"Bespreeeenn!!"
Ayan na naman siya at guguluhin ako. Narinig ko siya kahit naka-headset pa ko . Hindi naman gano'n kalakas yung sounds. Nakalapit na siya at umupo na sa tabi ko . Andito kami ngayon sa kalsada nakaupo sa tinatambayan ko sa labas lang ng bahay namin.
"Hoy bespren kausapin mo naman ako , kanina pa kita tinatawag hindi mo naman ako pinapansin . Ano ba yang ginagawa mo? Alam ko naman naririnig mo ko eh. " sabay silip nya sa cellphone ko.
Nakayuko kasi ako at abala sa pagkatikot ng cellphone.
"Hahaha. Sige ipagpalit mo ang bespren mo sa ambisyosong itlog na yan na gusto ng lumipad." sabay takip nya ng mga palad nya sa screen ng cp ko.
Tinignan ko siya ng masama. Nakakainis kasi eh. Na-game over tuloy ako. Pinatay ko na yung sounds at tinanggal yung headset sa tenga ko.
"Bakit ba?" tanong ko sa kanya.
"Namiss lang kita , ayaw mo ba?" nakangiti nyang sabi.
"Ano na naman kaylangan mo ha Naj-naj?"
"Naj-naj? Bespren dapat di ba? O galit ka na na'yan?"
"Nakakainis ka kasi eh 55 na yung score ko eh tapos na-out tuloy haist! "
"Sorry na malay ko bang seryoso ka sa tangang ibon na yun."
Tinignan ko siya at inirapan.
"Bespren, flappy bird lang yan hahaha ,next time mo na lang laruin."
"May magagawa pa ba ko eh anjan ka na at ginulo ako "
Pinakalma ko muna ang sarili ko . Hinga ng malalim.
"Oh bakit ka nga nandito?" tanong ko ulit sa kanya.
"Kailangan ko kasi ng tulong mo. At alam ko naman na hindi mo ko tatanggihan." panimula niya.
"Ano ba yon, sabihin mo na agad."
"Magde-date kasi kami ni Kara ,eh hindi ko alam kung saan kami kakain . Alam kong sa plato , pero saang lugar . Kung sa karinderya ba o sa mga fast food chain.Yun ang problema ko sa tingin mo saan dapat? "
"Pinoproblema mo yun samantalang ako hindi mo manlang mailibre ng fishball" pagtatampo ko sa kanya
"Eto naman wag ka ng magtampo , promise pag sinagot na niya ko ililibre talaga kita."
Si Kara yung nililigawan nya almost 6 months na syang nagpapakatanga dun. Maganda , sexy , matalino , maputi at malandi yan ang description ko sa babaeng gustong gusto ni Naj-naj.
"Haay bakit ba kasi ko pumayag na maging bespren ka eh. Pati tuloy ako namomroblema dahil sayo." pagmamaktol ko.
Anim na buwan na mula ng mangyari yun at tanggapin ko siya bilang bespren. Ganyan ang gusto niyang spell ng bestfriend. Sana pala hindi na lang ako pumayag , sana walang nanggugulo sa akin ngayon at medyo tahimik ang buhay ko. Sa bagay siya lang ang lalake na nagtyaga na kausapin ako kahit masungit ako. Ako ang kinukulit niya na tulungan siya sa panliligaw niya dahil alam niyang di ko siya matitiis. Pumapayag na lang ako sa gusto niya dahil hindi siya titigil sa pangungulit. Palibhasa bata , 18 years old na siya at ako 20 years old.
"Payag ka naman na di ba?"
"Para namang pwede ko tumanggi di ba? Ah di naglupasay ka na naman sa harap ko"
"Sus alam ko naman na hindi mo talaga ko matitiis di ba di ba?"
"Dalin mo sa motel. Tapos alam na Hahahaha."
"Bespren naman eh.! Seryoso ko, feeling ko kasi sasagutin niya na ko"
"Ng Hindi?? Hahaha"
"Tzk"