- SOPHIA'S POV -
Hindi ko na hinayaan na samahan ako ni Hana sa pagpapacheck up, feeling niya raw kasi ay parang may sumusunod o namamasid sa kaniya.
Isang buwan na ang nakalipas, hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang huling gabi na nakita ko si Raven. Nalaman ko na bukas na ang kasal niya kay Julia.
Hinaplos ko ang aking tiyan saka ako bumugtong-hininga.
"Kapit ka lang kay Mama, huh? Kasi gagawin ko ang lahat mapalaki lang kita ng maayos." Hindi ko mapigilang mapangiti. Katatapos ko lang magpacheck up sa OB Gyne at ngayon ay palabas na ako ng hospital.
"Gracel?" Natigilan ako sa paglalakad nang may tumawag sa second name ko. Unti-unti ko siyang nilingon at na-istatwa ako nang makita ko kasabay ng pakabog ng dibdib ko. Tila maiiyak na siya nang hinarap ko siya. "A-Anak.."
Hindi ko alam kung sadya bang pinagtatagpo kami ng tadhana. Ang laki ng lugar na ito upang magkrus ang landas naming dalawa.
Anong sasabihin ko? Gusto ko magalit sa kaniya kaso kalahati ng utak ko na sinasabing namiss ko siya. Hindi ko namalayang pumatak na pala ang aking luha habang papalapit siya sa akin.
"W-Wag kang lalapit sa 'kin."
"Anak, patawarin mo ko."
Napailing ako at hindi ko na napigilang humikbi sa harap niya. "Hindi mo ko anak!"
"Magpapaliwanag ako--"
"Stella!" Natigilan siya at ako naman ay napalingon ako sa lalaking lumapit sa kaniya. At napanganga ako sa gulat nang makilala ko agad siya. "Sino siya?" Sabay inakbayan si Inay.
Si Don Carlito..
"Siya si Gracel, ang anak kong naiwan ko sa Cebu." Naiiyak na sabi ni Inay. "Kailangan kong ipaliwanag ang lahat sa kaniya."
Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko gamit ang kamay ko. "Kahit hindi mo na ipaliwanag dahil alam ko na kung bakit ka sumama sa kaniya."
"Mali ka ng iniisip.."
"Ako pa ngayon ang mali? Dahil sa depresyon at malubhang sakit ay namatay si Itay ng dahil inyo."
Humagulgol na siya. "Sige isisi mo na ang lahat sa akin! Ako na may kasalanan. Patawad, anak." Tapos ay bigla siyang nanghina at napahawak sa kaniyang dibdib, hanggang sa tuluyan na siyang hinimatay.
"Stella? Stella!" Nagpapanic na si Don Carlito habang pilit niyang ginigising si Inay. "Somebody help us!"
"N-Nay.." Napaluhod ako at patuloy sa pag-agos ng luha ko. Anong nangyari?
Sinamaan ako ng tingin ni Don Carlito. "You don't know why she's suffering like this."
Mabilis dinala ng mga nurse si Inay sa emergency room. Wala na kong lakas para sundan pa sila doon.
Tulala lang akong naglalakad kung saan. Pakiramdam ko ay naguilty ako sa nangyari sa kaniya. Hinihimatay daw siya kapag masyado ng emosyonal, iyon ang nalaman ko sa isang nurse.
Ang bigat sa dibdib. Kailan ba matatapos to?
Balik trabaho ulit ako sa One Night Bar. Ilang beses na kong binabalaan ni Hana na simula bukas bawal na kong matrabaho, baka daw kasi siya ang maunang matigok sa sobrang pag-aalala sa akin.
"Oo na, susundin na kita. Pasensiya na."
"Sa totoo lang kasi hindi ka safe dito, Sophie. Mahirap na at buntis ka pa man din."
Tumango na lamang ako. "Salamat."
Nagtungo ako sa tapunan ng basurahan para magtapon ng isang bag ng plastic. Nang maitapon ko na ay napatalon ako sa gulat ng may humawak sa magkabilang braso ko.
