Exchanged Heart

63 0 0
                                    

Prologue..

Hindi ako ang babaeng pinapangarap ng lahat ng lalaki, Hindi ako si Cinderella na sobrang bait at masipag, Hindi din ako si Snow White na sobrang puti at ganda, Hindi din ako ang babaeng pinapangarap ng taong mahal ko..

Ako ang babaeng talo pa ang lalaki kung umasta, kasing lakas ang lalaki kung kumain, at ako ang babaeng hindi mo masasabing minamahal ng lahat ng lalaki..

Pero, okay lang kung hindi ako gusto ng kung sinong lalaki..

Basta't sya lang, lubos lubos na ako..

Totoo nga pala talaga ang love-at-first-sight, yung pag-ibig ta isang tingin.. Tunay pala ang pag-pintig ng puso na kakaiba kung ikukumpara sa normal, yung hindi ka makatulog dahil sa kakaisip sakanya, kulang nalang ipag-dikit kayong dalawa para mag hinahon ka..

Ganito pala kung mag-mahal.

Pero, ganito din pala ang masaktan. Yung kapag-nakikita mo sya, mas nasasaktan ka. Yung kapag naaalala mo sya, nahihirapan kang huminga. Yung kapag tumitibok ang puso mo sakanya, gusto mo nalang sumigaw dahil sa sakit nadadama. At yung hindi makatulog, dahil sa luhang dumadaloy sayong mata..

I was in a beautiful dream, but did it came out a sweet dream or a nightmare?

---

Exchanged Heart (Short Story) REVISINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon