Chapter 13: Favor

32 11 1
                                    

January 30, 2017 Monday

XXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Kanina pa kita hinahanap! Sa'n ka ba galing?! Text ako ng text sayo, hindi ka naman nagrereplay!"

"A-ah. A-ano, m-may, t-teka---"

"Ano ba talaga?"

Ba't ba kasi hindi ko masabi sa kanya kung saan ako galing? Eh ano naman kung malaman niya na kasama ko si Kurt sa clinic at alam ko na ang tungkol sa history niya?

"May sayad ba sa utak 'tong kasama ko?" bulong niya sa sarili niya pero rinig ko rin naman.

"Ano ba! A-ano kasi, n-natamaan ako ng bola sa basketball sa ulo. Nawalan ako ng malay at dinala sa clinic. Si K-Kurt pala ang n-nakabunggo sa akin."

Hindi siya umimik. Nagiba ang atmospera ng paligid. Iba ang aura. Nakikita ko sa mukha niya na nagulat siya sa sinabi ko.

"Yung ulo mo? Ok ka na?"

"O-oo."

"Anong hawak mo?" tanong niya at tinuro yung libro sa kamay ko.

Napatingin naman ako sa kamay ko at napagtantong hawak ko pa rin ang yearbook at notebook ko sa math.

"A-ah. Ito ba?" Tinaas ko ang yearbook at notebook pero nakaharap sa kanya ang notebook ko. "S-sa math," palusot ko. "H-hindi kasi ako matalino dito, hindi pareho say---"

Napatigil ako. Shet. Muntik na yun. Naman Nae oh! Dahan dahan sa pananalita naman! Mahuhuli ako nito.

"Aah. Tara."

Kumunot ang noo ko. "Saan?"

"Basta."

Pumunta kami sa parking lot at sumakay sa motor niya. Ako naman, sa bike ko. Sabi niya, susundan ko lang daw siya. Napahinto kami sa harap ng Crest Coffee Shop.

Ano namang gagawin namin dito?

Bumaba siya sa motor niya kaya bumaba na lang din ako. Naalala ko tuloy yung sa nangyari sa amin ni Martin dito. Pumasok siya sa loob kaya sumunod ako.

Since may waiter sa shop, nagorder si Collin ng dalawang iced coffee at red velvet cupcakes.

Cupcakes?

After 5 minutes, dumating yung pagkain. Pagkaalis ng waiter, kinulubit ko siya, busy sa pagsipsip sa ice. Humarap siya sa akin na nakakunot ang noo.

"Libre mo?" turo ko sa mga pagkain sa mesa.

"Hindi, hindi. Para 'yan sa aso ko," sarkastiko niyang sabi. "Tsk. Obvious naman diba?"

Himala.

"Eh, baka ako ang pababayarin mo. Wala akong dalang pera."

"Kumain ka na at ilabas mo ang notebook mo sa math."

Naguluhan ako. Para sa'n ang notebook ko sa math?

"Ah. Para saan?"

"Ayaw mo? Tuturuan sana kita sa mga math lessons dahil sabi mo nga, nahihirapan ka. Since ayaw mo---"

"Hindi! Gusto ko!"

"Tsk," tanging sagot niya.

Aba! Himala. Ngayon ko lang yata nalaman na willing siyang magturo sa akin ng math. Kung sabagay, matalino eh.

Habang kumakain kami, tinuturuan niya ako sa mga lessons na hindi ko maintindihan. Minsan nga, pinipitik niya ang ilong ko kung hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Gaya na lang ng Trigonometry, Arithmetic, Geometric Ratios, Graphing, Geometry at Algebra. My gosh. Hindi ko akalaing alam niya lahat ng 'to. Hindi man lang siya magtanong sa akin kung paano niya nalaman ang mga 'yan eh nasa last section siya?

 The Promise (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon