What? There's two Ciel!

27 3 0
                                    

Lian P.O.V

Back to normal na ang lahat sa amin ni Ciel, bukod jan may new friend pa ako at si Vivian yun. Lalo namang naging busy ang buong student council dahil ilang araw na lang ay Valentine's Day na at nirequest ng mga studyante na magkaroon daw sana ng mga events or booth para sa Valentine's Day so as a President, I obey their request. We made a plan for that special day and each year is going to have their own booth; for example, marriage booth, jail booth, blind date booth, etc. So dahil ginusto din naman nila yan kaya eto, busy ang lahat ng year at tyaka excuse naman kami sa lahat ng subject, ngayong araw hanggang sa Valentine's Day. Habang busy kaming lahat dito sa SC room ay may biglang kumatok.

"Cloe, paki buksan naman yung pinto, may kumakatok eh," utos ko kay Cloe kasi may ginagawa ako at malapit lang naman sya sa pinto.

"Farrah, buksan mo daw yung pinto, di pa ako tapos dito oh," sabi ni Cloe kay Farrah na hindi tumitingin.

"Zenobia, paki naman yung pinto tinatapos ko pa kasi 'tong pag cocompute ng budget eh," sabi naman ni Farrah kay Zenobia.

"Dredd, yung pinto daw, kayo yung malapit jan eh tyaka madami pa rin akong ieedit dito oh," sabi naman ni Zenobia kay Dredd. Na tutok na tutok sa laptop nya.

"Cloud, yung pinto daw kumakatok. Ay may kumakatok daw, buksan mo na ikaw malapit eh," sabi ni Dredd kay Ciel na busy rin sa sarili nyang laptop.

"Pres., yung pinto paki bukas, may kumakatok," utos sa akin ni Ciel. Tumayo ako para buksan sana yung pinto ng mapagtanto ko na ako yung nag utos pero ako din yung gagawa. Mga loko 'tong mga 'to ah.

"Teka, teka, teka, kakahiya naman sa inyong lahat na nandito, sa pagkakaalam ko ako yung nag utos ah eh bakit ako din yung mag bubukas, hiyang hiya naman ako sa inyo. Bahala kayo, kayo magbukas nyan," umupo ulit ako sa upuan ko at pretending na nagbabasa pero pinapakiramdaman ko lang kung sino ang magbubukas ng pinto. Tumayo si Ciel at sya na ang nag bukas ng pinto.

"Ji, ikaw pala a~" pinutol ko yung sasabihin sana ni Ciel dahil si Ji my loves pala ang kumakatok kanina kaya tinulak ko si Ciel at ako ang humarap kay Ji.

"Hi Ji! Napadaan ka ata dito, anung kailangan mo," sabi ko sa kanya. Syempre nakangiti ako ng bongga sa kanya.

"Hi din Lian, nagpunta ako dito para sana kausapin si Ciel Cloud," sabi nya sa akin. Tinulak naman ako ni Ciel tyaka humarap kay Ji.

"Anung pag uusapan natin?" tanong ni Ciel kay Ji. Kakainis 'tong Ciel na 'to, ang laking hadlang samin ni Ji my loves.

"Sunod ka na lang sakin, importante lang," sabi ni Ji.

"Bye Ji," paalam ko sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin, Ghos! Nginitian nya ako.

"Bye!" sabi ni Ji sa akin tyaka sya umalis. Ang gwapo nya talaga. Pagkatingin ko naman kay Ciel, nakatingin lang din sya sa akin.

"Oh! Anong problema mo, bakit ka nakatingin ng ganyan sa akin?" mataray kong sabi sa kanya. Umiling muna sya bago mag salita.

"Wala, wala lang... Kanina nagrereklamo pero nung marinig lang pangalan ni Ji, mas mabilis pa sa kidlat kung makatulak," sabi nya.

"Huh? Pardon," sabi ko kasi hindi ko narinig yung huli nyang sinabi kasi ang hina hina.

"Wala sabi ko maganda ka sana kaso bingi ka lang," sabi nya.

"Che! Bahala ka na nga jan," mataray kong sabi sa kanya tyaka ako bumalik sa upuan ko. Umalis nanaman sya pagkatapos, sumunod na siguro kay Ji. Anu naman kayang pag uusapan ng dalawang yun at teka nga muna, kung kakausapin sya ni Ji it means magkakilala silang dalawa. Naku etong Ciel na ito hindi man lamang sinabi sa akin na magkakilala pala sila ni Ji my loves. I just continue what I'm doin' before. Maya maya, may kumatok nanaman sa pinto pero imbis na iutos ko pa sa iba, ako na ang nagkusa at baka bumalik nanaman sa akin ang inutos ko.

the more you hate, the more you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon