3 years ago..
Naglalakad ako sa may Playground ng aming compound nang mapahinto ako..
*0*
"Ang ganda naman ng rose na to!" sabi ko sabay pulot sa rosas na nasa paanan ko
"Bakit tinapon ka lang dito?Kawawa ka naman.." kahit na mukha na kong timang, patuloy parin ako sa pakikipag-usap sa rosas.
Eh, sa ang ganda-ganda kaya!
"Mahilig ka sa rosas,iha?"
Napalingon ako sa nagsalita. "O-opo.."
Ngumiti sya sakin. "Ano'ng pangalan mo,iha?" tanong nya ulit.
"Ah.. Joyce po"
"Ah,Joyce.. ilang taon ka na ba?"
?? Bakit nya ko tinatanong ng ganyan?
Hindi kaya, spy sya? At papatayin nya ko pag nagkamali ako ng sagot??
O MA GHAD!
"Ah--Anu po--15 po"
"Ganoon ba?Kailangan mo pa palang maghintay ng 3 taon..Pero sige.."
Anu daw? Anong sinasabi ni Lola? Hindi naman kaya, baliw sya?
"Ano pong sinasabi nyo,Lola?"
"Ang Unang lalaking magbibigay sayo ng rosas sa ika-labingwalong kaarawan mo..
Ang syang lalaki para sayo.."
*******************************
3 years after..
"Ngayon, ang 18 roses mo naman ang pag-uusapan natin.."
Ako si Joyce..
Debut ko na next week!
SIguro, masaya yun! Yieeeee! Nakakaexcite!
Sa kabila ng excitement, naalala ko yung sinabi sakin ng matanda 3 years ago..
"Ang Unang lalaking magbibigay sayo ng rosas sa ika-labingwalong kaarawan mo..
Ang syang lalaki para sayo.."
Totoo kaya yun?
"Ma! Si Mark nalang ang First Rose ni Joyce!" sabi ni ate sabay kindat sakin.
Alam kasi niyang matagal na kong nagpapa-cute dun kay Mark!
Teka? Edi kapag si Mark ang naging First rose ko.. Sya ang lalaking..
OH MAAAAAAAY!!!!!!
"Oo nga naman po Ma.." sabi ko pa.
Deeziz it! Eto na yon!!!! Oh may! Oh may lang talaga!!
"Ano ba kayo? Ang first rose mo dapat ay walang iba..
kundi ang Papa mo."
Ngek?! Si Papa?
Edi si Papa ang lalaking para sakin?
Tsk! Di naman ata totoo yung sinabi ni Lola eh!
----------------
Natapos ang usapang si Papa nga ang first rose ko at si Mark?
LAST. -_-
Ano ba yan? Pati ba naman ang destiny pinaglalayo kami?
And it hurts.. so much.
Childhood bestfriend ko si Mark.
Sweet, medyo mabait xD, matalino at bonus na ang pagiging Gwapo nya!
Kaya ang mahina kong puso, bumigay sakanya..
Sabi ni ate sakin, umamin na daw ako sakanya.
HALERRRR?! Hindi ko po keri ang mga isasagot nya nuh?
"Sorry, Joyce. Pero, hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo.."
o kaya naman
"Sus! Baka naman nangti-trip ka lang! Sorry, pero hindi kita type, best!"
O diba? Iniisip ko palang, nasasaktan na ko.
At isa pa, ayokong masira ang pagkakaibigan namin..
Haayy.. FRIENDZONE.
------------------------------
Mabilis lumipas ang mga araw.
Debut ko na!
Lahat kami ay abala sa pagaayos.
At ako? Naka-pink na gown. Naka-curl ang buhok at simpleng makeup lang.
Nakaupo ako sa tapat ng salamin namin. Lahat sila pumunta na ng Venue ng debut ko.
Sabi nila, yung escort ko daw ang kasama kong pupunta doon.
Hindi ko na inalam kung sino ang escort ko.. Ewan? Wala akong gana..
Dapat masaya ako diba? Dapat excited na excited ako! Dapat..
Marahan kong pnahid ang namumuong luha sa gilid ng mata ko. Sguro, dahil sa ika-18th birthday ko..
Natauhan narin ako. Na hindi talaga kami para sa isat-isa ng taong pinangarap ko..
Ng taong minahal ko mula pa noon..
"Bakit malungkot ang birthday celebrant?"
Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.
Ang boses na yon..
"Dapat masaya ka,diba?"
Kung alam mo lang..
"Ahh.. anong ginagawa mo dito,Mark?" tanong ko.
"Ako ang escort mo.." sagot nya habang nakasandal sa pinto.
"Wala naman silang nabanggit na ikaw ang escort ko ah?"
"Ayaw mo ba?" sabi nya na parang batang nagtatampo.
Natawa nalang akong bigla. Hitsura nito! I-kiss kita jan eh!
"Hindi ah! Ba't naman ako aayaw?"
"Suus! Napipilitan ka lang ata eh!" sabi nya pa.
"Ang drama nito! Hindi nga po.."
"Oh sya, tara na! Hinihintay na tayo dun!" yaya nya.
Humawak ako sa braso nya at nagsimulang maglakad.
"Ah.. Joyce, para sayo nga pala.."
Lumingon ako sakanya
at nakita ko ang hawak nya..
O_O
"Diba mahilig ka sa rosas?"
-The End-
AN: Almost 2 months ko nang nasulat ang kwentong ito pero ngayon ko lang naisipang i-publish. Anyway, hope you enjoyed reading! Love Lots! :*
-aKeytoYourHeart
BINABASA MO ANG
The F1rst Rose(One-shot)
FantasyWhat if, someone told you: The first man who'll give you rose on your 18th birthday, is the one for you. Anong gagawin mo? Ipipilit na ang taong gusto mo ang maging first rose mo? Or simply not to believe? In this case, let's see what will happen..