Umasa ako kasi nangako ka (OneShot)

330 9 1
                                    

Ako nga pala si Cxarize Agatha Mae Fajutrao simpleng babae minsang nagmahal at nasaktan minsang naniwala sa happy ending at sa Fairy Tales.

Akala ko noon magiging masaya ako sa piling niya pero hindi pala akala ko totoo lahat ng sinasabi niya at pinapakita pero hindi pala lahat pala ng iyon ay isang kasinungalingan lang.

Nangako siya na ako lang at walang ibang laman ang puso niya kundi ako lang. UMASA AKO KASI NANGAKO siya nangako siya na ako lang na sa akin lang siya pero hindi pala isang MALAKING AKALA.

~Flashback~

"Cxarize!" napngiti ako sa nung narinig ko ang boses niya ang lalaking nagbigay kulay ng buhay ko.

"Oh Ezekiel bakit nanaman ba? ha? mgaasar ka ba? please lang kasi wala ako sa mood para makipagasaran sayo ngayon" sabi ko sa kanya habang nakatalikod kasi ayoko malaman niya na nakangiti ako at kinikilig pag siya ang kausap ko, siya si Marcxjoven Ezekiel Malabanan ang lalaking walang ginawa kung hindi patibukin ang puso ko ng sobrang bilis na halos hindi na ako makahinga.

"Eto naman galit agad may gusto lang sana akong sabihin sayo pwede ba kitang makausap? kahit saglit lang please?" sabi niya sa akin ano pa ba ang magagawa ko hindi naman kita kayang tiisin eh pasalamat ka mahal kita.

"Basta ba mahalaga yang sasabihin mo at hindi mo uubusin ang oras ko kung wala naman ding kwenta yang sasabihin mo naku tal-"

"Mahal kita Cxarize" napahinto ako sa sinsabi ko ng bigla niya binaggit niya ang mga katagang matagal ko ng gustong msrinig mula sa mga labi niya.

"A-ano? te-teka tama ba yung narinig ko? na ma-"

"Na mahal kita? hindi" parang nabasag ang puso ko sa maliliit na piraso ito nung binanggit niya ang isang salitang HINDI, magsasalita na sana ako pero nagsalita siya at ikinatuwa iyon ng puso ko.

"Hindi kita mahal kasi MAHAL NA MAHAL KITA pwede ba kita ligawan? sana maniwala ka na mahal kita kasi hindi ako nag bibiro kasi mahal na mahal talaga kita sana paniwalaan mo ako MAHAL NA MAHAL KITA CXARIZE AGATHA MAE FAJUTRAO" Walang salita na lumabas sa mga labi ko pero pinakita ng mga mata ko kung gaano ako kasaya ng marinig ko ang mga katagang akala ko hinding hindi ko marirnig sa mga labi niya.

"Mahal din kita Ezekiel mahal na mahal sobrang mahal kita" sabi ko yan sa kanya NBS ako kasi iniinytay klita kung alam mo lang kung gaano ako kasaya na sabihin mo na sabhin mo na mahal mo ako.

"Shhh tahan na mahal kita mahal na mahal kita so ano na? tayo na?" sabi niya sa akin.

"Syempre hindi ano ka siniswerte? ligawan mo muna ako gusto ko rin kayang maligawan noh!" sabi ko sa kanya yan pero tinawanan niya ako.

"Kahit naman tayo na araw araw kittang liligawan at papasayahin oh siya sige na alis na alam ko naman mag klase ka pa at baka malate ka pa" sabi niya sa akin yun umalikod na ako at umalis lumingon ako ulit sa kanya at nakita ko ng paalis na din siya kaya tinawag ko siya.

"Ezekiel! Oo na sinasagot na kita Mahal na mahal kita!" nakita ko kung gaano kalaki yung ngiti na pinakita niya sa akin kaya tumakbo siya sa akin papalapit.

"Talaga tayo na?"

"Oo bakit ayaw mo ba?" hindi siya sumagot pero nagulat ako ng bigla siya sumigaw ng malakas.

"WOOOOOOH!!!!! KAMI NA ANG SAYA SAYA KO WOOHOOOO!!!!!"

"Huy! ano ba nakakahiya tumugil ka na nga jan"

Umasa ako kasi nangako ka (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon