Ikalawang Gawa ( II Acts)

115 3 0
                                    

Maari po lamang nabago ninyo basahin ang mga kwentong ito ay pakibasa na muna ang sumusunod:

1)      Bakit hindi lahat pwedeng mapapunta sa langit?

-Dahil tayong lahat ay makasalanan!

(Roma 3:23 “Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos.”)

(Roma 3:10 “Ayon sa nasusulat: Walang matuwid’ wala kahit isa;”)

Kung gayon mamari nating sabihin na sa ating natural na kalagayan, ang tinggin sa atin ng Diyos ay ligaw na makasalan na patungo sa iisang lugar.

2)      Saan ba tayo patunggo?

(Roma 6:23 “Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggang sa pamamagitan ni Cristo Hesus na ating Panginoon.”)

Sapagkat ang sabi ng Biblia ay ang Ikalawang Kamatayan ay sa “lawang  apoy ng impyerno,” sa Roma 6:23 ang ibig sabihin, kung  tayo ay magkasala ngayon, magbabayad tayo sa Impyerno habang panahon. “Pagkatapos ay itinapon sa lawang apoy ang Kamatayan at ang Hades. Ang lawang apoy na ito ang pangalawang kamatayan.” (Pahayag 20:14)

3)      Paano tayo makakapunta sa langit kung mamatay na tayong Pisikal?

(Roma 5:8 “Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makakasalanan pa.”)

Ngayon nalaman mo na ang kalagayan mo sa harapan ng Diyos bilang makasalan, at ikaw ay dapat na magbayad ng iyong pagkaka-utang sa Kanya sa pamamagitan ng pagkabulid sa Impyerno. Isipin mo, mahal ka ng Diyos kahit na makasalanan ka, ipinadala Niya si Hesu-Cristo upang siya ang tumangap ng parusa na dapat ay sayo. Kung iyo ng naintindihan sa iyong puso ang nasa itaas, ipagpatuloy mo na ang pagbabasa.

Roma 10: 9-10, 13 “Kung ipapahayag ng iyong mga labi na si Hesus ay ang Panginoon at mananalig ka nang buong puso na siya’y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. Sapagkat nanalig ang tao sa pamamagitan ng puso at sa gayo’y napapawalang sala; at nagpapahayag sa pamamagitan ng kanyang labi at sa gayo’y naliligtas. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon.”

4)      Anu na ang gagawin ko ngayon?

Nalaman mo ng ikaw ay makasalan. Nalaman mo nang si Cristo ay namatay para sa iyong kasalanan. Humingi ka ng tawad sa kanya at ikaw ay iligtas. Kung mamari lang ay ipanalangin mo ang sumusunod na panalangin at ito’y isa-puso mo sa pinakamagandang paraang kaya mo?

Panginoon,

        Inaamin kong ako ay makasalanan at kailangan ko po ang Inyong pagpapatawad.

        Naniniwala ako na si Cristo ay namatay para sa akin, bilang kabayaran sa aking kasalan.

        Nakahanda po akong tumalikod sa aking mga kasalanan.

        Inaanyayahan kita panginoong Hesus, na pumasok sa aking puso at buhay, bilang             personal kong Panginoon at Tagapagligtas.

        Nakahanda po ako, sa Tulong Ninyo, na sumunod kay Cristo bilang Panginoon ng aking buhay. Amen.

Ngayon ikaw ay kabilang na sa anak ng Diyos at isa sa tatanggap ng Buhay ng Walang Hanggan sa Langit kapiling Niya.

Sikapin mo na wag ng magkasala pa at magbasa ka ng Biblia at humanap ka ng Simbahan kung maari upang ikaw ay matuto pa ng marami pang ipinangako ng Diyos. Kapatid ikaw ay aking inaanyayahan ng i-like ang Zion Christian Academy Foundation sa Facebook upang ikaw ay akin pang matulungan sa iyong paglalakbay kasama ang panginoon. Mabuhay at Pagpalain ka nawa ng Ama.

Sige na mamari mo ng basahin ang pasimula ng mga kwentong ito salamat….masaya ako para sayo.

Ikalawang Gawa ( II Acts)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon