Dems
"Hoy bakla!"
"Bakla!!!"
"Baks!!!!Demi Girl!!!" Paggising ni Toni mula sa aking mahabang pagkatulala.Anu ba yan istorbo.
" Yes? Bakit Toni Girl?" Ang sagot ko sa kanya na may pagkainis ng very vey light.
"Hala siya oh. Ikaw na ang binuhay mula sa pagkakahimaly, siya pa ang gakit galitan?Ang totoo teh?NaraPE KA na naman ba ng mga adik sa eskinita at tulaley ka?" ang mahabang litany ng bruha.
" Sira ka talaga.Hello mukha ba akong narape?o baka naman ikaw yung narape.ikaw ata may pangarap nun sa ating dalawa.kutusan kita eh."
"So ano nga? Spill it out." Npabuntong hininga muna ako bago ako nagsalita.
"He ask me on a date."
"WAHHHHHHHH."Sabay hampas niya sa aking braso.Aray ah. Kung di lang ito babae kanina ko pa ito binigwasan.
"Kakilig!!!!WAHHHHHH" sabay sabunot sa aking buhok.Aray ko talaga.kapag ako napuno ilalagay ko toh sa drum at itatapon sa kalaliman ng ilog pasig...grrrr
"Aray ko teh. Masakit na. Aray,Aray Aray!!! ( nora aunor).
"sorry naman baks.Kinilig lang ako.Oh eh di may date ka na.Buti ka pa may date.Saan ang date niyo?Sogo Hotel?"
"Bastos ka tlaga.ahahaha.Malamang dinner yun.pepektusan na kita eh.wala ka talaga sa wisyo mo.Baka Gutom ka lang.Ikain mo na yan. Isama mo na ring kainin yang mga papel na tsinetsekan mo para di mo ako ginagambala."
'Oh eh bakit bigla kang sumimangot dyan?Huy bakla wala pang holy week." Tanong niya sa akin.
"Napag-isip ko lang kung dapat ba akong pumayag.Eh paano yung may-ari ng singsing ko?"
" sino? Si vince? Buhay pa ba yun?Hello teh eh nawala ngang parang bula ang jowa mong bakulaw.Makaisip ka pa dyan na akala mo may communication kayo.Kung yang si Vince ay maayos talaga eh di dapat nandito na yan. Antay pa ba?gising gising din teh.Baka nga nag-asawa na yan kaya di bumabalik sa pilipinas." Wow ah.Dami niyang sinabi. Pero oo nga noh baka nga ganuun din ang possibility.Matagal ko na ring yang naisip pero di ko lang pinapansin.Ayaw ko lang paniwalaan kasi wala akong sapat na ebidensiya. Even mommy at daddy niya hindi din nagsasabi.Ayaw magsalita tungkol sa kanya.
" Well I don't know Toni kung nasaan man siya.I don't know pero di naman masama kung lalabas ulit kami" ang sabi ko sa kanya.Siguro dapat ko talaga makausap ang parents niya.Gusto ko rin naman kasing malinawan.
---
"Dems anak its nice to see you again.Namiss kita sobra." Yakap sa akin ni tita Vina nang Makita niya ako.Yup.dito ako dumiretso sa kanila after ng work ko.Gusto ko na kasi malinawan sa mga whereabouts ni Vince.
"I miss you too tita.Sorry po ngayon lang ulit ako napadalaw sa inyo.Nasaan po si Tito?eh si Kuya Vlad po?" ang tanong ko sa kanya.
"Naku alam mo naman ang mga boys ko masyadong busy. Si tito mo OT sa opisina.Si Vlad naman ayun kasama ang girlfriend niya. Baka parating na yun. Ang sabi niya ditto siya kakain eh.Oh anak ditto ka na magdinner ah.Tatawagan ko na lang si mama mo tapos papahatid kita sa driver para safe kang makauwi.ok?" Naku talaga si tita palaging ganyan yan sa akin tuwing nagpupunta ako ditto.So protective. Parehas talaga sila ni Vince.
"Ok po.wala naman po ako magagawa eh basta ikaw po ang magrequest ay okay na okay po sa akin tita Vina."
"Demsky!!!" sabay gulo ng buhok ko.Anu ba yan talaga.Wala na magawang matino tong lalalking ito. "Kamusta na ang prinsesa ng pamilya namin?" "Kuya Vlad naman oh,magulo na tuloy ang buhok ko.Lagi ka nalang ganyan" sabay pout ng nguso ko. "Don't be pikon princess,jowk lang naman yun.Ikaw talaga ang pikon mong bata ka." Hay naku Kuya Vlad is Kuya Vlad. So bully.Lagi nga sila nag-aaway niyang si Kuya Vlad and Vince kapag pinipikon ako ni Kuya Vlad kaya ang ending kapag di nakaharap ang mahal ko saka lang siya nakakapang-asar.
Sa Dinner...
"Kain ka ng kain ah. Huwag mahihiya Dems ah.Mukha ka na kasing nangangayayat." Sabi ni tita Vina. Pinagloloko ba ako ni tita?Ako nangangayayat?huh?
"tita naman eh. Nananaba na po ako.Na-iistress po kasi ako ngayon sa trabaho." Ang sabi ko sa kanya.
"Dems naku magagalit si Vince sa amin niyan. Eh di ba bilin niya sa amin na wag kang pababayaan. Ayaw pa naman nun na mukha kang may sakit." Napatahimik ako nang wala sa oras. Kahit si tita Vina ay nabigla sa kanyang nasabi. " Dems anak sorry.Alam kong hanggang ngayon ay wala kang balita sa kanya. Gusto ko man din sabihin pero diko rin alam sa kanya ang dahilan nito pero anak huwag ka sanang bumitaw pa sa anak ko. Mahal ka niya sobra."
"Kaya pop ala tita until now floating ako?" Di na napigilan ng luha kong umagos. "Tita di ko kasi alam kung babalik pa siya. Nangako kasi siya sa akin na walang magbababgo, na babalik siya.Pero until now, 3 years na po ang lumipas pero wala pa rin siya." Naramdaman ko ang mga bisig ni tita vina trying to ease the pain o baggage na meron ako ngayon.
"Sssshhhhh. Tahan na Anak. Patawarin mo ako at ni Tito Vic mo kasi sa pagkukulang ko sa iyo.Humihingi rin ako ng paumanhin dahil sa ginagawang kalokohan ni Vince sayo." Ang paghingi sa akin ng paumanhin ni Tita Vina.Nararamadaman ko na rin ang pagtulo ng luha niya dahil sa nabasa na ang kanang bahagi ng aking balikat.
Matapos ang aming mala-MMK na moment namin nila Tita Vina ay hinatid ako nang tahimik ni kuya vlad sa aming bahay. Nang makarating ako ay nagpaalam na ako kay kuya Vince. Hinintay kong makalayo ang kotse nito bago ako pumasok. Haizt. Sana nga vince may dahilan ka kung bakit ganito ang nangyari sa atin. Sana kayanin ko pa.
BINABASA MO ANG
ikaw at ako
RomanceDating masaya ang relasyon nila Demas at Vince ngunit magiging ganun pa rin ba ang kanilang pagtitinginan kung dadating ang lalaking magiging sandalan ni Dems habang si Vince ay ilang taon nang di nagpaparamdam dito. eto ay ang kwentong kabaklaan ni...