Malakas ang lagaslas ng hangin na sumasampal sa maninipis kong balat habang nakaupo sa sulok ng balkonaheng ito, tulala, walang emosyon ang mga mukha at animo'y balisa.
Ilang segundo lang ay nagsimula ng pumatak ang malalaking butil ng ulan na tila ba'y sumasabay sa direksyon ng hangin.
Lumingon ako sa ibaba upang tanawin ang tila nag uunahang mga sasakyan sa bilis. At hindi nag atubiling magpatihulog mula sa labing anim na palapag ng gusaling ito.
Ngunit sya namang pagkagulantang ko ng maramdaman ang mga bisig na nakayakap sa aking tiyan kasabay ng mga salitang "Hayaan mo siyang mabuhay." Ramdam ko ang mainit na hininga sa aking batok na syang nagpatindig ng aking mga balahibo sa buong katawan.
Nabigla ako at agad na lumingon, ngunit kasabay nito ay mabilis din nawala ang mga bisig na nakakapit sa akin.
Sa sandaling iyon, naisip ko ang mga bagay na nararapat ko pang gawin at manatili sa impyernong ito.
BINABASA MO ANG
Quod Poena: The Punishment
Horror"We lie best when we lie to ourselves." -Stephen Kings Ano nga ba ang nararapat na hatol sa bawat kasalanan ng tao? Sa mga kasinungalingan na pilit pinagtatakpan at sa karahasan na nakatira sa isip ng bawat isa. Paghihirap? Karma? O Kamatayan? Ikaw...