Alam ni Anna sa sarili niya na ngayon na ang tamang panahon na dapat gawin niya ito dahil kung hindi, baka mahuli na ang lahat. Bitbit ang isang maliit na maleta, dahan-dahan siyang bumaba sa may dalawampung baytang na hagdan. Marahan niyang binuksan ang pinto ng malaking bahay at maingat na lumakad palabas.
Tamang-tama namang nagroronda ng buong bahay ang security guard kaya hindi nito namalayan ang pag-labas ng gate ni Anna.
Malalim na ang gabi at tahimik ang paligid, tanging mga huni ng kuliglig ang siya lamang nagbibigay buhay sa lugar na iyon.
Mabigat man ang maliit na maletang iyon na may laman ng mga pili niyang damit at gamit at konting naipon, pinilit pa rin niya itong bitbitin ng maingat.
Ganoon na lamang ang buntong hininga ni Anna ng makitang nasa labas na siya ng kanilang bakuran, pakiramdam niya ay malapit na niyang makamtan ang kalayaan. Lumakad siya papalayo ng kanilang tapat at tumungo sa tagpuan kung saan niya hihintayin si Elaine, ang matalik niyang kaibigan.
Ilang minuto lang ay isang pamilyar na pulang sasakyan ang huminto sa kanyang harapan. At ng bumukas ang bintana nito ay bumungad ang nakangiting kaibigan.
"Salamat naman at dumating ka na. Akala ko hindi ka na darating." Ani Anna habbang bitbit ang maletang lumapit dito.
"Sa totoo lang Anna, pinag-isipan kong mabuti kung pupuntahan kita rito, hindi ko talaga alam kung tama ang gagawin mo, pero dahil sa naisip ko na kaibigan mo ako at nangako akong sisiputin kita, heto narito ako ngayon." Marahang sabi ni Elaine.
Hindi napigilan ni Anna na ngitian ang kaibigan. Ngiti ng pasasalamat.
"Sigurado ka na ba talaga?" muling tanong ni Elaine.
"Hindi na magdadalawang isip." Sagot ni Anna.
"Okay, fasten your seatbelt then."
At pinaandar na ni Elaine ang makina ng sasakyan. Tiningnan niya ang kaibigan at nakita niya sa mga mata nito ang sinseridad na lisanin ang lugar na iyon, ang lugar na papatid sa kanyang mga pangarap.
"Saan ngayon ang punta mo?" tanong ni Elaine.
"Sa Baguio."
"Baguio? May kakilala ka ba doon?"
"Wala nga eh, hindi ko pa nararating ang lugar na iyon sa totoo lang."
"Bakit ka doon pupunta?"
"Dahil walang makakaisip na doon ako pupunta. Maliban a lang kung sasabihin mo." Pagbibiro niya kay Elaine.
"Ano ka ba naman Anna, sasamahan ba kita sa istasyon ng bus kung sasabihin ko rin naman sa mga magulang mo kung saan ka pupunta."
"Salamat Elaine," ani Anna at niyakap niya ng mahigpit ang kaibigan.
"Tigilan mo muna iyan, baka mabangga tayo." Ani Elaine. "Kailan ka babalik?" Dugtong na tanong nito.
"Hindi ko alam, siguro pagkatapos ng isa, dalawa, o kaya tatlong linggo, o kaya higit pa, hindi ko alam." Naguguluhan niyang sabi. "Sa totoo lang Elaine, ang lumayo sa lugar na ito lang ang tanging nasa isip ko ngayon. Basta makaalis ako. Kung ano man ang mga susunod na mangyayari, bahala na."
"Hindi mo ba iniisip ang magiging outcome ng gagawin mo?" tanong ni Elaine.
"Hindi ko na iniisip iyon." Sagot niya.
"Eh kay Mark, hindi ka ba naaawa sa kanya? Napakabait na tao niya sa iyo."
