MY JEALOUS H.E.A.R.T.E.D PRINCESS

136 7 6
                                    

Umuulan nanaman, ang lakas pa ang pangit naman ng araw ngayon sana tumigil na ito excited pa naman ako ngayong unang araw nang pasukan namin gusto ko na Makita ang mga bago kong classmate at baka may mapormahan nanaman ako :D hehehe

Sa wakas tumila nadin ang ulan medyo mahina na ito, agad akong sumakay sa tricycle dahil malapit lang naman ang school na pinapasukan ko sa bahay namin, nang makababa na ako ay tumakbo na agad ako sa gate ng makapasok na ako sa gate ay nakita ko sa orasan na late na ako at tumatakbo ako sa may corridor ng *booooogsss* Ms. Sorry di ko sinasadya, hindi kasi kita napansin ehh sorry talaga, tulungan nalang kita dyan? At dinampot ko ang mga gamit na nahulog nya at dahan dahan akong tumayo, naaninag ko ang mga magaganda nyang muka at napatigil ako sandali, at sabay sabing “ahhh, msssss. So-sorry pho tala-talaga” at sabay inabot ko na sa kanya ang mga gamit nya na pinulot ko at umalis na ako

BTW, I’m Prince Rodel Altamirano, 17 years old, matalino, hindi naman gwapo at hindi din pangit, pero sabi nila madami daw nagkakagusto sa akin, andami ko ding natatanggap na message sa kanila via, facebook, yahoo, twitter at kung saan saan pa. Pero nagbago ang buhay ko ng NILOKO ako ng dating girlfriend ko, OO as in niloko! Kaya ayun parang naging playboy nalang din ako! MASAKIT kasi maloko ehh diba nga?

Kumaripas ako ng takbo papasok na sa room naming at buti nalang ay bago palang padating yung teacher namin.

“Pare unang araw ng pasukan late ka ahh hahaha” sabi ni aaron

“Tumabi ka nalang sa amin pare, ditto kana” sabi ni Kevin

Sila yung mga classmate ko matagal na since elementary pa naman kaya close narin kaming tatlo.

*UNKNOWN POV*

Nakakainis yung lalaki kanina >;( nagmamadali na nga ako ehhh binunggo pa ako! Pumasok ka ako Sa room nami at nakakahiya, mga nakatingin Sa akin ang mga classmate ko!

“Ano ba naman iyan, bakit ba sila nakatingin sa akin?” sabi ko sa isip ko

“jelina, jelina dito kana umupo” sabi nung tao sa sa may bandang likod tumingin naman ako at buti nalang classmate ko yung dalawang classmate ko nung elementary sina ardelen at Christine! Kaya dun na ako umupo sa tabi nila at nakahinga ako ng maluwag! (-_-t)

BTW, I’m jelina paz, 17 years old, matalino, maganda oo maganda at madaming naghahabol sa aking mga lalaki. Pero naging man hater’s ako dahil nga duon sa first bf ko na matagal napala akong niloloko ng hayop kung hindi ko pa nahuli ehh patuloy padin akong lolokohin.

“uy, sis kanina kapa nakatulala ahh, at ngumingiti kapa?” sabi sa akin ni ardelen

“ahh, wala iniisip ko lang yung nang yari kanina” sabi ko

“ano naman iyon?” sabi ni ardelen

“may nakabangga kasi sa akin kanina bago ako pumasok dito sa room, alam mo ang pogi nya, hahaha :D” sabay ngiti ako sa kana.

(Natapos na ang dalawang subject at nagpasyang mag recess ang tatlo na sina ardelen, Christine, at jelina dahil recess na din naman nila)

*PRINCE POV*

“Pare kilala nyo ba iyun ah? Yung kasama ni ardelen at Christine?” tanong ko sa kanila

“hindi ehh” ang sabi ni aaron at ganun din daw si Kevin

“pumunta nalang tayo sa canteen? Tara na!” sabi ko

Papunta kami sa canteen ng biglang *ouch* napasigaw ako dahil natapid ako at pag tingala ko ay ang nakita ko sya yung babaeng magandang nabangga ko kanina na kasama ang dalawa nyang classmate, tumayo nalang ako at nginitian ko nalang sya at sa sobrang hiya ko ay tumakbo na ako at bumalik ako sa room namin. Sinundan ako ng dalawa kong kaibigan sila aaron at Kevin at pinagtatawanan nila ako! “Nakakabadtrip kayo” ayun nalang ang huling nasabi ko sa kanila.

