Chapter 17

924 31 1
                                    

Demon P.O.V

Naghahanda ako ng mga gamit ko para sa pag punta namin sa Gervacio masyadong malayo yun kung lalakarin namin kaya nag dala ako ng extra pagkain at tubig pati damit kung masiraan ako or gusto lang magpalit.

"Silver tayo na malapit na mag six!" sigaw ko kay Silver na, nakasitting pretty lang sa sala namin.

"Bakit ang dami naman ng dala mo Demon parang maglalayas ka na niyan" tinignan ko lang siya ng masama para tumahimik.

"Kailangan natin mag madali Silver dahil alam natin na hindi pwede makalabas ang mga students dito pero except lang ng mga royalty na nandoon sa palasyo, kaya tumayo ka na diyan dahil dadaan tayo sa likod" tumayo na ito at tumalon ng sofa at tumabi sa akin upang makasabay kami lumabas ng dorm.

"Demon lagay mo na lang ang mga gamit mo sa likod ko" napatingin ako sa kanya bago siya nag palit ng anyo. Woah first time may ginawang mabuti din 'tong Silver na 'to. Tumango lang ako at inilagay sa likod niya ang mga gamit na dala ko. Kasi ang bigat.

Lumabas na kami sa dorm at maingat na naglakad para hindi makagawa ng ingay. Dahil sa ganitong oras wala masyadong tao dahil natutulog pa dahil sa pagod kakatraining.

Bigla kung hinalbot si Silver na pretending naglalakad. Ng may dalawang professor akong nakita.

"Ano ba Demon wag mo nga akong hinahalbot ng walang paalam at FYI lang ha ang bigat kaya ng dinadala ko"

"Tumahimik ka pwede ba" pagalit na sabi ko sa kanya.

"Bakit ba ha?"

"May professors ok, kaya tumahimik ka na diyan kung ayaw mo makita tayo"

Kaya tumahimik siya sa sinabi ko at hindi na nagrereklamo pag hinahalbot ko siya.

~~~~

Nandito na kami sa likod ng school kung saan walang katao tao.

"Demon pwede mag teleport na lang tayo papunta ng Gervacio" tinignan ko si Silver ng nasalita ito.

"Pwede pero hangang gitna ng gubat lang tayo makakarating dahil alam natin na nilagyan ko ng shield ang buong village diba?" napabuntong hininga na lang siya.

"Pero pwede tayo mag teleport sa gitna ng gubat para kalahati na lang ng araw ang paglalakbay natin papunta doon" tumango lang ako ng nasalita siya.

"Kumapit ka saakin at wag kang bibitaw kung ayaw mo malaglag sa mga puno" kumapit siya saakin at nag simula na akong pumikit at nateleport paupunta sa gitna ng gubat.

**~~**

"AHHHHHHHH" sigaw ko yan. Pano ba naman nasa ibabaw ko si Silver na dala ang mga bag ko.

"Bwesit tumayo ka diyan ang bigat mong lobo ka" sabay tulak ko sa kanya.

"Wag mo nga akong itulak" ang arte. Eh ako na nga ang na injured dahil sa bigat niya at dagdagan pa ang mga bag ko.

"Tumayo ka na diyan para makapunta na tayo sa Gervacio bilis" akala mo kung sino.

"Ito na po oh, tatayo na" tumayo na ako at nag simulang maglakad.

**~~**

Hindi ako nagaabala na maligaw dahil may mga sign papunta sa village namin at yun ang mga rosas na puro blue, sky blue, at dark blue.

"Tigil muna tayo Silver ang sakit na ng mga binti ko" tumigil naman siya at umupo sa may sanga ng kahoy.

Lumapit ako sakanya para kunin ang isang bag na naglalaman ng mga pagkain. Kinuha ko ang isang tinapay at binigay kay silver na kanina ko pa napapansin ang pag kulo ng tiyan niya. At kinuha ko ang tubig para inumin ko dahil uhaw na uhaw na ako kanina pa.

--»»White Academy««--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon