Kristoffer Lance's POV
Araw araw akong dumadaan sa Grimes Academy, tuwing alas-kwatro ng hapon, tumatambay lang ako sa ice cream parlor na katapat ng Grimes. Madalas kitang nakikitang kasama ang mga kaibigan mo. Sa apat na buwan kong paghihintay sa paglabas mo, kelanma'y di kita nakitang may kasamang lalaki. I assumed na single ka, kaya patuloy pa din akong nag-aabang at naghihintay sayo.
Naalala ko noong una kitang nakita, "head-turner" ka talaga. Mala-Dyosa ang 'yong ganda. Nalaman ko ang pangalan mo dahil sikat ka sa Academy na pinapasukan ko, sa Johannes. Angeli Fuentes, pangalan pa lang, anghel na anghel na ang dating. Yung mga tunay mong ngiti, at ang paniningkit ng iyong mga mata habang tumatawa ay sadyang nakadadagdag lalo sa kagandahang taglay mo.
Dahil nga tinamaan ako sayo, inistalk ko lahat ng social accounts mo. Ang creepy no? Haha. Facebook, Twitter, Tumblr, Ask.fm pati na rin Wattpad. Nalaman kong passion mo pala ang pagsusulat. Walang duda, ikaw ang editor-in-chief ng Grimes. Communication Arts pala ang course mo. Maraming nagkakagusto sayo, mapalalaki o babae. Iniidolo ka ng lahat, at kabilang ako dun.
Minsa'y naisipan kong magtanong sayo sa Ask.fm, wala kasi akong magawa na. Natapos na ang dapat tapusin. Hindi ko alam kung bakit eto ang naging tanong ko, "Nagkaboyfriend o may boy friend ka na ba? Ano ba ang tipo mo sa mga lalaki?". Ewan ko ba, pero, handa akong baguhin ang sarili ko para maging "man of her dreams". Di naman nagtagal, nabigyan ng kasagutan ang tanong ko.
"Haha xD Grabeeee :) Di pa po ako nagkaboyfriend at wala pa kong balak. Haha. Meron akong natitipuhan, taga-Johannes. Kaya lang di ko sya kilala personally. Initials nya lang ang alam ko, na minsan kong nakita sa bulsa ng kanyang polo na nakaburda. Haha. Palayo na ng palayo sagot ko xD Sorry :) Ang tipo kong lalake ay yung mas matangkad sa akin, mabait, at higit sa lahat may paninindigan at malakas ang loob. Gwapo? Uhm, siguro bonus na lang 'yon. Haha."
Initials na nakaburda sa polo? Sa Johannes lang ganun ang style ng uniform. Siguro sikat din 'yon? Di mo naman siguro yun makikilala kung hindi diba? Pwera na lang kung madalas yun sa Grimes.
Teka nga, magtatanong na lang ulit ako. "Anong initials nya? San mo sya nakita?" Mabilis namang nasagot ang tanong ko, "Ang initials nya ay KLM. Nakita ko sya sa ice cream parlor sa tapat ng Grimes."
Dun ako nagsimulang kabahan. KLM ang initials ko! Tambay din ako lagi sa ice cream parlor sa tapat ng Grimes! Juskooooo! Last na tanong na lang talaga. Gusto ko munang maconfirm. Sana nga ako na.
"Pwede mo ba syang idescribe?" Malamang nagtataka ka na kung bakit ako tanong ng tanong tungkol sa lalaking gusto mo. Pasensya naman, ang taas na kasi talaga ng level of curiosity ko sa kung sinong maswerteng lalaki iyon. Kasi naman eh. Feeling ko ako yung tinutukoy mo. Sige na, feeler na kung feeler, wala akong magagawa.
"Haha. Okay lang. Matangkad, maputi, chinito, manipis at mapula ang labi, uhm, haha xD Taga-Johannes Academy. Tambay sa ice cream parlor sa tapat ng Grimes at madalas na cookies and cream ang binibiling ice cream. Nasabi ko na bang, SOBRANG GWAPO NYA? Haha. Sorry xD
Teka teka. Pwede bang magmura? Sh*t. Yun lagi ang order ko sa ice cream parlor sa grimes. Akong ako yung dinedescribe nya. Ako nga ba talaga?