Buong maghapon akong tahimik sa klase at iniisip ko parin ang nangyari kanina, sobrang hiyang hiya ako. “ sa harap pa niya mismo ako natapid nakakainis naman aba!” sabi ko sa sarili ko.

*KRINGGGGGG**KRINGGGGGG*

“Yes! uwian nadin” sabi ko

 Sabay sabay kaming lumabas ng mga kaibigan ko at nandito kami ngayon sa gate siksikan ditto andaming tao gawa nga ng first day of school ehh. Nagulat na lang ako ng dahil sa akala ko ay ang tropa ko iyung naakbayan ko at hinihila ko na sa labasan.

*JELINA’S POV*

“Ano ba ha? Tanggalin mo nga iyang kamay mo!” sabi ko sa kanya napalingon sya sa akin at sabay

“ay! Ms. Sorry pho ha? Akala ko ikaw yung tropa ko ehh!” sabi nya at sabay tumakbo na ako papalabas ng gate at sumakay na ako ng sakayan para makauwi na din ako dahil gusto ko na muna umuwi!

Pag uwi ko ng bahay “Ma! Ma! Ma!” sigaw ko!

“oh anu iyun anak?” sabi ni mama sa akin

“may ikukuwento ako sayo ma!” sabi ko

“oh sige anu iyun anak?’’ sabi ni mama

“kanina ma bago ako pumasok ng school ehh may nakabangga sa akin, alam mo ma ang pogiiii nya *^_^* hahaha kaso ma! Lampa ata iyun ehh, kasi kanina habang nagrerecess kami ehh papunta sila sa canteen kasama ang mga kaibigan nya tapos bigla syang natapid sa harap ko, hahahaha ayun ma sa sobrang hiya bumalik nalang siya sa room nya” sabi ko kay mama

“Crush mo ba anak?” tanong ni mama

“hah? Ako mag kakagusto dun sa lampang iyun? Hindi pho ah ma” sabi ko

“sige anak, mag luluto lang ako para sa hapunan natin, at ikaw ay maggawa na ng mga assignment’s mo” sabi sa akin ni mama

“sige pho ma J” sabi ko habang naka ngiti kay mama

Habang naggagawa ako ng mga assignment’s ko ay hindi ko makalimutan yung nangyari kanina natatawa nalamang ako :’D

“matawagan nalang nga sila ardelen at Christine mayaya nalang maggala total malapit lang naman ang bahay nila dito sa amin” sabi ko

0936146**** calling christine

“ohh, jelina napatawag ka?” tanong nya sa akin

“tara gala tayo? Pwede kaba? Tanong ko

“uhmmm, ohh cge wala naman akong ginagawa ngayon ehh” puntahan mo na si ardelen ha? Punta na ako dun” sabi nya sabay baba ng phone

“ma, maypupuntahan lang po ako hane pho?” Sabi ko kay mama ng magsasalita na sya ay umalis na ako ng bahay :)

(nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila ardelen)

“ardelen, ardelen” sigaw ko sa tapat ng bahay nila

“oh ano iyun? Pasok ka muna?” sabi nya sakin

“hindi na, tara gala tayo papunta na din dito si christine mag paalam kana kay tita sabihin mo maggagawa tayo ng project hane ^_^?” sabi ko

“ohh sige na magpapaalam na ako!” sabi nya

Nakita ko si Christine na papunta na dito kala ardelen kaya tinawag ko sya

“nasan na si ardelen?” tanong nya

“nagpapaalam lang pero lalabas na din iyon!” sabi ko

“tara na? sabi ni ardelen

MY JEALOUS H.E.A.R.T.E.D PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon