Elle Samantha
It's Monday today, and first day of my second year in highschool. Nag-alarm na yung orasan ko and for the first time, I didn't hit the snooze button. Umupo muna ako dito lang din sa higaan ko for some leg stretching.
Magugulat sila mommy dahil mas maaga akong gumising ngayon kesa sa normal ko dahil na-eexcite akong pumasok. Why am I excited? Dahil yun sa bestfriend kong si Jaimie! Dito na kasi siya ulit mag-aaral eh. We're classmates since grade 1 hanggang grade 5, then she transferred school sa US dahil sa business ng mother niya. Doon siya nag-aral hanggang 1st year highsch--.
"Chum!! Elle Samantha Melez Delgado" speaking of the devil. Napaka-ingay ng bestfriend ko, pero kahit ganyan yan, love na love ko yan.
Bumangon na ako para mag-asikaso. Si Jaimie naman ay tuloy tuloy na pumasok sa kwarto ko at nag-paikot ikot sa harap ko, she modeled her new Saint Jude Academy uniform.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, mukhang mas excited siya dahil ready to go na siya. "Excited ka? 6:30 pa lang ng umaga bihis ka na?" biro ko. 9 ng umaga kasi ang start ng class sa SJA.
She sat on my bed. "I missed going to school here. Mas masaya dito. And I miss wearing uniforms!" Naalala ko nga na namomroblema siya noon kasi wala daw silang uniform sa US, eh ayaw niya pa naman inuulit yung mga damit na pang-alis niya. Bongga diba?
"Whatever. Dun ka umupo sa couch, aayusin ko yung higaan ko" pagtataboy ko sa kanya. Sumunod naman siya at pumasok na ako sa bathroom para maligo.
Tapos na akong mag-shower at lalabas na sana ako para magbihis ng maalala ko na nasa labas pala si Jaimie. Mabuti na lang may access ako sa walk-in closet ko kahit sa bathroom ako galing.
Nang matapos akong matuyo pati ang buhok ko ay sinuot ko na yung uniform ko. Gustong gusto ko talaga yung uniform namin dahil japanese inspired siya. Yung skirt namin ay di sing haba ng sa ibang school, 2 inches above the knee siya at blue na checkered ang kulay. White naman ang short-sleeved blouse namin na may dark blue sailor collar. Black shoes ang recquired sa SJA at white socks, pero pwede kaming mamili kung long socks or short. Siyempre, dahil mahilig ako sa anime and love ko ang Japan, long white socks ako.
Simple lang akong babae, pero pagdating sa hair styles, maarte ako. And because today's the first day of my sophomore year, I'll tie my long black hair into a high topknot bun.
Sinuklayan ko muna yung buhok ko saka ito itinali sa mataas na ponytail, right at the top of my head, I twisted it hanggang sa dulo then rolled it up into a high bun, I grabbed some bobby pins para ma-secure ung bun. Sinuklay ko naman yung bangs ko pa-side, and for the finishing touches, hair spray!
Hindi ako ma-make up na babae, kaya naglagay lang ako ng face powder, lip tint and voila! I'm good to go.
*
Maaga kaming nakarating sa school ni Jaimie. Hindi naman kasi ako matagal maligo, at mabuti na lang talaga at excited itong bestfriend ko na pumasok dahil napakatagal niyang maligo. 30 minutes pa bago mag-bell ay nakarating na kami sa principal's office, dito daw kasi muna si Jaimie bago sa classroom.
Pagdating namin sa office of the principal ay wala pa yung advisor namin at si Mr. Cruz.
Si Mr. Alfred Kristoffer Cruz, ang principal ng SJA.
Ganito kasi dito sa school namin pag may transferees. Imi-meet ng advisor nila sila sa office ng principal saka iintroduce sa class. At dahil ako ang class president ng Section 1 kung saan mapupunta si Jaimie, trabaho kong iassist yung transferee.
BINABASA MO ANG
The Old Songs
RomancePag-ibig. Isang matinding pag-ibig ang mangyayari sayo oras na tamaan ka ng pana ni Kupido. Walang age requirement basta tatamaan ka nalang. You're lucky if you get to find your soulmate at young age. Pero kaakibat daw ng pag-ibig ang sakit. Singtul...