Kabanata 5

16 1 0
                                    

Binukas ko agad ang pinto at hinabol si Kuya Yanter. Ano ba'ng sinasabi niya? I can't understand them! Mas sumasakit ang ulo ko dahil hindi naman nila pinapaliwanag.

"What do you mean?" Tanong ko nang maabutan si Kuya Yanter na bumababa sa hagdanan ng bahay. Nilingon niya lang ako at nagpatuloy sa pagbaba. Sa bilis niyang maglakad ay napagiwanan ako.

Nakita kong naroon sa dining are sina Thaddeus at Duff. Si Isidro at Israel ay nakaupo sa sofa. They're here? Bakit ba? What's happening? Ang outdated ko naman yata.

Wala sila Mama at Papa. Hindi ko alam kung nasaan sila. Nakakapagtaka talaga na sa ganitong oras ay naririto ang mga pinsan ko.

"Come on! Tell me. Bakit hindi s'ya?" Hindi ko mapigilan ang tabang sa boses ko. Hindi ko gusto si Demarcus. Hindi ko rin naman siya mahal. That's why I couldn't understand why.

"Basta, Samore. Layuan mo nalang," sabi ni Isidro. What! Talagang hindi nila sasabihin sa akin?

"I don't accept that kind of answer, Sid." I answered. Tumikhim naman siya.

"Never mind! Wala lang iyon. We're just overreacting," ngumisi si Duff habang may hawak na baso. Napabuntong hininga ako. Wala naman pala, e! I'm sure they're just being protective. Kahit wala naman talagang namamagitan sa amin.

"Why are you here, by the way?" Tanong ko sa kahit sino sa kanila.

"Tita Elisha texted us. She invited us to come here." Sagot ni Israel. So, that explains why. Siguro ay may pupuntahan sila Mama at Papa. Saturday naman bukas kaya ayos lang kahit late na kami matulog.

"Dito ba kayo matutulog?" Sabi ko at naupo nalang din sa tabi ni Israel.

"Most probably. Nasa bahay sila Tita. May pag-uusapan daw silang magkakapatid." Paliwanag ni Kuya Yanter. Tumango nalang ako. Well at least, they'd entertain me.

"H'wag kayong iinom dito, a." Mariin kong utos. Humalakhak naman si Duff at nagsalita.

"Ano ba ang tingin mo sa amin, Samore? Sunog baga?" Tumatawa nanaman silang lima. Hinayaan ko nalang at nagtungo sa kusina. I'm gonna cook for these boys. Sigurado akong hindi pa sila kumakain.

Nadatnan ko sila Ate Len doon habang kinikilig kasama si Ate Asul na pinaguusapan ang mga pinsan ko. Napailing na lamang ako.

"Ate, pahanda naman po ng kakailanganin para sa Sinigang na Baboy." Sabi ko. Tumango naman siya at dumiretso sa ref. Wala naman talagang nagturo sa akin kung paano ang magluto. Basta ang alam ko lang, isang araw, marunong ako.

Nang kumukulo na ay binudburan ko na ng sinigang mix. Naamoy ko agad ang bango kung kaya't nagugutom na rin ako. Maingay ang mga pinsan ko sa sala. Naririnig ko silang nag-aasaran habang naglalaro yata ng NBA.

"Ate, pahanda nalang po ng mga plato. Kumain na po ba kayo?" Tanong ko at pinatay ang induction.

"Hindi pa, Samore." Sagot ni Ate Asul.

"Sumabay na po kayo sa amin." Sabi ko dahil naisip na malaki at mahaba naman ang dining table. Pero agad siyang umiling.

"Mamaya nalang. Kumain muna kayo," sabi niya pa. Tumango nalang ako. That's my principle in life. Kung ayaw nila, hahayaan mo. Hindi mo pipilitin.

"Let's eat.." Aya ko sa mga pinsan kong naglalaro. Dali-dali naman silang lumapit sa dining table.

"Wow! Nagluto ka? Baka tumira nanaman ako sa gym nito," sabi ni Thaddeus habang nakatingin sa niluto kong ulam.

Natapos kaming kumain at puro pag-uusap ang naganap. Mapa-seryoso man, o, hindi. They're really good.

"I like girls who can cook," sabi ni Kuya Yanter.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fireside PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon