Inumpisahan kong magsulat dahil wala akong magawa, oo! Nasa trabaho ako pero wala akong ginagawa, maliban to. Ang trabaho ko dito parang ulan sa Saudi, makakalimutan mo kung anu ang ulan d2 hanggat di umuulan uli, pero ayos lang bayad naman ang oras ko. Kaya eto ang resulta ng walang puknat kong pagtunganga.
Pagpasensyahan nyo na kung may mali maling spelling, nasanay na sa pagtetext.
"Sincerly Yours".Eto ang kadalasang nasa hulian ng sulat ng mga OFW sa kanilang pamilya nung di pa uso ang internet at cellphone at tanging sulat lang ang paraaan ng komunikasyon ng taong nasa abroad at ng kanyang pamilya.. eto ang kwento ng aking pakikipagsapalaran sa kabilang ibayo ng mundo.
Genesis
First time kong magaabroad, at mapupunta ako sa Kingdom of Saudi Arabia, ang unang pumasok sa isip ko ang Arabian Nights, ang Kaharian ang Agrabah, baka di niyo na maalala kung san un. Clue… ahem ahem! (sing!)“A whole new world, a new fantastic point of view”, may unggoy, may lorong manggagantyo, may carpet na lumilipad, may street urchin na nakapangasawa ng prinsesa, may prinsesang may tatay na haring madaling utuin at my asul na genie. Exciting, malay mo mahanap ko ang mahiwagang lampara, at ang first wish ko, sana guminhawa ang buhay ng lahat ng tao sa mundo. Pangalawa, sana walang namamatay sa sakit, at sa aksidente at ang panghuli, WORLD PEACE! Ang saya sana pag ganon di ba? Pero ang katotohan dahil tao lang ako at katulad ako ng nakakarami, malamang ang first wish ko ay tulad din ng sayo, “sana ako ang pikamayamang tao sa mundo”, ang second “sana ako ang pikagwapo/maganda sa mundong ito at ang pangatlo sana mgkaroon pa ako ng madaming wish. Yan ang iwwish ng karamihan satin pati ako, pro kung meron mang makakapagwish nung unang tatlo, saludo ako sayo, nasa iyo ang lahat ng papuri ko, kaya kung ikaw ang makakahanap ng lampara magiging panatag ang loob ko.
Balik tau sa bida dito…. ako! Nung una naexcite ako, yebah! Bagong lugar, mga bagong kaibigan, mga bagong workmates at bagong experience. Pagdating ko sa airport nandun na mga future friends ko, apat pala kaming magkakasama, ang unang ginawa ko ay tinignan sila mula taas pababa at pinaandar ko pagiging Sherlock Holmes ko.. Hmmmm... Tong isa (a.k.a Benigno) ay todo bihis, naka polo sabay tucked-in sa gray niyang slacks with black leather belt with matching black shoes, at mukhang masungit o dahil lang sa get up niya? Ang judge mental ko talaga. At ayon sa deduction ko, mataas ang katungkulan nito sa pupuntahan naming kompanya, malaki ang sahod pero di ako sigurado kung pwedeng utangan, first timer din toh, dahil tulad ko umiikot ang paningin sa paligid, at kumakalap ng impormasyon sa mga naririnig niya. Ok... Next! Yung sumunod (a.k.a Josh) e halos kasing edad ko lng, my kasamang babae, na mejo chubby, mkikita mo na iba ang itsura ng belly fat niya sa belly fat ng mga karaniwang matabang babae, mejo loose, na parang may laman dati, ibig sabihin kapapanganak lang niya. Asawa niya toh, pero wala akong nakikitang wedding ring, di pa sila kasal, nauna lang yung baby, yan naman ang bagong uso sa Pinas, ayaw lang nilang magpahuli. May baby na siya kaya siguro siya magaabroad.. Next! Ang huli (a.k.a Leo) ay nasa Mid 40’s panu ko nasabe? Narinig ko naguusap sila tungkol sa medical at nabanggit nya na ngpaECG siya, at age 40 and above lng ang naguunder go dun. Sa itsura niya ay ex-abroad na siya, relax na relax at kalmado ang mukha, tinuturo ang mga pinto ibig sabihin alam na niya ang mga pasikot sikot sa airport.
“Oh pasok na kayo” sabi ng nahatid samin mula sa agency, kinabahan ako di ko alam ang gagawin pagkapasok ko sa main entrance pero di ako ngpahalata, alam niyo naman ang mga lalake, mas gugustuhin pang mawala kesa magtanong, (mga ulupong!) At dahil proud member ako ng mga nasabing kalalakihan hindi ako nagtanong, buti na lang at ex-abroad si Leo. Para akong aninong nakasunod lng sa kanya na kunware alam ko din ang ginagawa ko and presto! Nakapasok ako sa boarding area na di nagtatanong, proud na proud ako sa sarili ko, good job sau!
Pagsakay namin sa eroplano, naexcite ako, as in! hindi dahil paalis na kame pero dahil masisilayan ko na ang pinagmamalaking ganda ng mga flight stewards! Yahooo! At sa totoo lang, skeptical ako nung una, pro nung lumapit na, parang nasa pelikula, nagslomo ang paligid, may wind effect sa buhok, maganda ang ngiti at lumalapit siya sakin, sabay sabing “Sir, can I help you?” nanliit ako literal! Ok na sana kaso ang tangkad niya. Kaya inabot ko nalang sa kanya yung bag ko, naupo at palihim na minura ang sinumang naglagay sa qualifications ng mga steward na dapat matangkad, pati ang nagdesign ng eroplano, bat sa taas nilagay yung compartment bat di nalang sa baba para di kelngang matatangkad ang mga steward! Di ba nila naisip na hindi lahat ng tao sa mundo tumatangkad ng 6 feet? This is racism! Ipapanukula ko na dapat palitan ang design ng eroplano sa senado, kaso mababasura lang pala, nasa Pilipinas tayo e. Buti sana kung ang panukala e malelegalized ang jueteng at 60% ang mapunpunta deretso sa mga bulsa nila, pustahan tau title palang ng batas na “Legalization of Jueteng” ang nakikita nila, pumipirma na ang mga ungas!