Ay ewan. Bahala na. Basta bukas, bukas na bukas. Kakausapin ko sya.
*uwian matapos ang sumunod na araw*
Kataka-takang madaming tao sa tapat ng ice cream parlor ngayon. Puno din ito ng customers. Hindi ko sigurado pero ang hinala ko ay baka dahil sa ask.fm ni Angeli kahapon. Malamang maraming na nacurious kung sinong maswerteng lalaki ang natipuhan nya.
Alas kwatro na pala. Maya maya paniguradong lalabas na mula sa Grimes si Angeli. Kasama malamang ang mga matatalik na kaibigan nya.
Hindi ako nagkamali, ilang minuto lang ay niluwa na ng gate ang isang dyosa. Dali dali itong tumawid patungong ice cream parlor, nakalapat sa labi ang ngiting walang sintamis. Napangiti na lang din ako.
Heto na. Lalapitan ko na sya. Kaya ko to.
Lumabas ako ng ice cream parlor para salubungin sya. Laking gulat ko ng bigla syang kumaway, mas malawak ang ngiti nya, may kasama pang mala-anghel na "Hi!"
Nabighani ako. Nabato ako sa pwesto ko. Hindi ako makagalaw. Pinilit kong itaas ang kamay ko para kumaway pabalik. Eto na ba yun?
Pero sana hindi na lang pala ako naglakas ng loob kumaway pabalik.
Paano ba naman kasi? Hindi naman pala ako yung kinakawayan nya.
"Hey! Nandito ka na naman? Araw-araw kang nandito ah? At ano yang hawak mo? Cookies and cream ice cream? Di ka ba nagsasawa dyan?" Tanong ni Angeli na may halong pang-asar.
At para kong nabuhusan ng malamig na tubig. Ang lalaking kinawayan nya. Si Kraile. Katulad ko, matangkad at chinito din sya. Parehas kami ng mga katangian.
Then it hit me. Kraile Luis Manuel. KLM. Hindi talaga ako yun. Malamang si Kraile nga. Team captain ng basketball team ng Johannes. Ano nga bang panama ko?
Ang sakit. Para kong dinurog. Napahiya pa ko kanina. Sana di na lang ako kumaway pabalik. Sana hindi na lang ako tumayo. Sana hindi na lang.
Nagpasya na kong umalis. Wala naman na pala kong kelangan sa lugar na to.
Nagdirediretso na ako sa paglabas. Bigla kong narinig ang boses ni Angeli, "Uy sandali lang!"
Wag Kristoffer, wag kang lilingon. Hindi ikaw yung tinatawag. Baka mapahiya ka na naman.
Umepekto naman ang mantra ko kaya't tuloy tuloy pa din akong nakalabas.
Laking gulat ko na may nakahawak na sa balikat ko. Malambot ang kamay nya.
"KLM." Bungad nito kasama ang isang nakakahulog na ngiti.
"Uh. Hi?" Natataranta kong sagot.
"Ano ba. Wag kang mahiya. I'm Angeli. Angeli Fuentes."
"Uh. Kristo-" hindi ko natapos ang sasabihin ko.
"Kristoffer Lance Mendoza, right?" Tanong nya.
"Oo. Tama. Pa-pangalan ko nga iyon." Nauutal nitong sagot dahil na rin sa gulat.
"Sinabi sakin ni Kraile ang pangalan mo. Ikaw kasi yung matagal ko nang napapansin dito. Nacurious ako sayo."
"Angeli pwede ba magtanong?"
"Ano yun?"
"Uhm. Ano kasi. Uh. Ako ba yung tinutukoy mo sa ask.fm mo?" Nahihiya nitong tanong.
Natawa naman si Angeli sabay sabing, "Ah. Oo. Ikaw nga. Haha." Naiiling na sagot ng dalaga.
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong dapat gawin.
"Uhm. So, friends?" Angeli asked.
"Yes. Friends." I gladly took her hand.
And this for sure, will be the start of something new.
BINABASA MO ANG
Pangarap Lang Kita
Teen FictionFriends? Yes. And this friendship will be the start of something new for the two of you.