"Alam ni Mark na mula noon pa, hindi ko siya mahal, kaibigan lang ang turing ko sa kanya. At alam niya rin ang dahilan kung bakit ako gustong ipakasal sa kaniya ng papa."
"Alam niya?!" Tila di makapaniwalang tanong ni Elaine.
"Oo." Ani Anna.
"Pero patuloy pa rin siya at pumayag siyang mag-pagamit?"
"Oo." Ani Anna.
"Talagang mahal ka nga niya. Kawawa naman ang loko."
"Kahapon nga kausap ko siya, sinabi ko ang totoo, sinabi kong baka maging miserable lang ang buhay niya sa piling ko, pero sabi niya, okay lang basta kasama lang niya ako. Kaya ako man, naaawa na rin sa kaniya."
"Dapat lang, aba nagpaka-martir ang gago."
"Kaya nga noon, iniisip ko rin na masuwerte ang mapapangasawa ni Mark."
"Masuwerte talaga, ewan ko ba sa iyo," ani Elaine. "Bukod sa guwapo siya at mayaman, mahal ka niya. Ano pa nga ba ang hahanapin mo sa kanya? Mukha namang nasa kanya na ang lahat ng katangiang kailangan ng isang babae para lumigaya."
"Elaine," ani Anna.
"Nagsasabi lang ako ng totoo. Huwag mo sanang pagsisishan ito pagdating ng panahon." Pagpapa-alala ni Elaine kay Anna.
Makalipas ang ilang minutong biyahe ay dumating na rin sina Anna at Elaine sa istasyon ng bus.
"Anong oras ba ang alis mo?"
"Alas-otso pa bukas ng umaga."
"Huwag mong sabihing tatambay ka lang dito buong mag-damag?" gulat na tanong ni Elaine.
"Hindi naman. Umupa siyempre ako ng kuwarto doon sa maliit na motel na iyon." Ani Anna sabay turo sa maliit na motel sa tapat ng istasyon ng bus.
"Ikaw lang mag-isa? Gusto mo bang samahan kita hanggang maka-alis ka bukas?" ani Elaine.
"Huwag na, baka doon tayo mabuking. Malamang iisipin nilang tayo ang magkasama. Mas mabuting umuwi ka na, mag-pahinga ka, magpaganda ka, kunwari wala kang alam sa nagyari, pumunta ka sa bahay na suot na ang bridesmaid's gown. Hintayin mo na lang ang tawag ko sa'yo.
Tumango lang si Elaine.
"Paano, hanggang dito na lang." Ani Anna at niyakap ang kaibigan.
"Mami-miss kita."
"Mami-miss din kita."
"Babalitaan mo ako kung ano na ang nangyari sa'yo."
"Ako ang balitaan mo kung ano ang nangyayari sa amin.
"Sabihin mo sa akin kung saan ka naroroon ng masulatan kita." Ani Elaine at hindi na nito napigilan ang pag-patak ng luha.
"Susulatan kita." At hindi na rin napigilan ni Anna ang pagluha.
"Mag-ingat ka."
"Ikaw ang mag-ingat, ikaw ang walang kakilala sa lugar na iyon." Bilin ng kaibigan at niyakap siya nito.
Ginantihan naman niya ng mas mahigpit na yakap ang kaibigan.
"Basta ha, kung anong kailangan mo, kahit na ano, makakausap, pera, o kahit face powder, tawagan mo lang ako." Pagbibiro ni Elaine.
"Salamat," ani Anna.
Matapos ang lahat ng dramahan, ay umalis na si Elaine. At pumunta na si Anna sa motel na tutuluyan niya.
"Sa wakas," ani Anna sa sarili ng maramdaman niyang sa wakas ay malaya na siya kahit na alam niyang pansamantala lamang ito.
Hindi man siya inaantok pa ay pinilit pa rin niyang makatulog, kinakailangan niyang gumising bukas ng maaga upang hindi siya maiwanan ng biyahe.
BINABASA MO ANG
A Summer To Remember
Teen FictionMay isang tag-araw na hindi makakalimutan si Anna..