One - All

98 3 0
                                    

Hindi ko na masyadong tinitigan si Sungjae nung gabing iyon. Inisip ko kasi baka magselos si Nam Joo Hyuk kapag nalaman niya yung iniisip ko ngayon HAHAHAH Inenjoy ko nalang yung food. Filipino food ang hinanda ni T'ya Minyang for dinner. The way I see it, mukhang okay naman sa mag-ama kumain ng Adobo. Siguro nasanay na sila kay T'yang.

Namiss ko talaga yung adobo niya. Simot ko talaga yung adobo. Nawala na yung hiya ko. Nasapian ata ako ng pagka-baboy ko. Pag-angat ko ng ulo ko, medyo lumubog ako sa kahihiyan. Tapos na pala silang lahat kumain at tinititigan lang nila ako.

"Go on, keep eating, you look adorable," isang matamis na ngiti ang binigay ni Mr. Yook sa akin.

"I think she missed my cooking so much. Am I right Joy?" hinagod ni T'yang yung likod ko, nakangiti rin siya. Mukhang aliw na aliw silang pagmasdan ako.

Sinulyapan ko si Sungjae ng mga 0.001 second at isang smug na ngiti ang nasilayan ko. Parang sinasabi niya sa akin "kadiri ka. Baboy!"

Waaaaaaaah! minura ko ang sarili ko ng palihim. Hindi ko man lang namaintain ang dignidad ko sa harap ng isang kpop idol. Paano nalang kaya kapag inaya ako ni Nam Joo Hyuk makipagdate? Baka mawalan din ako ng composure. Aisssh!

Tingnan mo tong lalaking to! Ang Antipatiko. Kailangan bang maging napaka-elegante at slow motion ng pagkilos sa hapag? Umiinom ng tubig pero nakatitig pa rin sa akin. Yung mata niya, ang tulis makatingin ha! OA na! Para bang ini-examine niya ang pagkatao ko at nakikita niya ang iniisip ko.

"You know, Min Rin-ah, with you here, this family looks complete. I have a loving wife, a stubborn son, and I've always wanted an adorable daughter," panimula ni Mr. Yook.

"Or an adorable daughter-in-law," pahabol niya.

Dito, biglang nabilaukan ang magaling na Yook Sungjae. Hindi ko napigilan ang isang malakas na hagalpak ng tawa. Buti nga sa kanya! Alam mo yung sinasabi kong composure na nawala sa akin? Biglang nawala rin sa kanya! Hahah

"Aisssh! Abeoji!@$%^&&*$^%&," Wala akong naintindihan pero alam kong  nagprotesta si idol sa sinabi ng kanyang ama. Napahiya siguro siya ng husto, nakita kong namula ang tenga niya eh.

"I'm sure there are a lot of women who are interested in your son Mr. Yook. Also, there is already a guy I like," I responded, pa-demure para check na check ang composure hahahah

Yung mukha ni Sungjae, parang nainis pero mahahalata mong naiintriga rin siyang malaman kung sino. Aba ipamumukha ko talaga sa kanya na hindi ko siya type at hindi ako kagaya ng ibang girls na luluhod sa harapan niya para pakasalan niya. Kung ayaw niya sa akin, mas-ayaw ko sa kanya! Hmpft! Ampangit ng first impression ko sa kanya, hindi niya deserve ang love ng fans niya... Such a cold-hearted loser!

"Oh, you left him in the Philippines?" Mukhang intrigued pa rin si Mr. Yook kaya naman tinuloy ko ang pagkukwento.

"Actually, I followed him here. He's a Korean actor," napangiti ako habang nagkukwento.

"Lee Min Ho?" napaangat ako ng tingin sa direksyon ni Sungjae. Talagang interesado siyang malaman kung sino at napasumbat siya ng pangalan para lang mahulaan. Natawa naman ako sa kanya sa isip-isip ko. Ha! Akala niya kasi lahat ng babae magkakagusto sa kanya eh. Ano siya ngayon! Ang yabang niya pa umasta kanina.

Nginitian ko lang siya.

"It's Nam Joo Hyuk, Sungjae. She was crazy about him since we watched that Hit Drama of his. I forgot the title," singit naman ni T'yang! Bakit niya sinabi? Aishhh balak ko pa sanang asarin si Mr. Yabang.

"Weightlifting Fair---," sabay pa kaming bumigkas nung title ng palabas. In fairness, tama si T'yang. Mukhang mahilig din sa Kdrama ang anak-anakan niya.

The World was OursWhere stories live. Discover now