"Ahh! Sino ka---hmmp!!" May tela na bigla na lang tinali sa aking bunganga para hindi ako makasigaw. "Hmmp!!"
"Hi, Sophia!"
At isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Dahan-dahan kong sinamaan ng tingin si Julia. At isa pang malutong na sampal ang dumapo sa magkabilang pisngi ko.
Humalakhak siya sa tawa. "Alam mo, matagal ko ng alam na dito ka nagtatago. Alam ko din ang lahat lalo na ang pagbubuntis mo. Sorry ka dahil pareho din tayong buntis." Natigilan ako sa kaniyang sinabi. "Tuwang-tuwa nga si Raven eh kaya inaya na niya kong magpakasal."
Si Raven din ang ama?
Hindi ko na maiwasang mapahikbi. Gusto ko siyang sigawan at murahin.
"At alam mo ba na si Daniel ang nagkalat ng video mo."
Hindi ko na kaya! Gusto ko siyang sugurin at wasakin ang pagmumukha niya. Bwisit siya! Demonyita!
"Sinong ama niyan?" Turo niya sa tiyan ko. "Iba't ibang lalaki ba?"
Pilit kong makawala sa dalawang lalaking ito kaso masyadong mahigpit ang pagkakahawak nila sa akin.
"Tumigil ka na nga, Julia. Masyado mo ng kinakawawa si Gracel.." Napakunot-noo ako nang isang lalaking nakangisi ang lumapit sa tabi ni Julia. "Hi, long time no see. Naaalala mo pa ba ako? Its me, Guian."
Napansin ko ang pagtataka sa mukha ni Julia saka niya nilingon si Guian. "What? You know her?"
"Oo naman, dream girl ko kaya yan at future girlfriend.. Hindi mo siya kilala kasi nasa states ka pa noon."
Ay, bwisit! Naalala ko na siya. Si Guian, ayaw ko siyang kalaro noon, anak siya ni Don Carlito---Sh*t! Magkapatid sila?!
"Sophia!!" Sabay-sabay kaming napalingon sa tumawag sa akin. Si Hana. "Ahhh!!" Napatalon siya sa gulat ng may nagpaputok ng baril, isa iyon sa mga kasamahan ni Guian.
Gusto kong isigaw kay Hana na tumawag siya ng pulis, kaso naiiyak na lang ako kapag hindi ko magawa. Nakatutok na ngayon sa kaniya ang baril, kapag umalis siya sa kinatatayuan niya siguradong mababaril siya.
"Ipasok na yan sa van." utos ni Guian sa mga kasamahan niya.
"Hmmmp!!! Hmmmp!!" Pagpupumiglas ko.
Bago pa nila ako ipasok sa van ay napansin ko si Hana na umiiyak na habang nakataas ang dalawang palad niya.
"Alright! Happy honeymoon to both you, Kuya! Bye Sophia!" Mapang-asar na paalam ni Julia sa akin.
"Thanks, sis!" Sabi ni Guian saka na siya sumakay ng van at umupo sa tabi ko.
Agad kong pinagsisipa at pinaghahampas agad si Guian kaya nagulat siya. "Hmmp!! Hmmp!" Kaso ang walang'ya natatawa lang at nakakabwisit na pareho niyang napigilan ang dalawang kamay ko.
"Wala ka ng magagawa, sobra kitang namiss alam mo ba yun? Pananagutan kita, Gracel. Ibibigay ko sayo lahat, maging akin ka lang."
- - -
Sapat na siguro ang 2 updates, ano? Next week na lang po ulit, busy-busyhan ako sa weekend. Lol! ^_^
#ChaTara08
BINABASA MO ANG
All Yours Are Mine [TGKS#2]
RomanceIsang di kilalang babae ang naka-One Night Stand ni Raven mula sa mga One Night Girl Models sa isang bar. And because of his addiction. Akala niya ay ang Ex-Girlfriend niyang si Monique ang katalik niya. After that, he awake without the girl beside...