nanligaw kay Shar pero binusted nya ito dahil nga sa pagmamahal ni Shar kay Joaquin. Kasama nito ang kanyang pinsan na si CJ. Nagtaka sila Francis kung bakit mag isa lang ngayon si Shar lagi kasi nyang kasama ang mga kaibigan nya. Lumapit sila Francis kay Shar.

"Oh insan bat mag isa ka lang? Nasan mga kasama mo?"

"Uy kuya CJ. Ah may gagawin daw sila kaya hindi sila sumabay."

"Teka, bumili ka ba sa Canteen? Ilang beses ko bang sabihin sayo na wag kang bibili sa Canteen diba?"

"Eh kuya CJ nakalimutan ko baon ko eh. Wag mo kong sumbong kay mama."

"Aish.. oo na."

"Ah Shar tutal wala ka namang kasabay gusto mo bang sumabay nalang samin?" Alok ni Francis.

"Nako Francis dumadamoves ka nanaman." Pang aasar kay Francis ng mga kaibigan dito.

"Ah wag na. Ok lang ako." Medyong awkward na sabi ni Sharlene.

"Ay oo nga pala. Ah Francis dito ka muna may pupuntahan lang kami. Samahan mo muna si Shar ha."

"Huh? Bakit ako?"

"Saglit lang to. Samahan mo muna para may kausap. Ok lang diba Shar?"

"Okay lang naman sakin kuya CJ."

"Oh yun naman pala eh. Sige ha una na muna kami."

"Sige" sabay na sabi nila shar at Francis. Katahimikan ang bumabalot sa kanila ngayon. Una nang magsalita si Francis.

"Ah kamusta ka na Shar?"

"Ok lang naman. Ikaw kamusta na?"

"Okay lang din. Si Joaquin pa rin ba?"

"Huh?"

"So Joaquin pa rin ba yang nilalaman ng puso mo?" Hindi agad nakasagot si Shar.

"Mukhang alam ko na ang sagot. Eto lang tatandaan mo Shar, nandito lang ako lagi sa tabi mo. Pag walang sumalo sayo, ako nalang ang sasalo. Sana sakin ka nalang nahulog para nasalo kita agad."

"Francis ala--"

"Oo alam ko. Friends lang tayo. Dahil mahal mo si Joaquin."

"Salamat Francis." At niyakap ni Shar si Francis. Hindi nila alam na nakita sila nila Joaquin.

Falling In Love with my BestfriendWhere stories live. Discover now