Wonwoo
Bigla akong nahimasmasan nung nasa harap na ako ni Seokmin. Naalala ko lahat ng nangyari kanina, putangina. Nag pahalata ako kay Mingyu! Agad akong tumakbo papuntang terrace pero napahinto ako at agad na nag tago para lang makinig sa usapan nila.
"Jun kanina pa kita tinatanong. Bakit mo kasama si Wonwoo?"
"Mingyu kanina ko pa din sinasabi na nakita ko lang siya sa bookstore kanina kaya sabay kaming umuwi. Walang mali dun!" mukhang nag kakapikunan ata sila? Alam kong nag titiis lang si Mingyu...
"Anong walang mali?! Ex mo na boyfriend ko, kasabay mong umuwi!"
"Ano bang mali sa pag sabay umuwi?!" napatayo na si Jun at sinipa ang bato sa harapan niya.
"Lahat! Lahat mali, Jun! Wag na wag kang lalapit kay Wonwoo..." tumayo na rin si Mingyu at binangga niya ang balikat ni Jun.
Umikot ako sa bahay at sinalubong si Mingyu sa back door. Halatadong badtrip siya. Niyakap ko siya agad at ganun din ang ginawa niya.
"Mingyu sorry kanina. Pagod lang talaga ako." tumango lang siya at hinawakan ang kamay ko.
"Bakit kayo mag kasama ni Jun kanina?" ayan nanaman... Hindi pa ba sapat na nag explain na si Jun kanina? Pero buti nalang at narinig ko ang usapan nila... Itutugma ko ang narinig kong sinabi ni Jun sa isasagot ko kay Mingyu.
"Nag kita kami sa Bookstore kaya nakisabay nalang akong umuwi."
"Basta ano ha... Wag ka ng lalapit kay Jun."
BINABASA MO ANG
Nostalgia •Meanie•
Fanfiction[HALF EPISTOLARY] "Wonwoo, bumalik ako kasi mahal parin kita..." Book 2 of Seen